Kabanata 9

2635 Words
flashback.... Nagising ako sa sinag na nang-gagaling sa liwanag sa bintana ng kwarto ko. Pagtingin ko sa orasan sa tabi ko ay nakita ko na ala sais na ng umaga. May klase pa ako ng 7:30 am kayaa napagdesisyonan ko na ang bumangon at dumiretso sa banyo. Sa sobrang pagod ko kagabi dahil nag-aral pa ako para sa quiz ay halos di ko na naman maidilat ang mga mata ko. Sobrang bigat ng mata ko ngayon at tila ba gusto pang bumalik sa tulog. "Michelle, gumising ka na." bigkas ko sa sarili habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko. Ilang minuto po ay naligo na ako para mas magising na ako. Nakatulong naman ang paliligo ko ng malamig na tubig dahil nagising ang diwa ko. Kapag tapos ko maligo ay pumunta ako ng closet ko para maghanap ng jeans at blouse na isusuot dahil hindi kami uniform ngayon. Napagdesisyunan kong isuot nalang ang denim na pants ko at kulay baby pink na top. Pinartneran ko naman iyon ng puting sneakers. Pagharap ko sa salamin ay napansin kong hindi pa ako nagsusuklay kaya naman nagsuklay na ako at nagpulbos at saka bumaba para uminom ng kape. Pagbaba ko ay nakita ko si Jewel at Daddy na nagkukwento. Nagtatawanan sila ngunit nang makita ako ni Daddy na pababa ay nawala iyon. Binati ko sila ng 'good morning' pero hindi sila sumagot. Binalewala ko iyon at dumiretso sa coffee area atsaka nag-gawa ng paborito kong cappucino. HIndi ko alam pero sobrang good na good ang umaga ko sa tuwing nakakainom ako ng kape. Habang iniintay ko ang kape ko ay hindi ko maiwasang makinig sa kwentuhan ni Dad at Jewel. "Yes, Dad! I heard Australia is a good opportunity for students who wants to take their pre-med." pagkukwento ni Jewel. Oo nga pala, Senior high na kaming dalawa at this year lang din ay mag-college na rin kami. Hanggang ngayon hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagpursige sa Architecture. Alam ko hindi papabor iyon kay daddy dahil gusto niya nasa medical field kami opero wala talaga s amedisina ang puso ko.  "I have friends in Australia owning a hospital and Medical University, I can help you if you want to study there." Daddy said. Ngumiti siya kay Jewel at masayang masaya naman si Jewel sa narinig niya kay daddy. Pangarap naman talaga ni Jewel ang mag-abroad at wala naman akong pagdududa dahil matalino naman din siya. Niyakap ni Jewel si daddy kaya naman nakita niya ako na nakatingin sakanila ni Daddy. Ngumiti ako sakaniya at umirap lang siya saakin. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Dad at bigla akong nilingon. "How about you, Michelle? Do you have plans already?" she coldly asked me. Simula nang mag high school kami ni Jewel ay naging malayo na ang loob niya saakin kaya naman sanay na ako sa pakikitungon niya saakin. "H-hindi ko pa alam." nahihiya kong sabi sakaniya. akmang tatalikod na ako para humarap sa kape ko nang magsalita si Daddy. "Kailan ka ba nagakron ng magandang plano sa buhay mo." mahina lang yon pero sapat lang para marinig ko. Yumuko ako dahil nahiya ako kay Daddy. "Hindi naman sa ganoon, Dad. Pinag-iisipan ko palang po talaga." pageexplain ko pero nakayuko parin ako. Hindi ko masabi kay Daddy na gusto ko kumuha ng Architecture sa college at sigurado na ako doon pero alam ko hindi siya matututwa saakin. Noon pa man itinatatak na niya sa utak ko na dapat may Nursing ako or Med-tech para maging doktor ako in the future.  "Pinag-iisipan pa niya dad if sasabihin niya kung mag-Architecture siya sa college.' sabi ni JEwel na siyang kinagulat ko. Kinabahan ako doon dahil alam ko magagalit nanaman si Daddy. Unti-unting ibinaba ni Dad ang dyaryong binabasa niya atsaka sinalubong ang mga mata ko. "Is that true?" matalim na tanong ni Dad. Sa sobrang kaba ko ay di ako makapagsalita ng maayos. "P-pinagiisipan ko pa naman po, Dad. H-hindi pa naman po final." mahina kong sabi. "If you take that stupid course, don't you ever ask for my help especially for your finances, Michellaine!" sigaw ni Daddy na ikinagulat ko. Si Jewel naman ay hindi na nagulat at mukhang masaya pa siya dahil nagagalit si Daddy saakin. Nang-gilid ang luha ko sa sinabing iyon ni Daddy. PAngarap ko iyon, pero hinahadlanagan ni Daddy dahil sa tingin niya ay wala itong kwenta. Hindi ko alam bakit hindi parin ako nasasanay sa sinasabi niya at hanggang ngayon masakit parin.  "I'm sorry, dad." Sabi ko nalang. Ibinagsak ni Dad ang dyaryo niya sa lamesa at lumabas. Nang makalabas ito ay tuluyan nang tumulo ang luha ko pero agad akong tumalikod at pinahid ito para hindi makita ni Jewel na umiiyak ako.  "You know what, sis, If I were you susundin ko nalang si Daddy kaysa naman dumating yung panahon na pupulutin ako sa kung saan nalang in the future." Sabi ni Jewel. Nanatili akong tahimik pero nanginginig na ang labi ko dahil gusto kong umiyak. Nang marinig ko ang pagsara nang pintuan ay nagpunas ako ng luha ko. Napagtanto ko na mahina talaga ako pagdating sa mga pangarap ko. Gusto ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ba ako nagkakaganito. Gusto ko lang naman makuha ang mga pangarap ko. Uminom nalang kao ng kaunting kape ko atsaka umalis na rin dahil baka mahuli ako sa klase. Pagdating ko sa school ay marami an ring mga estudyante ang nandoon. Nagpababa lamang ako sa driver ko sa harap ng gate dahil gusto ko maglakad papunta sa room ko tutal ay maaga pa naman. Dala-dala parin ng isipan ko yung sinabi ni Dad at Jewel. Araw-araw nalang kasali iyon sa isipin ko. Bkit ba kasi wala akong interes sa paliligtas ng buahy ng isang tao. Pagliko ko sa corridor ay nakita ko ang grupo ng basketball team. Mga sikat sila at nandoon si Adam, kaibigan ko. Nang makaraan ang ilang tao ay nakita kong nandoon pala ang grupo ni Jewel. Si Adam ay kinakausap si Jewel na parang nilalandi niya ito. Ito namang si Adam ay nagpapa-pogi pa. Iniwas ko nalang ang tingin ko at tuloy tuloy na naglakad.  Pati ba naman kay Adam naagaw ko aprin si Jewel. NAng nasa gawi na ako nila Jewel ay bigla itong nagsalita. "Hey loser, dalhin mo na nga itong bag ko sa room natin!" napahinto ako sa sinabi niyang iyon. Naiyukom ko ang palad ko at nanginginig ito. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka sumabog nalang ako sa galit sa kakambal kong ito. Palagi anlang niya ako pinapahiya. Pagharap ko sakaniya ay saktong paghagis niya ng bag niya sa mukha ko. Napaatras naman ako sa ginawa niya at muntikan nang mapaupo. Narinig ko namang tumwa ang mga tao sa paligid namin kaya dli-dali akong tumayo ng maayos at yumuko. Hindi ko nalang pinansin ito at naglakad nang muli papunta sa room. Pagdating ko doon ay inilapag ko na sa upuan ni Jewel ang bag niya at dumiretso naman ako sa likuran dahil doon ako nakaupo. Inayos ko saglit ang damit ko dahil nalukot pala iyon ng bahagya at saka ako naupo.  Inilabas ko ang notebook ko atsaka nagsulat nalang ako ng mga kailangan ko gawin at aralin mamayang pagka-uwi ko. Habang nagsususlat ako ay dumating naman si Min na may dala-dalang kape ng starbucks. Inabot niya saakin ang isa at nagulat naman ako doon.  "Para sa'yo." Sabi niya. Kahit na naguguluhan ako ay tinanggap ko iyon at nagpasalamat sakaniya. May kinuha pa siyang muli sa bag niya at inabot pa saakin ang cookies.  "Ito din, cookies. Ako nag-bake niyan." Sabi niya sabay ngiti saakin. Hindi pa nagsisisnk in saakin ang lahat nang tumabi siya saakin. Magkakalse kami pero hindi kami madalas magkausap dahil loner lang naman ako dito sa section namin.  "Tabi ako sayo ha. Don't worry hindi naman kita dadaldalin hahaha" sabi niya atsaka inilagay ang bag niya sa table niya. Ngumit ako at nag-thank you sakaniya. Saktong sakto kasi na sumasakit an ang tyan ko dahil nagugutom na ko. Naalala ko kasi na hindi ko nga pala natapos ang iniinom kong kape kaninang umaga. " Salamat, Min. Saktong nagugutom na ako. hehe" NAhihiya kong sabi. Bigla naman siyang tumawa saakin at sinabi niya na wala iyon. "Baka isipin mi, weird ako ha. Gusto ko lang taslaga makipag-kaibigan sayo." sabi niya. Lumaki ang mat ako sa sinabi niya dahil gusto daw niya makipagkaibigan saaakin. Inilibot ko ang mata ko atsaka siya tinanong. "Ako?" sabi ko at tinuro ko pa ang sarili ko par aiklaro ang sinabi niya. "Yeah. IF that's okay with you." Sabi niya. She smiled and I smiled back. This is the first time someone wants me to be her friend. Ilang saglit pa ay dumating na sial JEwel na kasunod naman ang teacher namin. Nagsimula na ang klase at halos lahat naman ay nakikinig na. Matagal natapos ang klase dahil tatlong oras kami ngayon sa English subject namin kapag Friday.Nagtayuan na ang mga kakalse namin nang mag-bell na for break. Dahil mamaya pang 1pm ang klase namin ay napagdeisyunan kong lumabas din ng room at ganoon din si Min. Sabi niya ay sasama raw siya saakin. Pumunta muna kami sa canteen dahil gusto namin mag-lunch. Siguiro ginutom din si Min sa klase tulad ko. Umorder lang kami pareho ng Chicken Katsu na naka Bento Box atsaka kami dumiretso sa may bakanteng upuan. Nagkukwento si Min tungkol sa mga rants niya sa ilang subjects namin lalo sa math kaya naman sabi ko sakanya ay tuturuan ko siya kapag need niya talaga ng help. Masaya naman siya sa naging offer ko at minsan daw ay iimbitahan niya ako sa bahay nila par amakilala ko rin daw ang Mommy and Daddy niya na sobrang maabit daw at suportado siya sa lahat ng bagay.  Nakakainggit pero alam kong masama iyon pero hindi ko mapigilan. Nagkwento nalang ako sakaniya ng mga ilang ganap sa room namin hanggang sa matapos kaming kumain. Nang matapos kami kumain ay may tumawag kay Min. "Uy, Michelle, Sorry ha. I have to meet my parents kasi. Diyan lang naman malapit sa school. Pero papasok ako. Ill see you in our next class nalang?" sabi niya habanag nagmamadaling ayusin ang gamit niya. Sumagot naman ako agad na ayos lang iyon. "No worries, Min. See you in next class." sagot kos akaniya. She just smiled and waved at me atsaka siya umalis. Naiwan namana ko mag-isa sa canteen kaya napagdesisyunan kong bumalik nalang sa room. Inayos ko na rin ang gamit ko atsaka binitbit ko ang binili kong juice at saka naglakad na papunta sa room. Nang paliko na ako sa corridor malapit sa room namin ay bigla kong nakasalubong ang isang lalaki kasama ang mga grupo niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagulat ako na natapon ang iniinom kong juice sa lalaking ansa harapan ko. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako. Ilang segundong walang gumagalaw saamin. "What the?" rinig kong sabi niya. Pamilyar ang boses niya kaya naman napaangat ako ng tingin sakaniya. Tama ako, si Adam pala iyon! Adam is very popular to this school dahil MVP siya palagi kapag mag basketball game at bukod doon ay member din sya ng band at higit sa lahat ay sakanila ang school na ito. Bigla ko narinig  ang bulungan sa paligid kaya mas kinabahan ako. "S-sorry, Adam. Hindi ko sinasadya." Sbai ko sabay labas ng panyo ko para punasan ang parteng nabasa ng juice. Hindi parin siya gumagalaw at halatang gulat pa siya. Napansin ko na naka-puti pa pala siyang shirt kaya halatang halata ang kulay pink na juice na natapon sakaniya. Patuloy ako sa pag-sososrry habang  pinupunasan iyon kaya.  "Stop." sabi niya pero hindi ko tinigilan iyon punasan as if na matatanggal iyon ng ganoon lamang. I keep on saying sorry hanggang sa tabigin niya ang kamay ko. Nagulat ako doon at narinig ko nanamana ng mga bulunagn ng mga tao. "S-sorry, Adam. Hindi ko talaga sinasdya." Nakayuko kong sabi sakaniya. "Kapag ba loser tanga talaga?" narinig kong sabi ng baabe sa may likuran niya. Mas napayuko anamn ako sa narinig ko. Kahit hindi ko sinasadya ay hindi ko parin magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil ayokong lumaki ang gulo. "Move." Maawtoridad na utos ni Adam. Napaangat ako ng tingin sakaniya at nasalubong ko ang malamig na mga tingin niya kaya naman nanlaki ang mata ko sakaniya na parang pinapaulit sakanya ang sianbi niya. Hindi niya iyon inulit kaya naman hinawi na ako ng babaeng kasam nila adam para makaraan na sialng muli. Paulit-ulit ko paring sinabi ang sorry ko kahit na nilampasan niya lang ako. Bago pa man makababa sila sa hagdan ay nagtama muli ang mga mata namin. He grinned at me na mas nagpagulo ng isipan ko. Napa-palo nalang ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko. Dumiretso muna ako sa restroom para maghugas ng kamay bago bumalik sa room.  "Hay napaka-clumsy mo talaga, Michelleaine." sabi ko sa sarili ko.  Nanghihina akong napaupo sa upuan ko at napakamot ako sa ulo sa sobrang katangahan ko. Hay, hindi nanaman ako papatulugin ng konsensya ko neto! Nag-isip ako ng paraan para kung paano ba makakabawi man lang. Alam ko naman na hindi ako matatahimik hanggat hindi niya tinatanggap ang sorry ko. Bakit ba kasi ganito ako? argh!  Naisipan kong i-stalk si Adam sa f*******: at nakita ko kung gaano karami ang followers niya at mga likes ng pictures niya. Kinakabahan ako siya i-chat at alam ko naman na mapupunta lang sa message request niya kapag nagmessage ako pero gusto ko parin siyang ichat para itanong kung paano ako makakabawi. I sighed before typing these words: 'Hi, Adam. I'm truly sorry for what happened to your shirt. I can replace it naman. And if that's not enough, just tell me so we're all good. Thank you. Will be waiting for your reply'. Without furtherado, I send it. I just really hoped he'll reply! After sending it, dumating na rin ang next teacher namin. Wala parin si Min pero sabi niya ay ma-late lang siya ng 5 minutes and Ma'am Salao is aware naman daw kaya hindi na rin ako nag-abalang sabihin ito kay Ma'am. Nakinig na ako sa lesson at nag notes pero hindi parint alaga mawala sa loob ko ang paghihintay sa reply niya. Hindi ko alam bakit ako umaas ana magrereply si Adam kahit alam ko naman na sobrang famous niya sa school at malang ay hindi niya mapapnsin na nagchat ako sakaniya.  After another three hours of classes, the class has dismissed. Sabay ulti kaming lumabas ni Min ng room. Nakita ko si Jewel na kasama na ang mga barkada niya at panigurado na mamaya pa siya uuwi. Wala naman akong masyadong paki doon dahil ayaw rin niya na pinapaki-alaman ko siya s amga gusto niyang gawin.  "May susundo ba sayo, Michelle?" tanong ni Min saakin. Tumango naman ako sakaniya. "Ah yes, meron. Nag-text naman na ako sa driver ko. Ikaw?" pagtatanong ko rin sakaniya. Saktong pagabba naman namin ay nasa parking na pala ang drive rni Min. "Sakto kararating lang ng driver ko. Gusto mo ba sumabay?" offer ni Min saakin  pero umiling ako. "Hindi na, Min. Parating na rin naman yung sakin. Ingat ka" Sabi ko atsaka ngumiti sakaniya. She hugged me before she leave. I waved at her and she does as well. NAng makaalis na si MIn ay dumiretso naman ako sa harap ng school dahil doon nalang ako lagi nagpapasundo dahil ayoko nakikita ng mga tao iyon. MAraming mga students din ang pauwi na kaya naman marami ako nakaksabay maglakad sa hallway. Nang malapit na ako sa gate ay biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko iyon at nakita kong may chat pero hindi ko alam kung kanino galing. I opened it and I was so  shocked to see his name on my messenger! "meet me tomorrow. parking lot, after class."  It's Adam. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD