Kabanata 3

1420 Words
BIRTHDAY "Good Morning, Guys! Kain na muna tayo bago tayo pumunta sa bahay nila Adam." Paalala ni Ate Joyce saamin. Sumangayon naman ang lahat at nagsikuha na ng pagkain sa Buffet area. Nakita ko yung mga lobong dadalhin namin sa bahay ni Adam mamaya. May ilang regalo din doon at ilang gagamitin sa surprise. Napangiti ako. Paniguradong magiging masaya si Adam dahil sa surprise na gagawin mamaya. At paniguradong magiging masaya siya dahil nandito kami. Kahit di ako sigurado kung magiging masaya ba siya kapag nakita ko, naging positive parin ako kahit na alam kong maaari kong masira yung birthday niya. "Mich, okay ka lang?" Tanong ni Ate Janine. Ngumiti ako atsaka tumango sakaniya. "Excited na ako mamaya." Pagsisinungaling ko kasi kinakabahan talaga ako dahil di ko alam ang magiging reaksyon niya. Malakas ang pakiramdam ko na magagalit siya. "Ako rin e. Nako, paniguradong matutuwa si Adam kasi andito ka na. Ilang taon din kayo hindi nagkita e. Magugulat yon panigurado." Sabi ni Ate Janine. Kumuha siya ng Adobo atsaka nilagay sa plato niya. Atsaka naman nagmove para ako naman ang makakuha. Cater style kasi dito at ikaw ang kukuha ng gusto mo. "Siguro nga po. Miss ko na rin si Adam e." Kwento ko sakaniya. "Miss ka na rin n’on. Bestfriends kayo hindi ba?" Taning niya. Tumango ako sakaniya. Ngumiti siya atsaka naman kami sabay umupo sa pwesto namin kasama sila Kuya Jeremy atsaka sila Min. Miss na kaya niya ako? Ako kasi miss ko na siya. Yung ngiti niya, yung boses, yung jokes niya, yung pagigibg sweet niya...I miss everything about him now. Gustong gusto ko ng pumunta kela Adam pero nandito parin sa sistema ko yung kaba kapag naiisip kong magkikita kami. Parang automatic nang rumeregister sa isip ko yung nangyari noon.  Kaba. Guilt. Yan yung mga nararamdaman ko sa tuwing maiisip yon. Tahimik kaming nagsikain atsaka naman pagtapos ng pagkain namin ay nagassign na si Ate Janine ng mga gagawin namin. Si Kuya Jeremy at Kuya Vince ang hahawak ng Party Popper para sa pagkabas ni Adam daw ay may effect. Tapos sila Ate Janine, Ate Joyce naman ang maghahawak ng letter na may nakasulat ba Happy Birthday. Atsaka yung mga lobo ay isa isa kaming may hawak. Sa likod ng bahay nila adam gaganapin. May maliit na kubo doon kaya doon kami magaayos.  Naglakad kami papunta kela Adam. Malapit lang naman sa hotel namin iyon. Mga 15 minutes lang lalakarin. Dumiretso kami sa may likod ng bahay. Nandoon ang katulong ni Adam na siyang kinuntsaba namin na wag papalabasin si Adam hanggat di namin sinasabi. Pagkrating sa maliit na kubo ay nagdikit dikit na kami doon ng ilang polaroid pictures na nakasabit sa dulo ng mga lumilipad na lobo. Tapos nagkalat pa ng confetti at roses sa baba na siyang ideya ni Ela.  Tahimik lang aki nakatingin sakanila dahil tapos na yung pagdidikit ko ng pictures. Ang ganda. Itong birthday surprise yung mga pinapangarap ko. Paniguradong matutuwa si Adam neto. Maganda yung lugar lalo na ang napapalibutan ng bermuda grass yung ibaba atsaka halaman. Ang ganda. "Okay. Done!" Ate Joyce said exhaustedly. Napagod nga ang lahat pero okay na yon. "Ayos na tayo, Guys. Hawakan niyo na yung lobo. Tapos Michelle sindihan mo na yung candle ng cake para mapalabas na si Adam." Sabi ni Ate Janine. Agad naman nagsikilos ang lahat. Ako ay sinindihan ko na ang candle.  Si Kuya Vince at Kuya Jeremy ay nakapwesto sa harap. Samantalang sila Ate Janine ay may dalang lobo. Nakapila sila ng dalawa. Nasa huli ako pero nagsa gitna ng pila. Natatakpan ako ng mga lobo nilang dala. Hindi ko alam ang mangyayari pero di na lang ako umalis sa may pwesto ko.  Hanggang sa narinig kong tumawag na si ate Janine sa yaya ni Adam. "Guys, ready na. Lababa na si Adam!" Histekrikal na sabi ni Ate Janine.  Bigla akong kinabahan. Biglang parang gusto ko nalamang umalis dahil pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang lahat. Pakiramdam ko ay hindi ko alam ang dapat maramdaman dahil totoong kinakabahan ako! *party popper* Nagulat ako sa narinig ko. Pinaputok na nila yung Party popper na hudyat na dumating na si adam. "HAPPY BIRTHDAY ADAMSON!" Sigaw nila. Di ako nakasigaw kasi kinakabahan ako.  "s**t! Nandito pala kayo, Guys! You surprise me!" Narinig kong sabi niya. Mas lalo akong kinabahan ng marinig ang boses niya. Napapikit ako sa sobrang kaba. Eto na yon. Ito na yung hinihintay ko na mangyari. Yung makita siya. Yung marinig muli yung boses niya. Ito na talaga yon. Pero bakit naiiyak ako?  Nagiinit yung gilid ng mga mata ko at alam ko naman na naiiyak ako.  Hindi ko alam pero naiiyak ako! "Blow your candle, Adam! Make a wish!" Rinig kong sabi ni Ate Janine. Napafilat ako don.  Nakita kong nakahawi na sila. At kitang kita na ako ngayon ni Adam. He is still looking at Ate Janine kaya di pa niya ako nakikita. Nakangiti lang siya habang sinasabi niya kela Kuya Vince na nasurprise talaga siya.  Napalingon ako kay Min, she look so worried. Ngumiti nalang ako sakaniya kahit na hindi ko talaga magawa gawa. Pagkalingon niya sa gawi ko ay ngumiti ako ng malaki sakaniya para malaman niyang masaya akong nakita ko siya. Para maramdaman niyang masaya ako kasi nasa harap ko na ulit siya. Pero napawi iyon ng nakita kong yung ngiti niya kanina ay unti unting nawala at napalitan ng cold emotion. Parang wala siyang nararamdaman ngayon ng magtama yung mga mata namin. "Go Adam! Blow your candle na." Sabi ni Kuya Vince. Unti unti siyang lumapit sa gawi ko. Di ko alam pero parang sobra sobra na yung kaba kong nararamdaman. "H-Happ...Haa...Happy B-Birthday, Adam." Nauutal kong sabi. Ankagat ko nalang yung ibaba kong labi dahil don.  Nakatingin lang siya sa mga mata ko pero wala kang makikitang emosyon doon. "Make a wish." Sabi ko sakaniya atdaka ngumiti ulit kasabay naman pala non ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang saglit siyang tumitig saakin. Yung titig na parang galit siya. Wala pa akong ginagawa pero bakit galit na siya? Hindi ba siya masaya na nandito ako? Hindi ba siya natutuwa na after a year nandito na ulit ako? Kasi ako? Masayang masaya na ko kasi andito na siya ulit sa harapan ko. Pero alam ko naman kung bakit ganito ang reaksyon niya. Siguro nga ay di parin siya nakakalimot sa nangyari katulad ko. Hindi parin niya ako napapatawad gaya ng hindi ko pagpapatawad sa sarili ko. Hindi parin hanggang ngayon. "Sana hindi na kita makita ulit." He said coldly.  Napahinto ang ikot ng mundo ko sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko na ayaw na niya akong makita? Na ayaw na niya akong masilayan muli? Bakit? Ang sakit sakit. Sobrang sakit marinig sakaniya. Yung luha ko ay nagsitulo isa isa pero huminto ang paghinga ko don. Ewan ko pero parang binasag ng kung ano ang puso ko. "Adam..." banggit ko sa pangalan niya. He blow the candle atsaka agad na humarap kela Kuya Jeremy ng may ngiti sa labi. "Oh yeah! Let's party!" Sigaw nila. Agad naman silang inaya ni Adam sa loob para makaupo kami at makain namin yung cake.  Pinanuod ko silang pumasom isa isa pero naiwan akong nakatayo doon. Pilit ko kasing sinisikmura yung narinig ko. Pikit kong pinapasok sa kokite ko yung sinabi niyang iyon. Ayaw na niya akong makita. That's it. Ayaw na niya akonv makita kahit kailan. "Anong nangyari sayo, Mich?" Nagaalalang tanong ni Min. Mula sa pagkakatingin sa malayo ay tiningnan ko si Min. Nakita ko ang worry sa mukha niya. Kaming dalawa lang ang nandito. "He wish not to see me again." Sabi ko atsaka ako napaiyak ulit. Kinuha niya ang cake sa harap ko atsaka ibinaba muna atsaka ako niyakap. Napayakap nalang din ako sakaniya. "Hush now, Mich. Tara muna sa loob. Baka magtaka sila kapag wala ka." Sabi saakin ni Min. Umiling ako sakaniya. Nagtaka naman siya. "Babalik nalang muna ako sa Hotel. Gsuto ko mapag-isa." Sabi ko sakaniya. Hindi ko na inantay ang pagsagot niya dahil tumakbo na ako kaagad pabalik sa may hotel.  Hindi ko na kakayanin pa kung pagpapatuloy ko pang pumasok sa loob at makita si Adam.  Hindi ko na kakayanin pang makita siyang nawawalan ng emosyon at ngiti sa mukha kapag nakikita niya ako.  Ayokong nakikita siyang malungkot kasi gusto ko lagi siyang masaya kahit hindi dahil sakin. Basta masaya siya. At hindi ko na kakayanin pa kung masisira ko yung birthday niya. Di ko kakayanin kung sisihin nanaman niya ako. Hindi ko kakayanin. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD