*
"Ano ba naman to, Bakit wala sa kalahati ang score mo sa Quiz niyo? 5/25? My gosh, Mag-aral ka nga!" Bulyaw ko kay Dylan.
Nandito kami sa Cafeteria ng school at nakita ko ang notebook niya sa Geo na bagsak siya sa quiz niya. Oo, Hindi madali ang Geo pero kung nag-aral lang siya ay malamang makakakuha siya ng mataas na grades. Palibhasa puro aabae ang inaatupag niya e. Para namang mabibigyan siya ng diploma ng mga babae niya.
"Mahirap kaya. Hindi naman ako matalino katulad mo no." Sabi nya atsaka naman siya sumubo ng kanin ng sunod sunod. Napailing nalang ako.
"Magdahan-dahan ka nga sa pagsubo mo. Wala ka namang kaagaw e atsaka wala ka ng klase kaya magdahan dahan ka. " Paalala ko naman sakaniya at tumango lang siya bilang sagot. Napailing nalang ako. Nilagay ko na sa Jansport niyang bag ang notebook niya.
Lunch break na kasi nila Dylan at ako naman ay kanina pa natapos ang klase ko. Hinintay ko lang talaga siya para kumain. I am taking Medicine while he is taking Civil Engineering. We are both in Fifth year. Siya ay graduating na habang ako naman ay ilan taon pang mag-aaral bago makatapos. Pero ayos lang dahil gusto ko naman ang ginagawa ko kahit minsan ay mahirap ang mga pinapagaw ng prof ko. Wala e, College na ko kaya hindi pwedeng papetiks petiks lang.
Hindi ko nga maintindihan itong si Dylan kung paano niya naatim na ganon ang Grades niya. Hindi ba siya nahihiya sa Daddy niya na sinasabi niya palagi na kailangan niyang i-summer ang mga bagsak niyang subject? Kung ako yon, Baka maiyak pa ko.
"Dylan, Mag-aral ka na nga. Nakakahiya yung grades mo e." Irita kong sabi sakaniya atsaka sumubo ng kanin na kinakain ko. Humarap naman siya habang ngumunguya.
"Paki mo ba? Ako naman may grades na ganon e. Hindi ikaw kaya pabayaan mo na ko!" Langya talaga tong si Dylan. Nagsalita ba naman ng puno ang bibig. Wala talagang manners.
"Huwag ka ngang magsalita ng puno ang bibig mo. May mannaers pa bang natitira diyan sa katawan mo? Atsaka, Ako lang naman ang nagmamalasakit sayo tungkol sa grades mo no! Graduating ka na kaya!" Sabi ko sakaniya. Atsaka ko hinampas ang braso niya pero di naman malakas yon kaya okay lang sakaniya.
May ilan akong nakikitang estudyante na nakatingin saamin, Or should I say sakaniya lang? Well, wala namang nakakaalam na girlfriend niya ko dahil hindi raw siya makakapangbabae kapag ganon. Okay lang saakin yon dahil wala naman akong paki. Basta masaya ko, Ayos na.
"Tsk. Papasa ko. Atsaka kung bumagsak ako, siguradong may tr—" mabilis ko siyang pinutol sa sasabihin niya.
"Kapag bumagsak ka, Hindi ka makakagraduate. Kapag hindi ka nakahraduate, Papaano ang future mo? Siguradong madidisappoint sila Tito Francis at Donia Ysabelle. Mahiya ka naman sa perang nilabas nila makapagaral ka lang sa pribadong paaralan. Tapos ano? Aasa ka nalang sakanila para mabuhay? Paano ang pamilya mo? Ang mapapangasawa mo? Diba kawawa naman sila kasi yung magiging asawa mo at anak mo ay may tatay o asawa palang walangvtrabaho na nakaasa parin sa magulang. Nako, Mag-isip ka na ngayon no. Kasi kung ako yan malamang umiiyak na ko kasi may bagsak akong subject. Tsk, Madedepress pa ko. Kaya Dylan, Makinig ka sakin no? " Histerikal kong sabi sakaniya. Atsaka ko itinusok ang tinidor ko sa liempong kinakain ko. Atsaka ako humarap sakaniya na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa malayo.
Aba, Bakit nakangisi to? Natutuwa ba siya sa mga sinabi ko kaya siya napalingon sa malayo? Tsk. Tsk. Natauhan na yata.
Humagikgik nanaman siya kaya nagtaka na ko.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" Tanong ko sakaiya at bigla siyang kumindat. Sinundan ko naman ang tingin niya at napanganga ako ng makita ko kung sino ang tinitingnan niya.
Yung leader ng Cheering squad. Nang kindatan siya ni Dylan ay napakagat pa sa labi ang babae at halos parang maiihi siya sa kinauupuan niya. Si Fylan naman ngumisi nanaman. Ewan ko ba kung natatawa siya o napapano e.
Sa pagkakaalam ko ay si Dina yon. Isa sa pinakamagandang babae dito sa Thorine University e. Sexy siya at makinis na kaakit akit sa mga lalaki. Hmpf, Marami na rin yang naging boyfriend no. Ang alam ko ng hindi na virgin yan e. Yuck!
"Hoy!" Sigaw ko sa tenga niya. Napalingon naman siya sa gulat.
Nagulat pa talaga siya? Ano, nakalimutan na niya na kasama niya ko? Ayos din siya ah, Kahusay pong tunay. Ginayuma na yata ng Dina na yon e.
"Bakit ba? Ayan ka nanaman, sumisigaw ka nanaman." Irita niyang sabi.
"Bakit hindi kita sisigawan e kanina pa ko salita ng salita dito habang ikaw sa iba nakaatensyon. Aba, sinasayang mo ang laway ko rito!" Inis kong sabi sakaniya at humarap ulit sa pagkain ko.
"Kasalanan ko ba kung non sense ang sinaasabi mo?" Tanong niya. Napanganga naman ako kaya hinawakan ko ang tinidor ko atsaka dinuro sakaniya.
"Non sense ba yon? Hoy, nagmamalasakit lang ako no! Atsaka ikaw, kapag babae may sense sayo tapos kapag pag-aaral wala ng sense? Aba'y napakahusay mo naman palang tunay no, Dylan?" Paglelecrure ko sakaniya. Ibinaba naman niya angg kamay ko na may jawak na tinidor atsaka siya nagsalita.
"Eh sa gusto ko mangbabae e. Mas masarap mangbabae kesa mag-aral. Kaya wag mo na akong pansinin okay? Ang pansinin mo yung pagaaral mo. Huwag ako!" Mariin niyang sabi. Atsaka siya ngumiti. Inirapan ko nalang siya.
"Ah ganon? Oo naman, Ako bahal sa pag-aaral ko. Aba, pangarap ko yo at para saakin kapag pangarap mo dapat pinaghihirapan mong matupad. Ikaw nga siguro ang pangarap mo lang ay maawardan ka ng Womanizer of the whole time Year!" Sarcastic kong sabi sakaniya.
May ilang tsismosa ang nakikinig sa usapan namin tulad ng kabilang table na katabi namin pero wala akong pakialam sa kanila.
"Ah talaga? Okay na sakin yon. Atleast may award!" Proud niyang sabi. Napairap nalang ako at napahinga ng malalim. Naiinis nanaman niya ko e.
"Pulos babae nalang iniisip mo! Babaeng maganda, Babaeng makinis, At babaeng malaki ang boobs nalang ang iniisip mo! Kaya ka siguro hindi makagulapay kanina dahil nambabae ka pa kagabi no!?" Bulyaw ko sakaniya. Naiinis na kasi niya ko.
Ako na nga itong concern sa pag-aaral niya tapos ganon lang ang sasabihin niya? Aba, dapat nga magpasalamat siya dahil may besttfriend siyang nagpaalala ng mga ganitong bagay e. Dahil wala namang ibang tao ang gaswa nito sakaniya kundi ako lang na nagmamalasakit sakaniya.
"Grabe ka na, Oy! Hindi naman no!" Epensa niya atsaka kinain yung gulay sa mangkok niya. Napairap nalang ako and I crossed my arm. Gusto ko siyang sipain dito sa tabi ko dahil sa inis pero may manners ako kaya wag nalang.
"Atsaka ginabi ako kagabi kasi nag-race pa ko e." Salita pa niya sa gilid ko. Napanganga ako sa sinabi niya.
"Nagkakarera ka parin?" Bulyaw ko.
"Anong masama?!" Inosente niyang tanong.
"Hindi mo ba naalala ang sinabi ng Daddy mo sayo?" Tanong ko rin doon.
Pinagsabihan siya ng Daddy niya na hindi na siya pwedeng mag-race dahil nakakasama na iyon sakaniya. Bumabagsak ang grades niya at late na siyang nakakauwo sa gabi. At minsan nga ay naaksidente siya dahil sa race na yon. Muntik na siyang mamemory loss dahil sa pagkakabangga ng kotseng sinasakyan niya habang nasa race. Kaya nga sabi rin ng Doctor ay itigil na yon dahil kapag nangyari ulit yon ay maaaring magcause iyon ng Amnesia.
"Natatandaan ko. Pinagbawalan niya ko." Kaswal nitong sagot.
"Yun na nga yon, Pinagbawalan ka na pero bakit ginagawa mo parin?" Tanong ko sakaniya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagaala sa sistema ko.
"Nobody could stop for this. Not even my Dad. Not even you." Mariin niyang sabi.
"Hindi ka talaga marunong makinig sa taong nasa paligid mo. Alam mo, kapag talaga napahamak ka fiyan sa Car Racing na yan, Ewan ko nalang sayo. Hindi kita dadalawin!" Banta ko sakaniya.
"Nakikinig ako. Ayaw ko lang ikaw sundin no!" Sabi niya.
"E paano, Tanga ka." mabilis kong sagot.
"Grabe ka magsabi ng Tanga ah!" Sabi niya.
"Totoo naman ah. Naka-5 ka nga lang sa quiz niyo e. At tingnan mo yung quiz mo, Nagka-5 points ka dahil sa Point five na binigay ngProf mo sa bawat mali mong sagot. My gosh, Imagine! Umasa ka sa point five. Mahiya ka, Oy!" Sabi ko sakaniya. Sumimangot lang siya.
"Mabuti nga may 5 points e." Proud pa niyang sabi.
"Kdot. Bahala ka sa buhay mo! Kapag talaga bumagsak ka iiwan na kita!" Banta ko naman sakaniya.
"Psh, Edi Mag-aral!"
*