Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Mula sa pagkakahiga ay naupo ako sa gilid ng kama ko atsaka pimikit nang naramdaman ko ang simoy ng hangin. Pagdilat ko ay tumingin ako sa may side table at napansin ko na 7:03 na ng umaga.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Pagtingin ko sa saamin, napansin kong namumugto ang mga mata ko at halatang puyat ako. Napabuntong hininga na lamang ako atsaka nagpa-tuloy na sa pagligo. Pag tapos maligo ay dumiretso na ako sa kama ko upang magbihis at kasunod non ay nag ayos na ako ng sarili.
Sakto naman ng pagtapos ko mag ayos ay may kumatok sa pintuan ko. Sa tingin ko ay si Min iyon dahil siya ang gumigising sakin kapag umaga. Pinagbuksan ko naman iyon ng pinto at hindi ako nagkamali dahil si Min nga ang nandoon.
"Good Morning, Michelle!" Ma sayang bati niya sakin. Ngumiti naman ako sakanya atsaka nagsalita.
"Good morning, Min. Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sakanya.
"Hindi pa kasi inintay talaga kita kasi baka wala ka kasabay kumain nanaman." Sabi niya. Inaya niya na ako bumaba Kaya naman sinara ko na ang kwarto ko atsaka naman kami pumasok sa elevator.
Habang nasa elevator ay nagkukwentuhan lang kami ni Min tungkol sa pagbalik namin sa Manila dahil dalawang linggo lang naman kami rito bilang bakasyon dahil kailangan parin naman namin magtrabaho.
"Gutom na ko. Grabe hang over namin kagabi. Bakit hindi ka sumunod pala?" pag tatanong niya. Pinag isipan ko muna mabuti ang mga sasagot ko dahil ayoko naman isagot na dahil ito Kay Adam.
"Ayoko uminom Kaya kumain nalang ako ng pizza sa may malapit sa hotel natin." pageexplain ko sakanya. Tumango naman siya saakin.
"Sayang. Ang saya pa naman kagabi kasi buhay na buhay Yung bar sa dami ng tao." kwento pa niya.
"Hayaan mo next time ittry ko yan bago tayo umuwi pagbalik ng Manila" pagkasabi ko sakanya non ay ang pag bukas ng elevator sa 5th floor. Pagbukas non ay nandoon si Kuya Jeremy at Adam. Nagkatitigan kami ni adam.
"OH kayo pala yan. Saan kayo Punta?" tanong ni Min Kela Kuya Jeremy. Hindi parin nawawala ang titigan namin. Iniisip ko Kung naalala ba niya yung nangyari kagabi.
Pumasok na sila sa loob ng elevator. Nasa harapan ko si Adam at nakatalikod siya saamin. Pababa raw sila para puntahan ang activity area ng resort at pagtapos naman nagsalita ay Tahimik lang kami pababa ng nagsalita ulit si Kuya Jeremy.
" Alam niyo ba 'tong si Adam umalis sa Bar kagabi tapos umuwi na pala. Pero Sabi niya hindi niya alam pano siya nakauwi." pagkukwento ni Kuya Jeremy. Bigla namang kumabog ang puso ko. Ibig sabihin ba non ay hindi matandaan ni Adam ang sinabi at ginawa niya kagabi? Sana ay hindi na.
" Ang dami mo kasing ininom , Adam Kaya sguro hindi mo na matandaan yung nangyayari" Sabi naman ni Min atsaka tunawa. Natawa nalang din si Kuya Jeremy. Ngumiti lang ng bahagya si Adam atsaka naman bumukas na ang pintuan ng elevator.
Bago kami nagkahiwalay ng Daan ay sinabi ni Kuya Jeremy na mamayang 9am ay magsisimula kaming mag activity kaya magkikita kita kami sa Salvatore Lobby ng Activity Area.
Kumain na kami ni Min sa may restaurant buffet sa baba ng hotel. Kumuha lang ako ng bacon, eggs, pancake atsaka kaunting rice tsaka lang ako nagkape dahil parang ang sarap sarap magkape ngayong umaga. Noong nasa Michigan ako, maaga ako nagigising Kaya nakakapaglakad ako sa malapit sa coffee shop Kaya nahilig na rin ako sa kape.
"Michelle, tingin mo ba dapat mag two-piece ako mamaya or mag one-piece nalang?" tanong ni Min sakin Habang kumakain kami.
"Kahit ano naman ay bagay sayo pero dahil pinapapili mo ko, mag one piece ka nalang." sagot ko sakanya. Nag okay naman siya atsaka nagpatuloy na kumain. Habang uminom ako ng kape ay nakita kong may pamilyar na pumasok sa loob ng restaurant. Naka puti ito na polo atsaka board shorts. Nasamid ako bigla kaya naman na patanong si Min bigla.
"okay ka lang, Mich?" tanong niya atsaka ako inabutan ng tissue.
Hindi umaalis ang mata ko sa lalaking iyon kahit na kumukuha siya ng pagkain ay nakatingin ako sakanya. Hindi nag tagal ay napatingin siya sa dirksyon ko. Napalaki naman bigla ang mata ko nang nag tama ang mga mata namin kaya bigla ako umiwas. Kinakabahan ako dahil baka lumapit siya saakin. Ginawa kong busy ang sarili ko sa pagkain pero tama ako, lumapit siya sa table namin.
"Mich?" pag tawag niya sa pangalan ko. Ramdam ko na nagtataka si min kung sino ang lala king nasa harap namin kaya unti unti kong ibinaling ang tingin ko sa lalaking iyon. Bakas man sa mukha ko ang pagaalinlangan ay nakangiti parin sakin si Tristan.
"uh, hello." tipid kong bati sakanya atsaka naman ngumiti ng bahagya. Inalis ko rin kaagad ang tingin ko sakaniya atsaka ako bumaling sa pagkain ko.
"Pwede ako Maki-share sainyo, Mich? “ tanong niya. Namilog ang mata ko sa tanong niya.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong restaurant at napansin kong maraming baka teng upuan. Doon ko napagtanto na sinasadya niya talaga na kumain kasama ako.
" Sure! Ako pala si Min. Ikaw?" biglang singit ni Min. Ay nako basta talaga sa gwapo pumapalag tong si Min.
"Tristan. Nice to meet you, Min." Sabi niya atsaka inabot ang kamay kay Min. Nagulat ako ng tunabi itong si Tristan sakin Kaya naman kita ko sa mata ni MIN ang pagtataka.
"Paano kayo nag kakilala ng kaibigan ko?" usisa ni MIN.
"Uh, nag kakilala kami kagabi sa may beach kagabi." sagot naman ni Tristan. Sa totoo lang ay wala namang mali sa sagot niya pero nang lingunin ko si Min ay parang nanghihingi siya ng explanation kasi hindi ko sakaniya naikwento ang mga naganap saakin kagabi. Ang alam lang niya ay kumain ako mag-isa. Ngumiti lang ako sakaniya.
" Ay talaga? Kwento kasi sakin netong kaibigan ko mag-isa lang siya kagabi." Sabi niya kay tristan atsaka ako pinandilatan ng mata. Ngumiti ako awkwardly.
" Ah kasi Min hindi ko naman akalaing makikita ko pa siya ulit kaya I did not bother to tell you." Explain ko. narinig ko naman ang pagtawa ni Tristan kaya naman napatingin kami sakaniya.
"Anyway, huwag mo na sisihin si Mich kasi kakakilala palang naman din talaga namin kagabi." sabi niya atsaka ginalaw ang pagkain niya. ganoon din naman si Min. Akala ko ay tatahimik na siya pero hindi parin pala.
" But I still want to know her more. " without looking at me, he said that.
Natigilan ako ngumuya ng sausage at unti unti siyang nilingon sa tabi ko. Parang wala lang sakaniya ang sinabi niya kasi tuloy lang siya sa pagkain. pareho kaming nagkatinginan ni Min. Unti-unting may nabuong ngiti kay Min na animo ay kinikilig. Nag-peke akong ubo bago mag-salita.
" Ah ano, tapos na ako kumain. grabe busog parin pala ako." Sabi ko atsaka ko naman kinuha ang mga gamit ko sa lamesa atsaka inilagay isa isa sa bag ko.
"Ha? hindi pa ko nakakakain, Mich!" pigil naman sakin ni Min atsaka sumubo ng sunod-sunod. Si Tristan naman ay naguguluhan kasi bigla nga ako nagmadali din.
" Agad-agad? Ni hindi mo pa nga nagagalaw yung pagkain mo" sabi rin ni Tristan. tumigil ako para tignan siya.
Hindi ko rin alam bakit ako nagmamadali. Siguro ay gusto ko nalang din talaga makaalis sa lugar na ito para hindi ko na makita pa si Tristan. Nahihiya kasi ako sakaniya dahil iniwan ko siya ng walang pasbai kagabi. He is nice and yet I did not to him. sa simpleng salita, wala akong mukhang maiharap sakaniya ngayon. Isa pa, baka makita ako ni Kuya na kasama siya at iba rin ang maisip niya.
" Busog pa kasi ako dun sa kinain natin kagabi" bahagya akong tumawa pero halatang halata na awkward ako. ngumiti lang siya na hindi ko naman alam bakit siya ngumingiti ng ganoon saakin. Hinawakan niya ang balikat ko at napatigil naman ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero biglang kumalma ang sistema ko at unti-unting napaupo ulit sa upuan ko.
" Calm down. Atleast let your friend to finish her food, okay?" sobrang mahinahon niyangs abi kaya wala akong nagawa kung hindi sundin iyon. tumango nalang ako at nang nilingon ko si Min ay nakangisi itong ng nakakaloko. Inirapan ko naman siya and simply mouthed 'Bilisan mong kumain, bruha ka!'
" Tristan, ano naman ang ginawa niyo ng kaibigan ko kagabi at busog siya?" Nakakalokong hirit nitong kaibigan ko. sinipa ko siya pailalim at nasaktan naman siya. Buti nalang ay hindi iyon napansin ni Tristan.
" We went to beachside and ate samgyupsal together." simple niyang sagot.
"Ah doon sa may tent?" Min asked.
tumango muna si Tristan bago siya magsalita.
"Diba pang mga couple yon?" tanong nanaman ni Min. nakatikim naman siya ulit ng sipa saakin na parang sinisignal ko sakaniya na tumigil na siya kakatanong. Sabi nga ng matatanda, hanggat pinipigil ay mas lalong nang-gigigil. ganon si Min sa ngayon kaya naiinis niya ako. Makukurot ko tong babae na to e.
" I think so. But I met Mich because she wanted to experience sleeping on the tent along the beach but she is not allowed to sleep on tent alone kaya sabi ko sasamahan ko siya kasi same naman kami ng reason. We just simply ate tapos pag-gising ko wala na siya" mahabang explain naman ni Tristan. Naramdaman ko na lumingon siya saakin kaya naman napalingon ako sa gawi niya at tama ang hinala ko, nakatingin nga siya saakin.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sakaniya.
" Saan ka pala nagpunta kagabi?" pagtatanong ni Tristan at natahimik naman ako. Alam kong pareho sila ni Min na naghihintay ng sagot ko. Kapag sinabi kong sa bar ako nagpunta ay baka magkaroon ng konklusiyon kay Min na poinuntahan ko sila doon at baka matuloy pa iyon sa maisip niya na ako ang nag-uwi kay Adam kagabi.
"Umaga na ako umalis. Kinailangan ko na kasi bumalik sa hotel. hehe" sabi ko naman. tumango naman sila pareho atsaka tinapos na ang pagkain. Ang dami pang naging tanong at kwentuhan ni Min atsaka Tristan bago nila mapagdesisyunan na tumayo na at lumabas sa Restaurant. 20 minutes nalang ay 9:00 o'clock na.
"Saan kayo niyan, Mich?" Tanong ni Tristan nung nasa labas na kami. Hindi ko naman talaga sasagutin yung tanong ni Tristan pero itong si Min ang sagot ng sagot kay Tristan.
"May beach activity kami today. Ikaw?" sagot ni Min. Kinurot ko naman siya atsaka sya binulungan na tumigil na siya.
"I have no plans today." he said.
"Do want to join us?" tanong ni Min at talaga namang parang gusto ko nalang pasaklkan ng bimpo yung bibig ng kaibigan ko. Sobrang daldal talaga nito. Kung may plano man itong kaibigan ko ay talagang gusto ko na siyang sabunutan sa harap ng mga tao.
"May I join, Mich?"
*
Wala na nga akong nagawa kung hindi ang um-oo sakaniya pero bumalik siya ng hotel niya dahil magpapalit daw siya ng damit at kukuha ng ilang essentials niya dahil nasabi rin ni Min na buong araw kami sa isla ngayon dahil sa activities dahil apat na araw nalang kami dito dahil kailangan an rin namin bumalik ng MAnila dahil marami pa kaming aayusin doon. Nandito na kami sa meeting place. hinihintay na namin sila Kuya dahil kami ni Min yung nauna dito. Sa ngayon ay pinaghahandaan ko na kung ano bang eksplanasyon ang gagawin ko sa Kuya ko. O baka naman nagoover react lang ako at masyadong nag-iimagine.
Ilang saglit pa ay dumating na sila Kuya kasama ang ilan pa naming kaibigan at nandoon rin si Adam. Wala parin si Tristan. HAy nako hindi ko akalaing mabagal pala siya kumilos! Yumakap ang kuya ko saakin atsaka naman niya tinanong kung ready na ba kami. Ang lahat naman ay mukhang ayos na umalis.
"I'm so excited for this day!" Ate Janine said at halata naman sakaniya na excited na nga siya.
"Siguro hindi ka makatulog kagabi sa pagka-excite!" Pang-aasar naman ni Min sakaniya. nagtawanan naman ang ilan at napansin ko na nagkukwentuhan pa ang mga boys sa gilid kaya. lumingon lingon ako sa paligid at wala aprin si Tristan. hindi ko naman siya matawagan dahil hindi ko alam ang cellphone number niya.
"Wala parin ba?" bulong naman saakin ni Min. umiling naman ako sakaniya. NApansin siguro ni Kuya na parang may iniintay kami ni Min kaya nagtanong isya.
"May hinihintay ba kayo, Michelle?" tanong ni Kuya kaya naman napatingin ang lahat saakin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba dahil baka ma-misinterpret nila. Humnga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay masyado akong nag-iisip nang malisya. Siguro naman ay walang masama sa pakikipagkaibigan.
Magsasalita na sana ako nang biglang duymating si Tristan.
"I'm ready!" sabi nito ay nakataas pa ang dalawang kamay na animo ay excited nga siya. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapahilamos ang palad ko sa mukha ko. Nang lingunin ko ulit siya ay unti unti niyang binaba ang kamay niya at unti-unti rin niyang binawi ang kaniyang ngiti.
" Excuse me, who are you?" Tanong ni Ate JAnine.
"Uh, Ate Janine, He is Tristan. Kaibigan ko." sagot ko naman at pumunta ako sa tabi ni Tristan. Sinadya kong sikuhin ang tiyan niya para malaman niyang nakakahiya ang ginawa niya.
" Kailan pa? I never heard his name before" Naguguluhang tanong ni Kuya saakin. Tumawa naman ako bahagya at halata nanamang awkward.
"ah ano kasi, Kuya, kagabi ko lang din siya na-meet. Sa may restaurant na kinainan ko kagabi." Pagsisinungaling ko. I felt Tristan's breath through my ears when he leaned on me and he whispered:
"That's not me." pagkatapos niya iyon ibulong ay tumawa naman siya pero kami lang ang nagkakaintindihan.
"Pwede makisama ka nalang?" sabi ko naman sakaniya.
"Anyway, Kuya, this is Tristan. Tristan, this is Kuya Vince, Ate Janine, Kuya JEremy, Ate jOyce, Kyrstel, Min and...si Adam." isa-isa ko sila pinakilala at lahat naman sila ay kinamayan ni TRistan. Tinignan ko sila isa isa at lahat naman sila ay cool about TRistan except kay Adam. Siguro ay hindi nalang din talaga siya basta-basta nagiging okay sa mga bagong kilala.
"Mga kaibigan ko sila dito sa Pilipinas." dagdag ko pa. ngumiti naman sakanila si Tristan.
"I am Tristan Gonzales. Nice meeting you all" sabi niya at ilang saglit lamang ay naging okay naman na ang lahat dahil napagdesisyunan na rin namin na sumakay ng speed boat na gagamitin namin dahil sa gitna ng dagat kami magaactivities. Habang papunta doon sa speed boat na sasakyan namin ay sumabay naman sa paglalakad ko si Tristan.
"Okay ka lang?" tanong ko sakaniya.
"Yeah. Im good. I get along naman agad sa mga bago kong kakilala e. Ikaw?" pagtatanong niya.
"Yep. Okay na rin. Pero pwede ba huwag ka muna masyadong madaldal sakanila lalo na kay Kuya. Feeling ko kasi ang dami kong naikwento kagabi na hindi ko pa nasasabi kahit kanino sakanila." Sabi ko namans akaniya. He just nodded.
" And I have a favor to ask, too." sabi niya.
"Okay. Ano naman yon?" curioused kong tanong.
"Dont tell them that I'm doctor." After he said that, he walks away. Dumiretso na siya sa speed boat. Napagtanto ko na kami nalang pala ang iniintay at aalis na ang speed boat. He waved at me na parang sinasbai na ' halika na'. Kahit na napapaisip pa ako kung bakit ayaw niya ipakilala ko siyang Doctor ay lumapit na ako. HE offered his hands as I went to the speed boat.
Nakita ko naman ang pagtingin ni Min saakin kaya naman pinandilatan ko lang siya ng mata. ngumuso naman siya sakin atsaka iniba nya ang direksyon at napunta iyon sa direksyon kung nasaan si Adam. Nakita ko ang walang emosyon na tingin ni Adam kay Tristan. Biglang may kung anong nagpalamig ng tiyan ko sa mga titig niyang iyon pero isinawalang bahala ko nalamang.
Una naming activity ay mag island hopping at sa isang isla ay huminto kami sa kalagitnaan non upang mag-snorkeling. Dito daw sa parte na ito may pinakamagandang tanawin sa ilalim kaya dito kami unang dinala ng tour guide namin. Isa-isang ibinigay saamin ang gears na kakailanganin namin para sa pag-snorkeling.Si Kuya ang nag abot ng saakin at bago niya iyon bitiwan ay may binulong siya saakin.
"Usap tayo mamaya." pagkasabi niya non ay tumalon na siya sa tubig. Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumayo na sa kinauupuan ko. nandoon na rin sa tubig sila ate Janine. NAng lumingon ako sa likod ko ay nandoon parin pala si Adam. Kami nalang ako naiwan. Nakatingin pa siya sa mga rock formations sa isla. Naka topless na siya pero naka- board shorts parin siya at nakashades. Grabe, ang gwapo parin talaga niya. Walang kupas.
Biglang nagtama ang paningin namin kaya nag iwas ako agad ng tingin sakaniya atsaka dali-daling sinuot ang gogles. Akmang tatalon na ako ay bigla ako nakaramdam ng takot. Bigla akong kinabahan. Natatakot ako sa kung gaano kalalim ba ang tubig at natatakot ako sa katotothanang walang mahihipo ang mga paa ko.
"Mich, tara na! Ang ganda sa ilalim!" Aya naman ni Min saakin.
"Ah, oo. Saglit lang." bakas sa boses ko ang kaba. Ano ka ba naman, Michelle! Minsan ka nalang nga magbakasyon ng ganito ayaw mo pa i-enjoy!
Kahit ilang beses ko pa yata iyon sabihin sa sarili ko ay hindi ko magagawang tumalon. Masyado nang nagiging madrama tong buhay ko at dapat ay matutunan ko na harapin yung takot ko. Huminga ako ng malalim nang nang mapagpasyahan kong tumalon na. NAng akmang tatalon na ako ay siya namang pagtalon ni Adam kaya napahinto ako. Matagal siyang umahon at talagang sinundan ng paningin ko kung saan siya palangoy. BIglang lumaki ang mata ko nang makita ko na papalapit sya sa speed boat at pag-ahon niya ay nasa harapan ko na siya.
Inabot niya ang kamay niya saakin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Michelle, bakit ang slow-slow mo pagdating kay Adam?
"Talon." malamig niyang tono saakin. Inabot ko muna sakaniya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong nakahawak na ngayon sa kamay ni Adam. May kuryente akong nararamdaman. After all these years, ganoon parin ang nararamdaman ko kapag hawak niya ang mga kamay ko. NApangiti ako at tila na may biglang humawi sa lahat ng takot na meron ako sa puso ko kanina. Nakalimutan ko ang paligid at ang takot ko sa ilalim ng karagatan.
Walang pag-aatubili akong tumalon at sa buong tagal ko sa ilalim habang naghihintay na umahon ay hawak lang niya ang kamay ko. Hindi niya binibitawan... nagslow motion ang lahat saakin. Parang unti-unting umiikot ang paligid ko at gustong gusto ko ito.
Hindi ako natatakot. Hindi ako nangangambang lumubog dahil alam kong hawak niya ang kamay ko at ayos na ako doon.
*