Pag-ahon ko ay ang napaka-gwapong muka ni adam ang nakita ko. Nagtama ang mga mata namin. Sa tagal ng panahon, ngayon ko nalang ulit natitigan ang mga muka niya ng malapitan. Sobrang daming pinagbago ng itsura niya maliban sa mga mata niya. Nakakunot ang noo niya nang magtama ang mga mata niya kaya naman nabalik ako aga sa wisyo ko. Lumayo ako aga sakaniya kahit na alam kong tutol doon ang sarili ko.
Naglangoy ako papunta kay Min na kasama si Tristan ngayon. Sanay naman ako lumangoy sayang takot lang ako sa pagtalon . Pagkalapit ko sakanila, nakita ko kaagad ang nakakalokong tingin ni Min saakin. Doon palang alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Naka-on point ka don, bes ah!" pang aasar niya. Tinapik ko naman siya atsaka sabinabi na wag na siyang maingay dahil kapag narinig ni Adam iyon ay baka mas lalong magalit iyon saakin.
"Mich, ang ganda sa ilalim, tara !" aya saakin ni Tristan.
"Sige, dito nalang ako malapit sa bangka sisisid." Sabi ko.
"Mas maganda doon oh!" sabi niya at tumuro doon sa medyo malayo sa bangka namin. Umiling ako kaaga dahil gusto ko lang talaga sumisisid kapag malapit sa bangka para alam ko sa sarili ko na may kakapitan ako kung sakaling malunod ako. Oo, ganon ako kapraning.
"Sabi ni Manong mas maganda daw sa gawi na yon kaya tara na!" pilit nito saakin.
"Ayoko. Ikaw nalang!" Sabi ko. Bigla naman niya ako nilapitan atsaka hinawakan ako sa braso.
"Tara na. Samahan mo ko please" Sabi niya. Naiirita lang ako sa mukha niya dahil pwede naman siya pumunta don pero nang gugulo lang diya sakin.
"Bakit di nalang ikaw? Sinabi ko na nga na ayoko e." Sabi ko na bakas na sa boses ko ang irita sa kaniya. Inirapan ko siya. He smirked at me kaya mas lalo akong nainis sakaniya. Ang kapal ng mukha neto ah!
"Duwag ka naman pala, Mich." he laughed after telling that to me. Aba't talagang inaasar ako neto ah!
"Hindi ako duwag, okay? Ayoko lang talaga ikaw kasama!" Sabi ko naman. Inilayo ko ang tingin ko dahil naiirita ako nitong lalaking to. KAnina pa to makulit e.
"Sige nga patunayan mo nga!" hamon niya sakin. Gumalaw siya ng kaunti upang masalubong ang mga mata ko at inirapan ko naman siya. Tumawa lang siya sabay hawak sa pareho kong balikat. Na-bothered ako sa ginawa niya kaya puno ng pagaalinlangan akong humarap sakaniya.
"hoy ano ba yan bitiwan mo nga ako. Ang bigat ng braso mo!" sabi ko at sumubok pumiglas sakniya pero ganon parin siya.
"Sige na. tara na don may ipapakita kasi ako sayo." sryoso niyang sabi.
"A-ano naman?" kinakabahan kong tanong.
"hmm kapag sinamaan mo ko doon ko sasabihin sayo." matagal ko siyang tinitigan pagkatapos niya iyon sabihin saakin. Ngumiti siya saakin at napangisi ako ng bahagya.
"ngiting aso ka wag ka gumanyan." pang aasar ko sakaniya at tumawa naman siya. Tss kelan kaya maasar tong tao na to. Minsan nakakalimutan ko na doktor tong kausap ko e. Walang sa itsura kasi e.
"So its a yes na no?" tanong niya saakin. Hindi ko na sinagot dahil ganon din naman yon. Curious lang talaga ako sa kung ano ba ang ipapakita niya.
"Sanay ka naman mag-langoy siguro no?" tanong niya. tumango naman ako.
pagkatapos ko tumango sakaniya ay naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko sabay ngiti saakin.
"Tara." Pagkasabi niya ay lumubog na kami sa tubig atsaka naglangoy papunta sa direksyon na tinuro niya kanina. Di ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko sa ilalim. sobrang kita yung ilalim kaya matatanaw ang coral reefs at ilang rock formation. Ang lalim pala ng kinaroroonan namin. May ilang isdang nandoon at sobrang ganda nito! Manghang mangha ako. Si Tristan ay awak parin ang kamay ko. lumangoy siya papunta sa harap ko at sumenyas siya na nadito na kami sa tinuturo niya. Hindi ko una naintindihan kung ano ang espesyal dito sa lugar na to kaya nakakunot ang noo ko sakaniya. PEro nangbigla niyang bitiwan ang isa kong kamay at umikot siya papunta sa likod ko ay nakita ko ang sobrang gandang coral reef ng mga isda! SObrang laki at puno ng mga isda na ibat iba ang kulay!
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at saka kami sumisid pailalim para mas malapit sa mga isda. may kalalima iyon kaya hindi na namin masyadong sinisid pero ang ganda! Naramdaman ko ang kamay ni Tristan sa bewang ko at unti unti siyang lumayo saakin ng bahagya. Humawak ako sa kamay niya pero sumenyas siya na lalayo lang siya ng bahagya. pag layo niya ay naglapitan ang mga isda saamin. sobrang ganda ng nakikita ko.
Umahon ako upang huminga muli at ganon din si Tristan.
"Ang ganda!" Komento ko.
" Sabi ko sayo e." I can say that is tone was proud.
"Pero bakit mo ko dinala dito?
"Kasi gusto ko gumaan yung pakiramdam mo." natahimik ako sa sinabi niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" He just sighed and looked away. Sinundan ko yung tingin niya kung saan ito nakagawi at nakatitig lang siya sa napaka-gandang scenery. Ang payapa. Kalmado lang. Tinapik ko siyang muli.
" Huy, ano na?" He came back to his senses and looked at me.
" Wala lang." He said and laughed on my face and I was left wondering. Ilang segundo bago mag sink in saakin na nang titrip pala siya. Ang bwisit naman. Naglaan pa ko ng ilang minuto sakaniya. Hindi ba niya alam kung gaano ako katakot pumunta dito tapos ganon lang siya. Hinampas ko siyang muli sa braso at mukhang hindi naman siya nasaktan dahil tumatawa parin siya.
" Gusto ko lang makita ka na natatakot hahaha" He continued laughing and I cant do about it kaya nag make face nalang ako sakaniya.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at chineck ko kung nandoon pa ba sila Kuya at nandoon pa naman sila. Si Min kasama sila Ate Janine na nag-didiving. Mahilig kasi sila doon lalo si Ate Janine na parang taong dagat na sa sobrang dalas dito sa dagat. Pareho kami, mahilig sa dagat kasi para sakin ang dagat ang simbolo ng pahinga at pagiging kalmado matapos ang mga bagay na hindi natin makontrol.
Paglibot pa ng mga mata ko ay nakita ko si Adam na nakatingin sa gawi ko. Biglang bumilis ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Gusto kong ilayo agad ang tingin ko pero parang napako doon ang tingin ko. Pakiramdam ko ay naka-glue iyon. Habang tinititigan ko siya, wala akong ibang mabasa sa tingin niya. May bahid na parang galit siya pero mas nananaig ang tingin na malamig. After I realized it, he suddenly looked away and dived in. Inilayo ko na rin ang tingin ko pero alam ko sa sarili ko na hanggang mamaya ko iisipin ang mga tingin niya na yon.
"Michelle! Tristan! Let's go! May isa pa raw tayong island na pupuntahan." Sigaw na tawag saamin ni Min. Naglangoy na muli kami pabalik sa bangka. Nang makarating ako malapit sa bangka at nang akmang aakyat na ako ay nakasabay ko si Adam. Iisa lang ang hagdan na nakababa sa tubig kaya hindi pwedeng sabay kami at bukod doon ay maliit lamang iyon at sapat lamang sa isang tao.
I awkwardly laughed and said, " Sorry, sige una ka na." Atsaka ako lumayo ng kaunti sa hagdan para makaraan siya. Nasa likod ko naman si Tristan.
Ilang segundo ang lumipas pero hindi siya umakyat kaya nagpaangat ako ng tingin sakaniya. Napansin ko na lumayo siya ng bahagya sa hagdan na para bagang pinaakyat na niya ako. Hindi siya tumitingin saakin at nananatili ang mata niya sa kung saan pero nakatingala siya. Alam ko naman na ayaw niya ako tignan.
" Mich, akyat ka na. Gagabayan kita." Sabi ni Tristan sa likod ko. Napatango naman ako. Umakyat ako sa hagdan at ramdam ko ang akwardness sa pagitan namin ni Adam. Ginagabayan naman ako ni Tristan paakyat. Nakagaby ito sa likod ko habang hawak ang bewang ko.
Nang makaakyat ako ay napansin ko kaagad ang tingin ni Min saakin. Pinanlakihan ko nalamang siya ng mata dahil baka makita siya ni Adam o mapansin siya ni Kuya. Umupo na ako sa pwesto ko at nakaakyat na rin sila Adam at Tristan. Tumabi naman si Tristan saakin at ngumiti sakin. Bahagya akong sumilip kay Adam at nakita ko muli ang pagtingin niya saakin na nakakunot ng bahagya ang noo niya. Napayuko nalang ako sa tingin niya na iyon.
Hanggang sa makarating kami sa panibagong isla ay nakayuko ako. Wala namang laman ang isipan ko pero alam ko sa sarili ko na punong puno na ito at siguro ay marami nang salitang di mawari kaya hindi ko na rin maintindihan pa. Pagkababa namin sa isla ay patuloy na nagkukwentuhan ang mga kasama namin at minsan ay nakikisali naman ako sa usapan nila at nakikitawa.
Napunta kami sa isla na sobrang ganda ng rock formation! Sobrang di ako makapaniwala na totoo itong nakikita ko. The rocks mountain and trees meet which brings a great view. Hindi ko tuloy mapigilan hindi mamangha at iikot ang tingin ko kasama ang katawan ko. Sobrang ganda. Hindi ko mapigilan hindi ngumiti.
" Kailan ka babalik sa Manila, Mich?" biglang tanong sakin ni Tristan. Busy pa ako sa pagkamangha pero naintinfdihan ko yung tanong niya. Nang tignan ko siya ay napatigil siya.
"Bakit?" pagtatanong ko.
" Nakangiti ka."
Napatigil ako at narealize kong nakangiti nga ako. Tinignan ko siyang muli at mnas nilakihan ang ngiti ko. Oo nga nakangiti ako kaya pala ang sarap sa pakiramdam. Lumapit ako sakaniya at sumunod sa mga kasama namin.
" Ang ganda kasi dito kaya talagang mapapangiti ka." Sabi ko naman.
" Based on studies na nakakawala daw ng stresss ang makakita ng sceneries lalo kapag greens. Even in architecture, for sure pinagaaralan yan. Psychology of colors, right?" He explained. Natawa naman ako dahil lumalabas ang pagiging doktor nanaman niya.
"Oo. pano mo nalaman yon ha?" I laughed again. "Pero alam mo yung nakakstress dito? yung mga pa-trivia mo!" dagdag ko.
bigla naman siyang tumawa at sinabing hindi na niya uulitin.
" So, kelan ka nga babalik sas Manila?" ulit niya sa tanong niya na nakalimutan ko nang sagutin dhail sa pagkamangha sa lugar.
" Hindi ko pa alam. Baka bukas..." huminto ako sa pagsasalita na parang nag-iisip at naramdaman ko ang pagkagulat sakaniya. " or baka sa isang araw, sa isang lingo, or baka sa isang buwan pa. Hindi ko pa alam sa totoo lang." sabi ko. Naging mahina ang boses ko dahil alam ko na malapit na ako bumalik sa Manila and it means meeting my dad. That thought scares me and it makes me wants to escape again and again.
" Sabihan mo lang ako kapag babalik ka na sa Manila ha." Sabi niya. Napatingin ako sakaniya at nakita ko na nakatuwid lang sya ng tingin sa dinaraanan namin.
"Bakit naman? Necessary ba yon?" pagtatanong ko.
"Nothing. Let's just say para makuha ko number mo." he said and laughed. Umirap nalang ako dahil alam ko naman na hindi siya magiging seryoso sa mga sinsabi niya.
"Asa ka!" sabi ko naman sakaniya. We both laughed. Atsaka sumunod kami ulit kanila kuya. Pumunta kami sa isang cottage muna atsaka nagpahinga dahil magsusunset na rin pala. Dito raw kami maghahapunan kaya nagpaluto sila. Napansin kong may maliit na bahay rin sa likod. Siguro ay isa itong isla na to sa private space ni Adam. Good choice ha.
"Mich, punta lang kami sa bathroom, gusto mo sumama?" Tinanong ako ni ate janine at uminling naman ako at sianbing ayos alng ako. Halos nagbanyo lahat ng babae at ang mga lalaki naman ay may sari-sariling kwentuhn. Si Tristan ay gumawi kay Kuya dahil tinawag siya ni Kuya para magpatulong sa paghahain ng pagkakainan naming lamesa mamaya.
Nagdesisyon ako na libutin saglit ang isla. Gumawi ako sa may malaking bato kung saan hindi naman kalayuan kela kuya. Dito, naupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang papalubog na araw. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan iyon. Sobrang ganda! Parang paraiso ika nga ng iba. Inilibot ko ang camera ng cellphone ko at nahagip non ang isang lalaking nakatayo sa dulo ng dalampasigan. I zoomed it and to found out it was Adam. He was standing there looking so fine. I slowly put my phone down and stared at him. May kung anong kirot sa puso ko na parang gusto ko siyang sigawan at tawagin tulad ng dati.
Maybe I was longing for him. I was longing for his laughs, stories, jokes, and on his eyes. I sighed as I thought that I was missing him. How could fate be so harsh? I everyday pray and ask one thing but still no response. How can I not touch him even when he's just near me? I looked away as tears started to fall. Yumuko ako at palihim na pinahid ang luha ko.
"Ang ganda-ganda ng sunset oh. Bakit ka umiiyak?"
Nagulat ako sa boses na nanggagaling sa likod ko. It's Ate Janine. She sat beside me at pareho kami nanuod sa papalubog na araw. Ilang minuto ang lumipas pero tahimik lang siya. Pareho naming tinitignan ang araw at pinapakinggan ang alon. Kalmado ito pero hindi ang puso ko.
"You missed him, 'no?" Ate Janine broke the silenceed. I just sighed and slowly nod my head.
"Alam mo ba, simula nung accident, I never saw Adam smiled again." Ate Janine started. Kumirot ang puso ko nang marinig yon. Ayoko man sisihin ang sarili ko, pero iyon ang totoo. I ruined someone's life and happiness.
" I'm not saying it was your fault. Lahat naman may kasalanan e. Iba iba nga lang ng bigat." she explained. I cant say a word. All I know is it's all my fault.
"Adam was so devastated when he thought he's gonna lose your sister." hearing those words from Ate Janine make my heart ache more. The thought that it's always my sister makes me want to scream the pain.
"But you know what?"
I looked at her. She is just straightly looking at the ocean waves. Hinihintay ko ang suusnod niyang sasabihin. She slowly turned her eyes into my eyes.
" He was more devastated when you leave the country without even saying goodbye."
*