DSECRET 20 Nakangiti habang isa-isa kong nilalagay ang mga ibang gamit ko mula sa isang sling bag. Ilang lingo na ang lumipas, at ngayon na ang araw ng alis namin para mag bakasyon sa Romblon. Maayos akong nakapagpaalam kay mama, at sa dalawang amo ko na pinagpipilitan na magprovide lahat ng gagamitin ko para sa bakasyon namin. "Pasok!" Sigaw ko ng marinig ang mahinang katok mula sa pinto ng kwarto. Unti-unti 'yong bumukas at bumungad sa akin si mama. Hindi na siya nag-uuniform ng pangkatulong dahil 'yon ang utos sa kanya ng dalawang mag-asawa. Kita ko na rin ang pagiging open nila sa isa't-isa sa tuwing umuuwi sila ng bahay. Samantalang si Cholo naman ay dumadalaw isang beses sa isang linggo pero hindi rin nagtatagal dahil na rin sa hectic niyang schedule nitong mga nakaraan. "Anak,

