DSECRET 20 (ROMBLON DAY 1) "WOOOOOAW!" Masayang tili ni Dine habang pababa ng barko at kumukuha ng mga larawan sa lugar. Malamig ang simoy ng hangin, habang ang ibang nagbabaan sa barko ay nag-aakapan sa kani-kanilang mga sundo. Malinaw din ang tubig ng dagat at kahit hindi ka lumusong ay makikita mo pa rin ang mga inang maliliit na isang naglalanguyan. Halatang alagang-alaga ang buong lugar na 'to. Kung sa bagay ay hindi pa naman nadidiskubre ng mga tao ang ganda ng Romblon, nakakapanghiyang lang rin kung madiskubre 'to dahil katulad ng boracay ay baka masira lang 'to sa mga susunod na panahon. "Denise, ngiti!" Sita ni Dine bago tinaas ang cellphone niya at kumuha ng litrato naming dalawa, "Nakikita ko lang 'to sa mga blog ng mga blogger. Ngayon, nandito na ako. Omaygash!" Napailing

