Kabanata 16

1315 Words
* Nandito kami ngayon sa isang Seafood reataurant na malapit sa school. Gabi na kasi natapos ang klase ko. At ang mokong, Hinintay nga ako pero pagdating ko doon ay halos masuka ko sa nadatnat ko. Well, Anong bago don sa pakikipaghalikan niya parati, Hindi ba? Ang saakin lang baka naman nakakahiya yon fahil maraming nakakakita sakanila. Pinagalitan ko naman siya don dahil baka mamaya ay ma-office siya sa ginagawa niya. Ako lang naman ang concern bestfriend niya rito e. Oo na, Nagpapakananay na ko sakaniya. Alam ko naman na minsan nagmumukha na kong Nanay niya, Katulong o Yaya, at Chaperon niya. Sa ibang tao nakikita nila iyon bilang ganiyan pero para saakin ay hindi ko lang talaga siya kayang tiisin na may ginagawang katangahan kaya laging ganon. Minsan nakasunod ako sakaniya para wala siyang gawing katangahan. "Natanga ka nanaman! Hindi kako kinakain yung balat ng Hipon! Kadiri ka naman e. Diba sabi ko tanggalin mo yung ulo atsaka balat" singhal ko sakaniya habang ako na ang nagbabalat ng hipon na kinakain niya. Seryoso lang siyang nakatingin saakin habang binabalatan ang hipon "Ang simple simple bakit hindi mo matutunan?" Tanong ko sakaniya. Nilagyan ko na siya sa plato atsaka naman pinagbalat pa siya. "Sorry naman. Kapag kumakain ako ng Ganyan sa Hotel namin laging balat na." Paliwanag naman niya atsaka naman sinawsaw yung hipon sa patis. "Huwag ka na kasi magkutsara at tinidor para mabalatan mo ng maayos. Ako nga nakakamay e!" Sabi ko sakaniya at mabilis naaan niyang ibinaba ang kubyertos na gamit niya. Nang maipagbalat ko na siya ng hipon ay kumain naa rin naman ako. Hindi kami parehong naglunch dahil nga wala namang oras para makapaglunch ako. At si Dylan naman daw ay nambabae lang daw siya kaya hindi siya nakaramdam ng gutom. Baliw rin yon e. Tinde ng sikmura. "Alex, may tanong ako sayo." Rinig kong sabi niya kaya naman humarapbako sakaniya. Magkaharap kami sa isang lamesa. Kaharap ko siya at kaharap niya ko. "Ako rin may tanong sayo. Bakit ang tanga mo parati sa mgabganitong simpleng bagay?" Diretsa kong tanong atsaka naman kinagat ang hipon na hawak ko. Siya naman ay napasimangot sa sinabi ko. Aba, Pasensya na dahil nagtatanong lang ako. "Sobrang tanga ko ba kaya ka laging nagsusungit at nagagalit saakin?" Tanong naman niya. "Oo. Paulit ulit nalang kasi yung katangahang ginagawa mo!" Sabi ko naman sakaniya. Ako ay kain ng kain habang siya ay nakatingin lang sakin at nakahinto siyang kumain. "Bakit ba ko tanga?" Inosente niyang tanong saakin. "Wow ah. Tinatanong pa ba yan?" Mataray kong sabi sakaniya. Minsan kasi alam naman na niya yung sagot pero nagtatanong patin siya e. "Sagutin mo nalang, Please?" Kumbinsi niya saakin. Himala at gusto niyang malaman ang mga katangahang nagawa niya sa araw-araw. Aba, Eh kulang ang sandaling ito para pagisaisahin ko pa yon. Masyado na siyang maraming katangahang nagawa sa buhay kaya mahirap ng pagisa isahin pa yon. "Masyadong mahaba para sabihin. Atsaka alam mo, Nagiging tanga ka sa paningin ko kapag yung mga simpleng bagay lang hindi mo matutunan. Pagluluto lang ng breakfast hindi mo magawa. Kinakailangan pa kitang puntahan para kumain ka. Alam mo yung pagluluto natutunan naman yan perobtamad ka lang at ayaw mo paganahin ang utak mo kaya natatanga ka. Simpleng paguurong lang din ng plato mo sa Unit nakakabasag ka pa. Yung sapatos mo lagi mong hindi alam kung saan nakalagay kasi nakakalat parati. Yung mga simpleng math equation na may formula hindi mo makuha kasi puro ka babae. Tingnan mo tuloy, Nagiging malaking tanga ka sa ibang tao kasi ang nasa isip mo parati ay yang kagwapuhan at Panchichicks mo." Mahaba kong lektsur sakaniya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siya nakamasid sakin habang nagsasalita at nakikinig siya. Kapag ba usapan ng katangahan niya nakikinig siya? Edi dapat pala lagi ko siyang kinakausap sa katangahan niya para lagi siyang may oras para makarinig. Now I know. "Pero dahil mabait mo kong kaibigan, Iniintindi ko yung mga ginagawa mong katangahan pero kapag talaga sobrang tanga mo na, Nasasabihan na kita ng Tanga. Minsan naman iniisip ko baka wala ka lang talagang alam sa mga bagay na ganon kaya ka nakakagawa ng katangahan pero minsan naiinis mo rin ako kasi tinuturo ko naman sayo ayaw mo makinig. Feeling ko sadyang ginugusto mo kong pahirapan forever. Kahit hindi naman kita asawa." Mahaba ko ulit sinabi atsaka uminom ng iced tea. "Oy hindi kita pinapahirapan no! Malay ko bang nahihirapan ka na? Hindi ka naman nagsasalita saakin. Atsaka mahirap kaya ang tinuturo mo sakin minsan. Hindi ko kayang gawin." Kwento niya. "Ngayon alam mo ng mahirap maging ako. Atsaka simple lang yung mga pinapagawa ko sayo kumpara sa mga ginagawa ko parati para sayo araw-araw kahit na hindi mo naman ako nanay. Kaibigan mo lang naman ako." Diretso sa mata kong sabi sakaniya. Tinitigan niya lang ako sa sandaling iyon. Bigla tuloy akong nacurious kung ano ang iniisip niya. Totoo naman, Kaibigan lang ako sa buhay niya pero parang ako yung tumatayoong Yaya niyabor Nanay niya dahil ako yung gumagawa ng assignments niya, Ako gumising sakaniya ng maaga, Ako nagaalala sakaniya kapag lasing siya at pag may sakit siya, Ako ang taga luto niya sa bahay, Ako yung umaayos ng gulong ginagawa niya kapag napaaway siya at ako ying dumaramay sakaniya kapag umiiyak siya sa isang babae o kaya mommy niya. Nakakapagod rin kaya minsan. "Thank you." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko kaya napatigil ako sa sinabi niya. Minsan lang kasibsiya magsabi non kaya naman nagulat ako. "Ha?" Paguulit ko ng sinabi niya. "I said thank you kasi no matter how hard your days with me you still choose to stay. Kahit na sabi mo nga ay tanga ko, you are still here. And you are not just a friend of mine. Espesyal ka saakin." Seryoso niyang sabi. Awtomatiko naman akong napangiti sa sinabi niya at ganun din siya. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Okay lang na mapagof kasa mga ginagawa mo sakin araw-araw. Maiintindihan ko naman yon dahil hindi mo ko responsibilidad pero...Bilang bestfriend ko, Wag mo kong iiwanan. Huwag kang mapapagod sa katangahan ko." Seryoso niyang sabi saakin. I felt my heart pump so fast. Para bang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Awkwardness filled around us and i dont know what yo do. "Ano ba yang sinasabi mo? Alam mo, Baka nga ikaw ang unang mangiwan saakin e." Sabi ko namanssakaniya. Dinaan ko sa biro ang lahat para hindi maging awkward. "Paano mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong niya atsaka sumubo siya ng kanin atsaka sinunod ang talakang hawak niya "Knowing you, Mahilig ka sa Babae. Baka nga isang araw ikaw pa ang umamin sa daddy mo na fake tayo kasi may babae ka nang totoong mahal." Sabi ko sakaniya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi ko. Feeling ko kasi ay malapit na yon. Parang magugulat pa ko na balang araw hindi ko na kailangang gawin lahat ng ito dahil may iba ng gagawa sakaniya non. Hindi na ako na kaibigan niya. "Gusto mo ba ko maghanap ng babae?" Tanong niya. Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. "Lagi ka namang naghahanap ng babae e. Anong bago doon?" Natatawa kong tanong. "I mean ng babaeng...mamahalin" tanong pa niya saakin. "Oo naman. Pero maswerte ka kung katulad ko ang mahahanap mo!" Pabiro kong sabi sakaniya atsaka ako tumawa. Yung tawa na nagbibiro lang ako. May parte doon sa sinabi ko na totoo. Dahiil kapag nakahanap siya ng katulad ko na lahat ay ibinibigay para sakaniya. Hindi ko naman sinasabi na gustuhin niya ko e. Ang gusto kong iparating ay sana makita niya yung babae na magaalaga sakaniya kahit anong katangahan pa ang gawin niya. Bigla siyang nagsalita at halos maibuga ko ang kinakain ko sa pagkakatasabi niya iyon but a devilish ssmile just flashed on his lips. "Ikaw nalang kaya ang asawahin ko?" No way! *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD