Chapter 4: Maghiganti

3552 Words
Gumising ako dahil tumama sa aking balat ang sinag ng araw. Wala na ang lalaki sa tabi ko. Tinignan ko ang ilalim ng kumot at nakitang wala pa din akong saplot. Ngumisi ako dahil sa nangyari. That was one heck of a hot night! It was so satisfying and I can’t stop dreaming about it. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umalis na sa kama. Ni isang gamit ng lalaking iyun, wala akong nakita. A business card or something para ma-contact ko siya muli? Nope. Wala talaga. Okay lang. Nakuha ko naman ang gusto ko, eh. Tinawagan ko si Miss Maria pagkatapos kong mag-bath robe papunta sa banyo.There’s a Jacuzzi inside and I dipped in there. Sa tingin ko naman, ni-rentahan na ng lalaki ang kwartong ito kaya okay lang magtagal at magliwaliw doon. While I was taking a bath, I put my phone on speaker sa gilid ng Jacuzzi. Agad itong sinagot ni Miss Maria. “Good morning, miss,” masaya kong bati sa kaniya. “Good morning, Sarah. What can I do for you today, hmm?” Mahihimigan mo ang kaniyang sarkasmo. Dahil siguro sa ginawa ko kagabi. Urgh. Sometimes, I hate this assistant of mine. But nevertheless, I still need her lalo na’t may plano na ako ngayon… “Schedule me the earliest flight to Philippines today. I want to go back home now.” “But – “ “No buts, Miss Maria.” “Are you telling me that you’re gonna quit your writing career?” “Hiatus, miss Maria. That’s the right word. Isa pa, babalik din ako kaagad sa pagsusulat kapag natapos ko na ang kinakailangan kong gawin.” Ang maghiganti, isip ko pa. “But what about me? Ano nang gagawin ko?” “Uhm, your paycheck? I will give it to you right now. Check your bank.” I wired the money to Miss Maria’s bank account. Naramdaman ko ang mabibigat niyang hininga sa kabilang linya. I get it. She is freaking mad about this phone call. Kung wala ako, wala din siyang pera. Her life completely depends on me. “Miss Maria?” tanong ko dahil wala na akong narinig pa sa kaniya. “Are you still there?” dagdag ko pa. Kumunot ang noo ko dahil hindi kailanman sumuway si Miss Maria sa mga utos ko sa kaniya. Puwera na lang ngayon… “Total wala na din naman akong trabaho, why not tell you about my sentiments working with you? Unang una, nasasakal ako sa’yo! Pangalawa, ang arogante at mainitin ang ulo mo! Lahat ng kailangan mo, dapat ora mismo! Ginawa mo akong robot sa pagtatrabaho!” Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi at hindi makapaniwala sa narinig. Aba! Hindi ko alam na ganito pala ang turing niya sa’kin! Walang preno ang kaniyang pagsasalita. “Pangatlo, hindi mo pa din na-si-sign-an ang libro ko! Sinabi mo sa’kin noon na pipirmahan mo pero hanggang ngayon, wala pa rin!” Naririnig ko ang ang mahihinang iyak niya sa kabilang linya. I pouted. Aww, poor soul. Kaya pala nagkakaganito siya ay dahil hindi ko napirmahan ang kanyang libro? Dapat sinabi na niya kaagad iyun para mas mapaaga ang kaniyang sisante. “Shush, miss Maria. Gusto mo ng pirma ng libro ko? Why didn’t you tell me? Edi sana, binigyan na kita ng hardcover with signature ko pa.” Alam kong sarkastio ang boses nang pagkakasabi ko pero hindi ko inakalang binigyan ko lang siya ng pag-asa. My assistant is my die hard fan? Just wow… I never imagined that. O wala lang talaga akong pake sa kaniya? Magsasalita na sana siya pero pinutol ko ito. “About my request, you don’t need to do  that. Goodbye, miss Maria.” “How about my b-book?” tanong niya sa’kin. “I’m sorry?” “You said a while ago na pipirmahan mo ang libro ko!” “No-uh-oh. Nagbago na isip ko, eh.” “Tangina mo – “ Toot! Toot! I ended the call right away and pour myself a glass of wine. Kinuha ko ang cellphone ko para maghanap ng maid outfit sa isang sikat na shopping platform. “Hmmm. Let me have this Japanese lacy maid dress. Oh! I like this!” bulong ko pa habang chinecheck out and mga damit na nandirito. Puro lang ako check-out hangga’t may narinig akong malakas na kalabog sa labas ng banyo. Agad akong nagbihis sa aking wardrobe at itinali ang puntas nito. Nanliit ang aking mata nang makitang wala namang tao sa loob. At dahil hindi ako mapakali sa kinatatayuan ay agad akong nagbihis ng isinuot ko kagabi. Damn it. I need new clothes! But I don’t have choice. This is better than being naked while walking in the streets of Madrid. I pretend that I didn’t come out from that room. Agad kong tinabunan ang aking mukha sa dala kong pink small pouch pero may humarang kaagad sa’kin. “What is it?” mataray kong tanong sa pamilyar na guard. Oh, this man was from yesterday night. “You need to pay for the room.” “What!” pasigaw kong tanong at halos napalingon ang mga taong nandirito. Walang masyadong tao, puro mga barista na naglilinis ng glass wine at mga maintenance people ang nasa ibaba. At halos lahat sila… ay napatingin sa’kin. “Miss?” tanong ng guard at wala akong nagaw kundi ang sumunod sa kaniya. Damn that guy. Iginiya ako ng guard upang bayaran ang rent ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa laki ng perang naubos ko para lang sa isang gabi na iyun! Tangina talaga! Kahit naiinis, binayaran ko pa rin ito. Para na din makawala sa makamundong tingin ng mga lalaking nandoon. Peste! Okay na sana ang araw ko, eh. Kaso dumating pa sa puntong ito. Bumalik ako sa aking apartment at agad ibinuklat ang aking mga maleta. Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong uuwi ako sa Pilipinas. I had enough of heart aches and crying nights inside of this city. I need to go back where I belong… and get my revenge. Kinapa ko ang aking bulsa upang kunin ang aking cellphone. Dahil sa nagastos ko kaninang umaga, kailangan ko nang magtipid. So I reserved an ordinary flight back to the Philippines. It was the fastest plane that I got.. though. Nahagip ng tingin ko ang number ni Archibald. Should I tell him that I’m coming to Philippines? Last time we call, hindi nagging maganda ang pag-uusap namin. But I need his help. Kailangan ko ang tulong niya upang malaman ang tungkol sa pamilyang Lopez. And so… linunok ko ang aking pride at tinawagan siya. “Sarah…” bulong ni Archibald na mukhang nagulat pa sa biglaan kong pagtawag. “Archibald… Hmm. How are you?” masigla ko pang tanong sa kaniya. “I-I’m o-okay…? Napatawag ka? Are you in trouble? Do you need help? Sabihin mo lang.” Napasuklay ako sa aking buhok dahil sa dami niyang tanong. As if he really cares about me. Tch. “No, I’m not in trouble. And yes, I need your help.” “Go on.” “Uuwi ako ng Pinas. Ngayon.” “Uuwi ka…. ng Pinas?” pag-uulit niya sa sinabi ko. Napatawa ako ng mahina. “Yes. Huwag mo nang ulitin ang sinabi ko. Kailangan ko ng tulong mo pagdating ko diyan, okay? And oh, by the way, dapat makita kita sa airport. Kung wala… pepektusan talaga kita.” Napatawa ng mahina si Archibald. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil sa paraan ko ng pagsasalita sa kaniya. “O-Okay! Sure! I will definitely be there and welcome you back!” “Thanks.” “Sar – “ Hindi ko na siya pinatapos pa at agad winakasan ang tawag. Kinuha ko ang mga maleta ko at napatingin sa isang pintuan. I put it back down on the floor and went there. Pagkabukas ko doon ay naririnig ko ang sutsutan ng mga alaga kong ahas. Hindi ko sila kayang kunin lahat. And I’m afraid… no airport would let me bring so much snakes. Agad kong kinuha ang paborito kong naja samarensis. It’s a small and colorful snake. Agad siyang gumapang sa mga daliri ko at inilukot ang kaniyang katawan sa aking pulsuan. Napangiti ako dahil dito. “Let’s go back and get our revenge,” bulong ko sa sarili at isinarado ang pintuan.  *** “Welcome back, Sarah,” mahinang usal ni Archibald nang makarating ako doon sa airport. Nararamdaman ko ang hiya sa pagitan naming dalawa pagkatapos niyang magsalita. We never meet after a few years. It seems… awkward. He looks like he was about to hug me but he stopped. Kumunot ang noo ni Archibald nang makita ang ulo ng alaga kong ahas sa aking kamay. “What the heck?” tanong niya sa’kin. “Nag-aalaga ka na ngayon ng ahas?” gulat niyang tanong at nanlaki pa ang mga mata. “Yeah, may problem ba doon?” tanong ko sa kaniya. “N-No… it’s just… strange.” “It’s not strange, Archibald.” I rolled my eyes and he just stared at me the moment I mentioned his name. “O-Okay…” bulong niya at kinuha na lamang ang mga maleta sa aking kamay. “Akin na…mabigat iyan…” Duh! Umuna akong naglakad papalayo sa kaniya para hindi niya makita ang namumula kong mukha. Archibald is just… freaking hot right now. Noon, inaasar ko pa ang malakalansay niyang katawan at pandak pa iyun. Pero… hinding-hindi ko na siya maaasar nang dahil don. He looks taller and he has now muscles! Damn it. I wonder what he thinks of me after those years? Agad akong umiling dahil sa iniisip. Remember, Sarah. He failed to protect your family! And he… he betrayed you. “Can you suggest a hotel to stay?” tanong ko sa kaniya nang naglakad siya sa aking gilid. “Hotel? You can stay in our house.” “W-What?!” Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. “Gusto mong tumira ako sa bahay niyo – ng asawa mo? Where’s your mind, Archibald!” pasigaw kong tanong sa kaniya at itinuro ang kaniyang dibdib. Kumunot ang kaniyang noo. “No, I m-mean,” napaiwas siya ng tingin at humugot ng hininga. “Yeah, you’re right. Victorina won’t like it – “ “Of course! She will definitely not like it!” “So saan ka nga titira?” “Saan pa ba? Wala na akong choice kundi doon.” Umalis na ako sa kaniyang harapan at mabilis na naglalakad. Narinig ko pang tinawag ni Archibald ang pangalan ko sa likod pero hindi ko na siya pinansin pa. Dumating kami sa bahay ng magulang ko. Sa bahay kung saan ako tumira at lumaki – kaming dalawa ni Archibald. It’s a mansion, actually. Sobrang luma na nito. It’s even called haunted house nang pumunta kami ditto. Walang may gustong dumaan sa daanang ito dahil sa nangyaring trahendya ng clan namin. “Are you really sure you want to live here?” nag-aalalang tanong sa’kin ni Archibald sa likod. Abala ang mga mata kong sinuyod ang kabuuan ng bahay. I need to hire a caretaker for this. Gustuhin ko man pero… sapat na ang budget ko para sa pamamalagi ko dito. Makakaya ko naman sigurong linisin ito, di ba? Nang mag-isa? “Yeah…” sagot ko sa tanong ni Archibald. “Dito ako titira. I miss my dad and mom.” “I’m only one call away if you need something.” “Don’t bother. You should focus on caring your wife,” sabi ko sabay tingin kay Archibald na kanina pa pala nakatingin sa’kin. Agad siyang napabuntung-hininga at bumulong, “Yeah…” “Go now,” sabi ko at itinulak ang kaniyang likod upang umalis na sa bahay. I have a lot of things to do. Cleaning, to be exact. Sobrang daming alikabok at err, is that a cobwebs? Hindi na ako magtataka pa kung mayroong paniki ang nakatira dito. Narinig ko ang pag-andar ng sasakyan ni Archibald, senyales na umalis na siya. Hindi ako nagsayang ng oras at sinimulan nang linisin ang kabuuan ng bahay namin. Akala ko makakaya ko… pero hindi, sobrang daming kalat at kinakailangang linisin. Sa laki ba naman ng bahay namin, I’m pretty sure I will end up in overfatigue. “Archibald,” tawag ko sa telepono at napasapo na lang sa noo. Pinahiran ko ang aking noo na puno ng pawis. Tumatagaktak ito papunta sa likod ko at basing-basa na ang t-shirt ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa. “See? I know you will call me.” “Can I have your maids, please? I will just pay them. Wala akong kapitbahay dito and it’s already exhausting to walk just to get some damn maids to help me.” “Okay.” After a couple of minutes waiting, narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Archibald sa labas. Nakita ko ang iilang mga tauhan niya. There are women but also, men. It’s a great idea actually. Maraming mga gamit ang kailangan buhatin at kinakailangan ko ng mga lalaki. “Thanks,” sabi ko sa kaniya at ngumiti ng pilit. Ngumiti siya sa’kin pabalik at sinabing, “You’re welcome.” “You can go now,” dagdag ko at itinuro ang pintuan. Ngunit napaawang ang bibig ko nang bigla na lamang niyang hubarin ang kaniyang puting t-shirt. What the hell is he doing? “I will help. Whether you like it or not, Sarah.” Kumabog ang puso ko pagkatapos niya itong sabihin sa’kin. Nagsimula siyang tumulong sa mga lalaking trabahante upang itaas ang mga gamit papunta sa ikalawang palapag. Napasapo na lang ako sa noo ko at ipinikit ang mga mata, only to dream about his abs. Tangina, may asawa na ang kababata mo, Sarah! Just… take it or leave it. That he is not into you, anymore. He married another woman. And it’s not you. Ang kailangan mong gawin ngayon ay ang mag-move on. Naiintindihan mo? I sigh and just continue what I was doing. Na-distract pa ako, eh. Kailangan ko na talagang maghanap ng jowa para matigil na ang pantasiyang ito. Sobrang pinagpawisan ako pagkatapos naming maglinis ng kabuuan ng mansion. Hindi na ako nagpaalam pa ni Archibald at pumunta na sa kwarto upang maligo at magbihis ng desenteng damit. Nang bumaba ako galing sa ikalawang palapag ay kumunot ang aking noo. Saan na yung mga tao dito? I plan to pay and treat them a dinner. Nakita ko si Archibald na pawisan pa rin at walang suot na pang-itaas. Lumunok muna ako bago siya tinignan sa mukha. “S-Saan na sila?” naguguluhan kong tanong. “Pinauwi ko na. Bakit?” “How about their pay?” “I already did, Sarah.” “What? No, you can’t do that.” “I can. And I already did. Isa pa, umuwi na sila sa kani-kanilang bahay.” “Fine,” buntung hininga ko. Kinuha ko ang aking purse at binigyan siya ng cheque. Tinignan niya lamang ito. “Kunin mo,” bulong ko sa kaniya. “No. It’s okay,” iling niya pa pero kinuha ko ang kaniyang kamay at doon inilagay ang chequeng pinirmahan ko nang halaga.  “Sarah…” inis niyang sabi sa’kin at ibinalik sa’kin ang ibinigay ko sa kaniya. “We’re friends…” bulong niya pang dagdag sa’kin. Napailing ako. “Yes, that’s why I am paying you for the hard work.” “You don’t have to. I said, magkaibigan tayo kaya hindi na iyan kailangan pa.” “Take it, Archibald,” insiste ko pa ring ibinigay sa kaniya ang cheque at napabuntung hininga siya. “No..” Pagod ko siyang tinignan at napagulong na lang sa mata. “Ang tigas pa rin ng ulo mo…” bulong ko sa sarili. “Ikaw rin…” bulong niya pabalik. Nagtitigan kaming dalawa nang mga ilang segundo na walang salita. I cleared my throat because of awkwardness. “So, uhm, can I ask something?” “Go on,” sagot niya. “No, it’s not ask but rather, can I request something? I want you to arrange a meeting with Anthon Lopez.” Nang sambitin ko ang pangalan ni Anthon Lopez ay napataas ang kaniyang kilay. “Anong gagawin mo?” “Wala lang… just chitchat with him. I always wanted to meet him.” “Sarah,” mahihimigan ko ang banta sa kaniyang boses. “Kung ano mang plano mo, huwag mo nang ituloy.” “Tell me one good reason Archibald why I shouldn’t continue what I’m plotting.” Humakbang ako papalapit sa kaniya at tinignan nang maigi ang kabuuan ng kaniyang mukha. Nakita kong nagulat siya sa ginawa kong paghakbang. Mas lalo kong idiniin ang aking katawan sa kaniya habang tinitingala ang kaniyang mukha. “And what do you think is my plan? Hmmm?” bulong ko sabay hawak sa kaniyang panga. Agad niyang itinagilid ang kaniyang mukha dahil sa marahan kong haplos. Oh? “I know you’re still grieving with your family’s loss – “ “Oh? Paano mo nasabi?” bulong ko pa at hindi pa rin tinatantanan ang paninitig sa kaniya. Nakita kong tumaas baba ang kaniyang adam’s apple at napangisi ako dahil doon. Pero agad nawala ang ngisi ko nang bigla siyang humakbang, dahilan upang mas lalong magkadikit ang aming katawan. “I can see it in your eyes, Sarah. Gusto mong maghiganti. Alam ko ring kinamumuhian mo pa rin ako dahil sa ginawa ko – “ I cut him off. “Mabuti naman at alam mo, Archibald. I still hate you. You are helping me just like this to freed out your guilt. Why don’t you continue it? Kung anong gusto ko, ibigay mo kaagad.” “Pero delikado ang gagawin mo, Sarah – “ “I don’t care!” sigaw ko na sa kaniyang mukha. “Just goddamn arrange a meeting with me and Mr. Lopez. In their house. Papasukin mo ako sa kanilang bahay. I don’t care if I will be a maid or a cook or a gardener something. Basta! Papasukin mo ako doon sa loob ng kanilang bahay! Do you understand, Archibald?” Seryoso pa rin ang mukhang ibinigay sa’kin ni Archibald habang nagwawala na ako. Lumipas ang ilang segundong pagtitigan naming ay nagsalita siya, “Fine. I’ll do what you said. But you have to promise me something in return.” “What is it?” “Be safe. Whatever it takes.” Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Sa kabila nang lahat nang sinabi ko, all he thinks is about my safety? Naguguluhan ko siyang tinignan at napaiwas na lang ang tingin upang hindi niya makita ang luhang nagbabadya sa mga mata ko. That night, wala akong ginawa kundi ang mapatitig sa kisame namin at iniisip ang pag-uusap namin ni Archibald sa araw na ito. Ang ending, late na akong nagising. Kung hindi dahil sa tunog ng cellphone ko ay hindi pa ako magigising! Damn it! “Hello? Sarah speaking…” usal ko sa sobrang antok na boses. “Good morning,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa contacts at nakita ang pangalan ni Archibald. “Oh, hey. Ikaw pala iyan..” “Yeah. Nag-almusal ka na?” I rolled my eyes but I’m still smiling like an idiot. Agad akong napaseryoso sa mukha at mahinang tinampal ang aking pisngi. Seriously, Sarah? Ngingiti ka dahil tinanong ka lang kung nag-almusal na ba ako? Sira! “Hindi pa. Anyway, why did you call this early morning?” “I called to inform you about your request.” Nabuhay ang diwa ko sa kaniyang sinabi. “Yes. What about it?” “Nagawa kitang gawan ng fake na pangalan at identity. They were hiring maids. Today is the last day for recruitment. They need to exam you, Sarah, so I can’t do anything about it. It’s up to you kung makakapasok ka o hindi.” What? They are throwing exams just to get the maid position? Ano bang gagawin ng maid na iyan at ganoon ka-importante! Damn you, Lopez family! “Okay, that’s good. I can manage to get in.” “Mag-ingat ka. Ang bago mong pangalan ay Alexandra Mondragon.” Agad kong winakasan ang tawag naming ni Archibald. Lopez… Lopez family… just wait for me “        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD