DSECRET 4

1051 Words
DSECRET 4 Wednesday palang ngayon, pero hindi na ako mapakali sa darating na Friday. Hindi ko masabi ang nararamdaman ko ngayon, mas lalo na nang Makita ko ang vocalist nila. Sobrang pogi niya, ang lakas ng appeal ng mukha niya. Mataas ang ilong niya, mapula’t manipis na labi, at mga mata niya na gustong-gusto ko sa lahat. Kulay baby blue. Mas lalo na nang binuka niya ang bibig niya para mag umpisang kumanta. It feels heaven! Mukha din siyang mayaman kaya mas lalong bet na bet ko siya. ‘yon din naman ang pinakana-gustuhan ko sa kanya bukod sa boses at mata niya. Kaya niya akong i-alis sa hirap at maibigay ang lahat ng luho ko sa katawan. “ang lalim ata ng iniisip mo dyan, Denise?” sabay marahan na tulak sakin ni mama sa’kin sa balikat. Nakangiti siya sa’kin katulad sa tuwing mag-uusap kaming dalawa. “Nai-iisip ko lang ang ibang bayaran naming ma, nakakahiya na humingi sa’yo,” pagsisinungaling ko. kailangan ko lang talaga ng extra nap era ngayon. Sigurado naman ako na bibigyan niya ako. Si mama pa ba? Basta nag-aaral ka ng mabuti at may maipakita kang mataas na marka sa kanya ay ibibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Wala na siyang ibang tatanungin pa, o kaya hahanapin na iba. Ganyan si mama, isang uto-uto. “Magkano na naman ba ang bayaran n’yo?” nagkakamot na batok niyang tanong. Umiling lang ako at ngumiti, kailangan ko maging mabait ngayon para bigyan niya talaga ako ng pera. “Hindi na ma, ayos lang naman sa’kin ‘yon,” ngiwi kong sabi, “masyado nang maraming bayarin ng nakaraan kaya ako na hahanap ng paraan” Kita ko ang pagsimangot ni mama. Effective. Hindi niya alam na ang pera na binibigay niya sa’kin ay puro lang sa luho ko na pupunta, at syempre para maging sikat ako. Ano nalang sasabihin ng mga kaibigan ko kung malaman nila na maid lang nanay ko diba? Tsaka, duh, ako na nga lang mag-isa ang pinapa-aral niya hindi pa maibigay ang mga pangangailangan ko. “At paano naman aber?” nakataas na kilay niya. Ngumiti ako sa kanya ng malaki bago siya kinindatan, “mag tratrabaho ako ma,” simple kong sabi na ikinasimangot niya. “’yan ang wag na wag mong gagawin Denise. Kaya nga ako nag tratrabaho para mapag-aral ka ng maayos, at mabigyan ka ng magandang buhay,” sermon niya. Maayos na buhay na pala ‘to sa tingin ni mama? Ang maging isang taga pagsilbi ng mayayaman. “lagi mong tandaan ‘to anak. Nag tratrabaho ako para sa’yo, para maibigay ang mga pangangailangan mo sa paraalan at hindi na mag trabaho habang nag-aaral. Wag kang mahiya magsabi sa’kin, dahil bilang ina responsibilidad ko ang ibigay ang mga pangangailangan mo,” heart touching na sabi ni mama. Umarte naman ako na parang naluluha sa sinabi n’ya. Ang heart touching naman kasi talaga, kaso ang problema hindi niya na ibibigay ang iba kong gusto. Kaya ang ending kailangan ko pa magsinungaling. Hindi naman ako magsisinungaling kung binibigay nila ang gusto ko ‘di ba? “Opo ma, sa totoo kasi niyan meron kaming team building. Tatlong araw ‘yon sa Palawan, masyadong mabigat sa bulsa kaya parang ayaw ko nalang sumama,” paawa kong sabi. “Gano’n ba? Magkano ba ‘yan at kailan para mapaghandaan ko na?” nag-aalala niyang tanong, “hindi pwede na di ka sumama, baka mamaya’y bumaba ang grades mo,” Gusto ko ngumiti ng malaki. As in malaking-malaki, pero syempre dapat kunwari ayaw ko talaga sumama. “9K ma, masyadong mahal ‘yon. Halos isang buwan mo na sahod din ‘yon. Pwede naman ako hindi nalang sumama,” may halong pag-aalinlangan kong sabi. Naku, pag ito pa si mama ay naniwala na pwedeng hindi nalang yare ako. “Lalapit ako mamaya sa driver para mangutang. Kailan mo na ba kailangan?” ngumiti ako nang malaki. Ngayon, masasabi ko nang mabilis talaga ma-uto si mama. Maraming nag sasabi na mali daw ang ginagawa na katulad ng ganito pero duh. Ginagawa rin kaya nila ‘to. “Sa susunod na lingo na ma,” maigsi kong sabi. “Sige, ibibigay ko sa’yo yun.” Nakangiting sabi ni mama bago ginulo ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. “Salamat ma,” nakangiti kong sabi. “Welcome anak, basta ay mag-aral ng mabuti at walang boyfriend muna” tumango-tango ako. Ayaw ko naman talaga ng boyfriend mas lalo na kung dukha lang at hindi kaya ibigay ang gusto ko. baka mamaya ay sa street foods lang ako dalhin kung sakaliman na mag date kami. Gusto ko pa naman ay mga bonga ang handaan. Like ipupunta ako sa Korean, Mexican at American restaurant. Kasi kung unang date palang tinitipid na ako. Sorry, busted na kasi gugutumin mo lang ako for the rest of my life. “Opo ma, makaka-aasa.” Sabay approved sign ko. Nag paalam na si mama na babalik na sa trabaho. Sa totoo lang ay na aawa ako kay mama, ang dami niyang Gawain dito sa loob ng bahay nila Maam at Sir Rio. Nag-iisa lang rin siyang katulong maliban sa driver nang mag-asawa. Linis dito, linis doon. Hugas pingan, laba, linis ng pool at kung ano-ano pa. Kinaiinisan ko lang naman kay mama ay palagi niya akong tinitipid, mula sa luho at pangangailangan ko, kaya naman binabawi ko pagdating sa gastusan sa school. Nag sasabi ako na may bayaran, kahit wala. Sabihin ko na may project kahit wala. Pera lang naman kasi ‘yan, kikitain ulit pero ang pagiging bata ay isang beses lang. Kaya kahit anong mangyari i-enjoy ko ang buhay ko, gagawin ko ang lahat ng gusto ko at pupuntahan ko hangga’t sa kaya ko. Pumasok ako sa kwarto nila maam Chari at sir Lorenzo. Ang mag-asawa na hindi ko alam kung may anak ba o wala. Pero ang sabi sa sabi-sabi ay may anak daw ang mga ‘to pero hindi na nagpapakita sa kanila. Kawawa naman sila. At grabe na anak ‘yon. Akalain mo, mayaman na ang pamilya mo sabay lalayasan lang? kung ako ‘yon ay malamang sa alamang ay binibili ko na ang mga gusto, mula sa damit at kung ano-ano pa. Umupo ako sa higaan nila sir. Sobrang lambot, halatang mayayaman lang ang may afford. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa bago humiga at kumuha ng selfie. Caption: ‘So boring…’ Sabay pindot sa post botton. Mainggit na naman kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD