Kabanata 2

1133 Words
PLANNING Nagising ako sa ilang katok na nanggagaling sa pintuan ko. Napatingin naman ako sa orasan na nasa dingding at alas siyente y medya na rin pala ng gabi. Matagal din akong nakatulog. Tumayo naman ako atsaka inayod ang sarili bago buksan ang pintuan. "Min..." banggit ko ng makita ko si Min na kasama ang boyfriend niyang si Kuya Jeremy. "Tara na, Mich. Kakain na tayo. Nakahain na sa may baba." Sabi niya ng nakangiti. "Sige, susunod nalang ako. Magaayos lang ako saglit." Sabi ko sakaniya atsaka siya tumango. "Sige, wait ka namin doon, princess!" Sabi ni Kuya Jeremy. Nginitian ko naman siya. Pagkaalis nila Min ay sinara ko na ang pintuan atsaka nagbihis ng denim shorts atsaka vneck fitted shirt atsaka nagloose na jacket dahil malamig sa labas. Pagkatapos ay lumabas na ako atsaka sumakay ng elevator papuntang ground floor atsaka naman dumiretso sa kainan. Naabutan ko sila doon na nagtatawanan sa isang table. Lumapit muna ako sa may kuhanan ng pagkain atsaka kumuha tapos ay dumiretso sakanila. May isang upuan na bakante kaya doon ako umupo. Agad naman akong napansin ni Krystel. "Hi, Mich! Kamusta?" Tanong niya. "Okay lang. Kayo?" Tanong ko skaanila. They said they are all fine. "Buti naman at nakauwi ka na sa Pilipinas. Namiss ka namin!" Sabi ni Ate Janine. They are all older than me except kay Min atsaka Krystel. "Oo nga e. Buti nalang napapayag ko na sila Daddy na umuwi dito." Kwento ko. Atsaka kumain. "Ah, so nandito rin pala ang parents mo?" Tanong ni Ate Joyce. "Opo. Kaya lang nandoon sila sa Bulacan. Ayaw pa nila sa Manila kasi inaasikaso nila yung Rice Mill." Sagot ko. Sumusubo ako sa tuwing matatapos kong sagutin ang tanong nila. "Mabuti na rin yon. Basta enjoy ka lang, Mich. Bukas birthday ni Adam, for sure masusurprise yon na nandito ka na." Sabi ni Kuya Jeremy. Natahimik naman ako doon sa sinabi niya at nagkatinginan naman kami ni Min. Walang alam sila Kuya Jeremy tungkol sa nakaraan ko kay Adam. Ang alam nila ay umalis ako dahil sa sunog pero mas malala doon ang dahilan kung bakit ako umalis. Tanging si Min lang ang nakakaalam pati na rin si Kuya Vince. "O-Oo nga po, Kuya e." Komento ko nalang. Tumawa naman siya. "Ang ganda na dito sa SI no? Grabe! Maski mga bato rito nakaformation e!" Sabi ni Ate Janine kaya natawa naman kami sa reaksyon niya. "Tapos yung tubig sa dagat ang linaw linaw. Parang ang sarap tuloy lumusong doon." Komento pa ni Ate Joyce. "Talagang maganda na ang Salvatore Isle ngayon dahil sa isang taon ba naman ng pamamahala ni Adam rito. Ginugol ni Adam ang buong taon niya para mapaganda ito." Sabi ni Kuya Jeremy. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Adam noon. Ngayon alam ko na. Nawalan kasi ako ng balita sakaniya nung nasa States ako dahil siya na din ang nagputol non saakin. Pero ngayon alam ko na kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Tama sila, napakaganda naman talaga na ng Salvatore Isle. Huling punta ko rito ay noong nagkayayaan kaming barkada na bumisita rito. At noon, di pa halos matatawag na isang Resort itong Salvatore Isle. Pero ngayon ay napakalaki na ng pinagbago. Nadagdagan na ng palapag yung hotel nila at ngayon ay napakaganda na nga paligid. "Bukas, nakabili na kami ng mga gamit for surprise. Yung cake na pinacustomize namin is bukas ng madaling araw ang dating. Ikaw maghahawak ng cake Michelle ha. Tapos kayo boys yung sa party popper atsaka sa Fireworks. Tapos yung ibang girls yung bahala doon sa may malalaking Happy birthday. Keri?" Tanong saamin ni Ate Janine. Tumango naman ang lahat puwera sakin. Bakit ako ang hahawak ng cake? Ibig sabihin lang non ay magkakalapit kami ni Adam. Di ko pa naman alam ang pwedeng maganap non. Baka kasi galit pa siya saakin. "Good. So see you tomorrow, okay?" Sabi ni Ate Janine atsaka naman kami nagsipuntahan sa kwarto pero ako ay nagpaiwan at lumabas na sa labas para magpalamig muna kahit sandali. Naupo ako sa buhangin habang yakap ang mga tuhod ko. Medyo malamig kasi ang simoy ng hangin kaya ganon. At napatingala sa mga bituin. Its been a years since that insident happened. Pero may kung ano paring nagsasabi saakin na marami paring tao ang hindi pa nagagawang patawarin ako. My dad, Her friends and even Adam. They are all blaming me because of that insident. Masakit sa side ko. Sobra. Hindi nila alam yung nararamdaman ko sa tuwing sisisihin nila ako. Pero wala akong magawa, iiyak lang naman ako kapag ganon kasi tama rin sila siguro na may kasalanan nga ako sa nangyari. Kung di dahil saakin ay hindi naman madadamay si Jewel sa sunog e. Pero dahil tanga ako, nadamay siya. Napahamak. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko pero pinahid ko kaagad iyon. Hindi ko parin matanggal sa sistema ko kasi yung sakit e. Nandito na talaga siya sa sistema ko, nakaukit na yung mga paninisi nila. Gusto ko man kalimutan lahat ng yon, hindi ko lang din magawa kasi lagi lang may mga bagay na nakakapagpaalala saakin sa nangyari, sa nakaraan. Ilang sandali pa akong nagstay doon ng mapagdesisyunan ko ng umalis at bumalik sa kwarto. Hindi pa talaga ako inaantok kaya kinuha ko yung dala dala kong laptop atsaka ako nag-online. Buti nalamang at may signal kahit papaano kaya makakapagFacebook pa ako. Pagkaonline ko doon ay picture ni Adam ang agad na lumabas doon. May bumati kasi sakaniya na nagupload ng pic niya at may message pa. Nilike ko nalang iyon atsaka nagscroll pa. Hindi pa naman birthday ni Adam pero ang dami ng bumabati sakaniya.  Nagbasa ako ng ilang wishes nila kay Adam. Ang dami non pero may isang nakaagaw ng pansin saakin don. Happy Birthday, baby! See you to the soonest. Missing you already :) It’s a post from someone.  Bakit masakit? Ang sakit dakit parin pala. Akala ko kasi hindi na sila nagkakakita. Akala ko kinalimutan na siya ni Jewel. Pero bakit ganon? Siguro nga marami na akong hindi alam sakanila. Lalo na kay Adam. Pero kasalanan ko naman kung bakit. Ako ang dapat sisihin dito. Ako dapat kasi ako talaga ang may kasalanan ng lahat. Sinara ko kaagad ang laptop ko atsaka tinabi iyon sa gilid at humiga. Napatingin ako sa itaas dahil nagbabadya ng magsitulo ang mga luha ko. I love you, Michelle. Narinig ko nanaman yung boses niya. Narinig ko nanaman kaya nasasaktan nanaman ako. Nasasaktan ako kasi naniwala ako noon sakaniya. Naniwala ako kasi akala ko totoo siya sakin. Pero hindi pala. At ang tanga tanga ko dahil sa mga nagawa ko noon para sakaniya at dahil na rin hanggang ngayon umaasa at nagpapakatanga nanaman ako. Tao lang naman ako, mabilis masaktan. Mabilis umasa sa mga bagay na akala ko totoo.  "Ang tanga mo talaga Michelle. Ang bilis mong maloko." Sabi ko at doon na nagsitulo ang mga luhang kanina ko oa pinipigilan. Napapikit nalang ako kasabay ng paghikbi. Ang tanga-tanga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD