Dark POV
Parang may kung ano na naman ang lumilipad sa tyan ko na para bang gustong kumawala at tila bs kinikiliti ang puso ko dahil sa pakiramdam na iyon.
I surveyed her outfit for tonight. She's wearing a gray tight dress na may pa ekis sa dibdib niya at kita ang magkabilaang gilid ng bewang niya, exposing her white smooth delicate and glass looking skin. I'm sure as f**k na smooth din 'yon kapag nahawakan.
Nakapusod din ang buhok niya sa medyo magulo pero elegante pa ring tignan at naka suot ng diamond earrings. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniya basta ang alam ko lang ay natutuwa akong makita siya.
I place my tongue in the side of my mouth to prevent myself from speaking what's on my mind.
Man!, She's gorgeous.
Ibang-iba ang itsura at ang aura niya ngayon kumpara nong nakita ko siya sa may tapsilogan. May wild side din pala siya.
Napansin niya atang nakatitig ako sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin sa'kin at bahagyang tumalikod kaya naman nakita ko ang exposed na exposed niyang likod dahil sa backless pala ang suot niya.
Muntik na akong mapa hands up.
Okay, okay, okay. She's definitely hot pero hindi ba siya lalamigin niyan?
My brows furrowed a bit as I drunk my shot.
"Hey Derrick! Hi Dark! Long time no see!" Sabi ni Sabrina. Kilala ko siya dahil neighbors kami way back when I was still in high school.
Tumango ako sa kaniya. "Yeah, long time no see Sabrina." I replied to her.
"Ey! What's up ladies. Y'all looking good ah." Tumayo si Derrick para harapin sila at saka nakipagbeso-beso.
Pagkatapos nilang mag greet sa isa't isa ay saka naman ipinakilala ni Derrick sa kanila ang iba pa naming kasama. And of course! Of course! Luis and Leigh knew the girls already kaya kaming tatlo na lang ni Matt at Clyde ang ipinakilala ni Derrick sa dalawa pang kasama ni Sabrina.
"And this is Dark Morrie, pagpasensyahan nyo na kung medyo boring ang mukha niyan. Madalas namang ganyan yan eh hayaan n'yo na. Ipinanganak kasi sa sama ng loob 'yan. Char!" Pagpapakilala sa'kin ni Derrick sa kanila.
Humagikhik ng tawa ang dalawang kasama ni Patricia kasama nila Matt dahil sa ginawang pagpapakilala sa'kin ni Derrick. Paano kasi, ang ayos ng introduction niya sa kanila Clyde pero sa'kin dinog show.
"And Dark pari, this is Patricia De Castro and since you already know Sabrina I'm sure kilala mo rin si Laura."
So Patricia De Castro pala ang buong pangalan niya?
I stood up and extend my right hand to them para makipag shake hands.
"Nice to meet you Laura." Ika ko ng abutin at pasimanuhan ni Laura ang kamay ko.
Pagkatapos ay kay Patricia naman. At first parang hesitant pa siya kung aabutin niya ba ang kamay ko or hindi pero luckily she decided to accept it.
"Pleasure to meet you." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Likewise." Tipid naman na ika niya at mabilis na binawi mula sa pagkakahawak ko ang malambot niyang kamay.
Napangisi na lang ako sa ginawa niya.
"Maupo kayo." Pang aaya ko sa kanila na agad naman nilang sinang-ayunan naman ng tropa. "Yeah, maupo muna kayo dito hang out with us." Sabi ni Leigh.
Naupo naman sila and I think I'm lucky tonight dahil katapat ko siya.
"So, how's life?" Pag oopen ng topic ni Matt. "Same as usual, modeling here and there."sagot ni Sabrina sa tanong ni Matt. "Same here... Eh kayo kumusta pagiging song producer and pagiging singer?" Tanong naman ni Laura kila Clyde and Matt. Pareho kasing nasa music industry.
"Well, we're currently working to produce a new song. Kaya naman be sure na papakinggan nyo yon pag narelease na namin." Sagot din naman ni Clyde at saka tumungga ng alak.
Napunta sa kung saan saang dako ang ikot ng kwento nila mula trabaho hanggang love life. Habang ako ay tahimik lang dito sa gilid. Abalang pinagmamasdan ang magandang view habang nakikinig sa kanila at paminsan-minsan ay umiinom din ng alak.
Napapansin kong kanina pa siya tahimik at madalas ang tingin sa smartphone na tila ba may hinihintay siyang matanggap na message sa kung sino. Boyfriend maybe?
Napatungo ako at napatitig sa babasaging baso na hawak. Mas lalo kong naramdaman ang pait nitong iniinom ko dahil sa naisip.
How sad, If she's already taken.
"Napaka gago." Narinig kong sabi ni Patricia kaya naman napa angat ako ng tingin sa kaniya. Gumulong ang mga mata niyang ipinasok sa black purse niya ang smartphone at padagsol na kinuha ang sariling inumin at inisahang lagok iyon. Kapag kuwan ay nagsalin ulit siya at itinungga ulit iyon. Mga ilang ulit niyang ginawa 'yon.
Mataman ko lang siyang pinagmamasdan habang ginagawa niya ito. Nag-away siguro sila? Maybe? who knows.
I was slightly taken a back nang mapansin kong nakatitig na din sa'kin ngayon ang may kataliman mga mata ni Patricia "What are you looking at?" She mouthed.
Nakipag palastasan din ako ng tingin sa kaniya ngunit hindi siya natinag kaya ako na lang ang sumuko. Umiling at tumango na lang ako pagkatapos ay nag kunwari na lang na inabot ang bote ng alak sa ibabaw ng lamesa.
Dang! She's one of a hella fierce.
Muli akong nagsalin sa baso ko ng alak.
I could feel that she's still glaring at me kaya pagkatapos kung tumagay ay ibinaling ko sa kaniya ang paningin ko.
And I slightly bit my lower lip to tease her. Malay mo umepekto diba?
I once again lowered my face and look at my shoes to hide my smile when I saw her slightly blushed and her glaring eyes turns into wide opened shock look at mabilis na umiwas ng tingin sa'kin at tinungga ng magkasunod-sunod ang inumin niya at ang inumin nila Sabrina at Laura.
"Hoy Pat, hinay-hinay ka nga sa pag-inom mamaya malasing ka ng maaga diyan sa ginagawa mo eh." Suway sa kaniya ni Laura at kinuha sa kamay ni Patricia ang babasaging baso.
Pipikit-pikit naman na nagmulat ng tingin si Patricia sa kaniya. "Nuh, I'm still sober as fuck." Apila niya sa sinasabi ni Laura sa kaniya kapag kuwan ay tumayo at inayos ang damit niya.
"I'm going to dance floor." Paalam niya sa dalawa at mabilis na tumahak pababa kung saan ang dance floor.
Agrisibong napapunas ako ng labi gamit ang sariling palad para hindi ako mapahagalpak ng tawa at di ko makuha ang attention nila.
Sapalagay ko ay epektibo nga. Napangisi ako sa galak.
"Here, tagay." Inalok sa'kin ni Leigh ang isang bago na may kalahating alak. Inabot ko naman ito at inisang lagok pagkatapos ay tumayo at nagpaalam rin sa kanila. "Baba lang ako."
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Luis. "Bathroom." Sagot ko naman at iniwan ko na sila.
I have to follow her. Mahirap na, maganda pa naman siya baka kung ako pa ang mangyari sa kaniya.
Pagkababa ko ay mabilis na hinagilap ng mga mata ko ang kinaruruunan niya. And fortunately ay nakita ko agad siya dahil lumilitaw sa mungkog ng mga tao ang ganda niya.
Hindi ko agad siya nilapitan at nanatili lamang sa pagkakatayo hindi kalayuan sa kaniya upang panuorin siya kung paano sumayaw at iindak ang katawan sa tugtugin.
"Damn, I think I finally found the one."