DSECRET 3

959 Words
DSECRET 3 “Kailangan naba ngayon ng bagong libro na ‘yan?”, Nag-aalinlangan na tanong ni mama. “Sa katapusan pa ang sahod ko, wala pa akong maibibigay sa’yo ngayon.", dagdag niya pa. “Kailangan ko na ‘yon ma, kung hindi ako makabili ng libro hindi ako makakapasok sa isang klase namin.”, Diretso kong sabi. Napabuntong hininga nalang si mama bago dumukot sa bulsa niya ng isang libo, bago iniabot sakin. Kita ko ang pag-aalinlangan ni mama sa pagbibigay sa’kin ng pera, pero aanhin naman niya ‘to? Mas kailangan ko ‘to ngayon para makapunta sa Friday. “Oh ayan, kung kulang pa ‘yan sabihin mo sakin agad, at ng makapangutang ako”, tumango ako bago malaking ngiti ang sinukli ko kay mama. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at mabilis na kinuha ang bag ko para ilagay ang pera sa loob. Ito ang maganda kay mama, mabilis siya magbigay pagdating sa kailangan ko sa school. Hindi naman siya ang nagbibigay ng allowance ko talaga, kundi ang amo niya na sila Maam Chari at Sir Renzo. Sila ang nagpaaral sa’kin at nagbabayad ng maliit na tuition ko, habang si mama naman ay supporta lang sa iba ko pang pangangailangan. “Kailangan na kasi ‘to sa Friday ma, alam mo naman ang school namin.", pagrarason ko bago sinukbit ang bag ko sa balikat. “Basta magsabi ka agad.", tumango ako bago hinalikan si mama sa pisngi at nagpaalam na. Nagmamadali akong lumabas ng bahay para habulin ang tricycle na huminto sa harap. Ito lang ang problema sa lugar na ‘to ay walang tricycle at kung meron man  ay mapang-abuso sa singil. “Sa labas po.”, Sabi ko sa driver bago inabot ang barya ko. Baka naghihintay na sa’kin sila Abi at Ella sa labas ng subdivision. Ang tagal kasi ni mama magbigay ng pera, may pasabi-sabi pa na wala kahit meron naman pala. Ilang sandali lang ang byahe sa tricycle, humihinto lang ‘to sa tuwing may makikitang pasahero na naghihintay din ng masasakyan. Mabilis ako na lumabas ng gate at kita ko na nga silang nag-uusap ng makita nila ako ay ngumiti rin silang dalawa. “Sorry, kanina pa ba kayo?”, hinging paumanhin ko sa kanila. “Ang tagal kasi ni mama kumuha ng pera." “Ano kaba ayos lang, tsaka kararating ko lang rin.”, mabait na sabi ni Abi bago nilagay sa bulsa ang phone niya. “Tara na?”, aya nila sumunod lang ako sa kanilang dalawa habang pinag-uusapan ang bagong labas na phone ngayon.   “Sigurado akong maiingit nanaman sila.”, rinig kong sabi ni Abi. Tumaas ang kilay ko sa sinasabi niyang inggit thingy. “Bakit?”, pagsali ko sa usapan nilang dalawa. Hinarap niya ang cellphone at pinakita sa’kin ang cellphone na pinag-uusapan nila.  “Sabi ko kung makakabili ako ng ganito ay siguradong maiingit na naman sila. Alam mo na.” Ah. Pero dapat bago sila makabili no’n ay makabili na rin ako, madali lang naman kay mama ‘yon. Sasabihin ko na may team building kami para makapag-overnight at bigyan niya ulit ako ng pera. “Kailan kayo bibili?”, tanong ko. “Baka next-next month, mag-iipon muna kami. Sigurado na hindi ako bibigyan ni mama, kaya magiging kj muna ako ngayon.", ani ni Abi. Ako? Hindi ko na kailangan mag-ipon, ibibigay naman lahat ni mama ang pangangailangan ko sa school. Kaya siguradong once na may sinabi akong kailangan ko ay mabilis niya lang naibibigay. “Sabay na ako sa inyo.", nakangiti kong sabi. Asa. “Magtitipid ka rin?”, gulat na sabi ni Ella. Humagalpak nalang ako ng tawa. Wala akong pake kung pagtinginan ako ng mga ibang pasahero, pero TIPID? “Hindi ‘no, ibibigay naman ni mama ‘yan sakin.”, Pagmamayabang ko. “Sana lahat mayaman.”, sabay na sabi nilang dalawa. Napangisi nalang ako sa sinabi nilang dalawa. Hindi naman ako magpapatalo sakanila, kailangan bago sila magkaroon ay meron na rin ako. Kaya gagawin ko lahat para magbigay lang si mama. Nakarating na kami sa school. Nakaupo na rin si Dine sa pwesto niya at nakasubsob. Mukhang night shift siya ngayon sa trabaho. Ito ang mahirap once na working student ka. Madalas pagpasok mo sa school pagod ka na at wala na sa wisyo mag-aral dahil mas pipiliin na nilang matulog kesa makinig sa klase. “Pagod na pagod?”, may halong pang-aasar na sabi ni Abi. Tumingin si Dine sa’min at tumango. “Anong oras na ako nakauwi kagabi, malapit na ang finals natin hindi pa rin ako bayad.”, Diretso niyang sabi bago bumalik sa pagtulog.     Napailing nalang ako sakanya. Naiintindihan ko naman ang kalagayan niya, ulilang lubos na siya at wala ni isa sa kamag-anak niya ang tumatanggap, kaya naman mas pinili niya ang mag trabaho para ibuhay sa sarili niya. ‘Yon nga lang ay napapabayaan na rin niya ang pag-aaral. Yun minsan ang problema sa working student. Nagtrabaho sila para mag-aral pero madalas ay nawawalan na sila ng oras para mag-aral. Naupo ako sa pwesto ko bago kinuha ang yellow pad at binigay kay Dine.", Wala ka pang assignment ‘no? kopyahin mo nalang muna ang sagot ko." Inangat niya ang tingin, bago tumango at kinuha ang papel na binigay ko sakanya. Sabi na nga ba’t wala siyang nagawang assignments. “Pakopya din ako.", sabi ni Abi bago hinablot ang papel ko. Sumama tuloy ang tingin ko samanya. “Wala ka naman trabaho, kaya dapat may assignment ka.”, sabi ko bago hinablot din sakanya ang papel ko at binalik kay Dine. “Ang unfair naman no’n”, reklamo niya. Hindi ko nalang siya pinansin at binaling sa cellphone ang atensyon ko. Maluho nga ako’t mayabang, pero ayaw ko sa lahat ang binabalewala ang pag-aaral. Pwede naman mag-enjoy habang nag-aaral. Kailangan ko rin ng mataas na grades para tuloy-tuloy at maniwala sila sa sinasabi ko na kailangan, dahil kung makita nila ang grades ko na mababa ay malamang ay di na nila ako bibigyan ng pera. Tinaas ko ang paningin ko bago hinarap si Dine. “Sasama ka ba sa Friday?”. Umiling siya bago maliit na ngumiti. “Hindi na muna, kailangan ko pumasok sa trabaho." “Ano pa nga ba ang aasahan namin?”, maldita na tugon ni Bella. “Hindi mo kasi maiintindihan.", sagot ni Dine bago bumalik sa pagsusulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD