*
"Saan tayo pupunta?“ tanong ko sakanya. Mga fifteen minutes na ang lumipas simula nang hatakin niya ako papasok sa sasakyan niya at hindi parin siya sumasagot kung saan kami pupunta. Nakatingin lang siya sa Daan.
Pamilyar sakin ang dinaraanan namin. Papunta kami sa BGC, i think.
"We're gonna have some fun." simpleng sagot lang nya without looking at me. Napairap nalang ako sa sinabi niya.
"Fun?" Nag tanong parin ako kahit alam kong hindi niya sasagutin iyon.
"Let's drink. I heard Jewel was at Good Vibes." Sabi niya sakin. Kaya naman pala nagmamadali tong loko na to kasi may balak pang mang-stalk! Kinabahan lang ako nung narinig yon dahil paniguradong pag nakita ako ni Jewel ay baka sabihin niya iyon kay Daddy.
" Hindi mo sinabi agad. Hindi ako pwedeng makita ni Jewel." Sabi ko naman. I tried to hide my fear at alam ko kahit hindi ko itago ay halata g uncomfortable ako nang narinig ko iyon.
"Why?"
"Basta." hindi ko alam kung papayag siya sa sinabi ko pero sana naman ay maiintindihan niya iyon.
"We're here." Sabi niya naman atsaka dumiretso sa parking.
"Adam, hindi nga ako pwedeng makita ni Jewel dito." I tried to say it in calming voice pero hindi siya nakikinig. Syempre, hindi naman sumusunod sa iba itong Si Adam. He is Adam Martinez after all.
Pagka-parking niya ay nagtanggal na siya ng seat belt. Humarap ito sakin. Seryoso lang ang mukha niya.
"Don't worry, she won't see you." Sabi niya at lumabas na. Agad na rin naman akong sumunod sakanya dahil hindi ko naman gusto ang mawala. Nauna siyang lumakad sakin at taga-sunod lang ako sakanya.
Pagkapasok namin sa loob ay ang lakas ng sounds at ang daming taong sumasayaw sa dance floor. Hindi ko inalis sa mata ko si Adam at napansin ko na papunta kami sa isang VIP table. May mga tao doon. Nakipag-apir siya sa isa doon at siguro ay tropa niya pero hindi sa school namin Kaya hindi ko sila kakilala. Tumayo lang ako hindi kalayuan. Nang mag tama ang mata namin ay inaya niya ako doon Kaya lumapit naman ako.
Nakita ko ang gulat na reaksyon ng mga kaibigan niya Kaya naman naguluhan ako bigla.
"Jewel?" tanong nung isang lalaking unang nilapitan ni Adam.
"No. She's Michelle. Jewel's twin sister." pagpapakilala saakin ni Adam. Nilahad nito ang kamay niya Kaya naman ganon din ang ginawa ko. Ngumiti ako sakanya.
"Sorry, Michelle. I'm France by the way. And this is Drake, and this one is George." Sabi nito sakin at ipinakilala pa niya ang Ilan ni lang kaibigan. May ibang mga babae rin na nandito kasama namin sa table na siguro ay mga girlfriend nila Drake at George or baka ni France na din.
"Have you seen her?" tanong ko Kay Adam.
"Not yet." Sabi naman niya sabay inom ng tequila sa isang shot glass na baso. Inalok din nila ako at hindi naman ako tumanggi. Umiinom naman ako pero konti lang dahil hindi naman ako sobrang high tolerance.
"Did you bring me here just to keep an eye on my sister?" tanong ko sakanya.
Napatigil siya atsaka naman tumingin saglit sakin at tumawa ng bahagya. Yabang talaga ng dating nito. Torpe naman.
"No. I told you, let's have fun." Sabi naman niya. Inirapan ko lang siya. Hindi kasi ako convince na Ganon nga ang mangyayari. Bukod sa wala akong tiwala kay Adam, hindi ko Mae enjoy knowing na nandito lang din si Jewel sa paligid na anytime ay pwede akong makita at isumbong kay daddy.
Uminom nalang nga kami kahit na hindi ko maenjoy ang gabing ito. Nakikipagkwentuhan ako sa mga kaibigan ni Adam kapag kinakausap nila ako, nahihiya parin kasi ako sakanila Lalo at may pagka-introvert din talaga ako kapag bagong kakilala ko.
"Sa Ateneo kami nag-aaral, pero itong si Adam kasi lumipat ng school Kaya ayon hindi namin siya kasama." kausap ko ngayon si George. Busy kasi si Adam sa isang babae, siguro ay lasing na sya Kaya Ganon lalakas na ang loob lapitan ang mga babae. Although kahit hindi naman sya lasing ay kayang Kaya niyang lumandi.
" Bakit lumipat pa si Adam? Was he kicked out?" tanong ko. Hindi naman sobrang layo ng Ateneo sa UST pero nagtataka lang din kasi talaga ako sakaniya.
"It's a family reason." Sabi naman ni George at uminom ulit sa baso niya. Medyo tumigil ako sa pag inom dahil baka tamaan din ako, lagot ako pag uwi ng bahay.
"How did you know my sister?" tanong ko naman sakaniya.
Medyo iniiwasan niya yata yung tanong ko dahil hindi sya tumingin sakin hindi tulad ng sa kaninang pag-uusap namin.
"I won't tell her. I'm just really curious you know." I said and I laughed a little just to lessen the awkwardness between us.
"Jewel is Adam's first love."
I almost cough while drinking when I heard about it. Nitong senior high lang naman namin naging kaklase itong si Adam tapos first love agad?
*