DSECRET 2

958 Words
DSECRET2 “Omg! Grabe hindi ko ineexpect na iisang banda pala sila. Like, kung maglakad sila kanina ay para lang silang normal na students", hindi makamove-on na sabi ni Abi habang tinitignan ang pictures ng apat kanina na tumutugtog. “Tsaka sis, ang pogi pa nila. Nakakikilig ang boses nila feeling ko hinaharana nila ako.”, Ngiting-ngiting sabi ni Ella bago pa niyakap si Abi. Tumaas lang ang kilay ko habang tinitignan silang dalawa. Ang oa naman ng mga ‘to, pero hindi ko maitatanggi na totoo ang sinasabi nila. Kahit ako ay hindi ko inaasahan na sila pala ang banda na usap-usapan ng iba kanina. Hindi naman kasi halata sa mga mukha’t katawan nila, mas bagay lang sila maging model kesa maging musikero. “Basta sa’kin yung nakaitim na damit kanina”, pang-aangkin ni Abi. “Yung sinabihan ni Dine ng madungis?”, tanong ni Ella bago humalakhak nang malakas. Kahit kalian talaga ‘yong babae na yun mga jologs ang gusto. Napatawa ako sa sinabi ni Ella. Pansin ko din naman ‘yon, mas mahilig siya sa mga chubby na lalaki at mga singkit kesa naman sa mga hotties. “Sinabi mo pa, tsaka hindi pa siya nahiya na sabihin ‘yon, akala mo naman ang ganda niya”, pikon na sabi ni Abi. “Alam n’yo hayaan niyo nalang si Dine. Kung hindi niya naman talaga trip ‘yon, kahit ako. Basta akin ‘yong vocalist”, taas-baba na kilay ko na sabi sa kanila. Sobrang ganda ng boses niya, ang lamig at buong-buo. Animo’y sobrang hinasa ang boses niya, pero kung manumit naman siya ay sobrang jologs like Dine. Siguro ay poorito lang ‘yon. At kung sakaliman na dukha lang siya, ekis na agad siya sakin. Gusto ko ng mayaman na lalaki. ‘Yong kayang ibigay ang lahat ng gusto ko mula sa ulo hanggang paa, ibibigay luho ko sa buhay at syempre ang bigyan ako ng magandang lahi na mga anak. Ayaw ko ng mahirap na buhay, kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para hindi maghirap. Sabay mapupunta lang ako sa isang klase ng lalaki na ako pa ang bubuhay? “Manong, pastop nalang po ako sa Famous One Subdivision", sabay turo ko sa main gate na madadaanan din namin. “Opo, maam.”, Sabi ng grab driver na nakatingin lang sa kalsada. “Ang sosyal talaga ng magulang mo. Ang sabi sa’kin nila mama mahal daw ang lupa dyan sa loob", mangha na sabi ni Ella. Napangisi nalang ako bago nagflip ng buhok. “Gano’n talaga, swertehan lang.” Ilang sandali lang ay bumaba na ako sa sasakyan nasa kanila naman na ang ibabayad nila sa grab dahil ako ang unang ibababa. “Una na ako basta sa Friday ah?”, pagpaalala ko. “Oo naman, doon ulit. Ingats bebs”, sabi ni Abi bago ako nakipagbeso sa kanilang dalawa at bumaba ng sasakyan. Hinintay ko muna sila makaalis bago ako tuluyan na pumasok sa loob ng subdivision. Tinignan ko ang wallet ko na limang-daan nalang ang laman, ubos na ang pang-isang buwan ko na allowance at wala pa sa kalahati ng buwan ngayon. Bahala na, sigurado naman na bibigyan ako ni mama ulit. Sasabihin ko nalang na may project ako kaya naubos ang allowance ko. “Tricycle maam?”, tanong ng tricycle driver na nakatayo sa gilid. Umiling nalang ako bago siya nilampasan. Hindi naman gano’n kalayuan ang bahay, tsaka baka maubos na ang pera ko bukas. Syempre kailangan ko ipakita sa lahat na meron akong pera para mas lalo nila akong kainggitan. Nakakatuwa sila, mas lalo na ang mga naiingit sa’kin para silang mga aso na gagawin ang mga gusto ko para lang makatikim ng libre. Nakarating ako sa bahay, nang mapansin na nasa labas ng gate si mama. Nakapangbahay siya at tila may hinahanap dahil sa paglinga-linga niya sa paligid. “Anong ginagawa mo d’yan ma?”, bungad ko sakanya. “Ano ka ba naman Denise. Kanina pa ako nag-aalala sa’yo, bakit ngayon ka lang umiuwi? Hindi mo rin sinasagot ang cellphone mo kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo.", Napakamot ako ng ulo ng salubungin ako ng sermon ni mama mula sa gate ng bahay. “Ma, lobat ako tsaka may ginawa kaming project", pagsisinungaling ko. Sa totoo’y ayaw ko lang talaga sagutin ang tawag niya kanina dahil puro sermon nanaman ang makukuha ko, tsaka late na rin natapos ang banda na pinapanuod namin. “Gumagawa kayo ng project hanggang ganitong oras?”, sarcastic na tanong ni mama sa’kin. Ito na naman kami sa matinding paliwanagan. Bat ayaw niya nalang kasi ako hayaan at mag-enjoy nalang sa buhay ko? “Bawal ba gawin ‘yon? Pagod ako ma. ”Sabi ko bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Ito ang ayaw ko sa tuwing nasa bahay ako palagi nalang sermon at utos. Nakakarindi na, kahit hindi naman kailangan ibunganga ay binubunganga pa. “Anong tingin mo sakin hindi pagod, Denise?”, malalim na bumuntong hininga si mama bago ako hinila papalapit sakanya. Walang buhay akong tumingin sakanya pabalik. Siguro naman ay mahahalata niya na wala akong pake at kahit anong sermon ang gawin niya ay tapos na at nagawa ko na. “Bakit hindi ka nalang kasi maniwala sa’kiin? Alam kong pagod ka sa trabaho mo dito at alam naman natin na pagod din ako sa pag-aaral ko. Kaya pwede ba ma, tama na ‘yang walang katapusan na sermon.”, Naiinis kong sabi bago ako naglakad papalayo sakanya. Pumasok ako sa loob ng bahay, katulad ng dati ay wala pa rin katao-tao. Tahimik ang buong lugar habang ang lahat ng ilaw ay gumagana. Dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi na hinintay na makapasok si mama dito sa loob. Nakakainis. Bakit kasi hindi nalang ako pinanganak na mayaman para magawa ko na ang gusto kong gawin? At bakit sa lahat ng magiging nanay ko ay taga silbi pa. Nihindi nga mabigay ang mga gusto ko, kahit na i-satify lang ang mga pangangailangan ko ay hindi niya pa magawa. Sana talaga naging anak nalang ako ng mayaman. Hindi katulad ng ganito, bago ako bigyan ni mama ay sangkatutak pa ng paalala na magtipid at lagi nalang magtipid. Kaya hindi niya naenjoy ang buhay niya dahil sa pagtitipid na ‘yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD