DSECRET 5

2916 Words
DSECRETS 05 Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng classroom habang hawak ang bag ko. Hindi ko na naisipan pang bumili ng kape ko ngayon, mas kailangan ko ng pera mamaya tsaka para hindi na rin ako kainggitan ng ibang mga hindi afford ang Star bucks. “Himala ang aga mo ata ngayon?” bungad na tanong ni Abi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, “At himala wala kang dala ngayon?” Ngumiti ako ng matamis bago pinatong ang bag ko. “Nakakasawa na rin mag Star bucks, halos araw-araw na rin akong bumibili. I wanna try something else na hindi na puro ganon,” magalaro ang ngiti kong sagot sa kanya. I know her. Kaibigan ko siya pero alam ko na may inggit din sa katawan ang babae na ‘to. “right. Hindi ako makabili ng akin, pinaghahandaan ko ang phone na bibilhin namin,” nakapout na sabi ni Ella, “Buti ka pa, hindi mo na kailangan magtipid para sa mga makabili ng sarili mong luho,”  “hindi naman ako papayagan nila mommy. Alam mo na,” sabay kibitz balikat na sabi ko. Malaki ang pera na binigay  sa’kin ni mama. Kahit na sinabi ko pang next ko kailangan ay agad din siyang nangutang sa driver para ibigay sa’kin at maunang magbayad sa so-we-called-team-building. Ilang lingo nalang rin ay mabibili ko na ang cellphone na gusto nilang bilhin. Kahit na kakabili at kapapalit ko palang ng phone ngayon, ay kailangan ko pa rin sila maunahan. Ayaw kong asarin, dahil mas kilala ako bilang isang mataas na babae. Ng-umpisa ang klase namin, tahimik lang akong nasusulat ng mga ibang kailnagan information nang maagaw ang atensyon ang babaeng nagkukumahog. Si Dine. “Good morning sir!” bati niya bago inayos ang sarili sa harap namin lahat. “You’re late again, Ms. Alegro.” Madiin nang sabi ng prof namin na late din pumasok. “Kakauwi ko palang po kasi galing sa trabaho sir,” pagrarason niya bago yumuko. Napailing nalang ako. Ito ang ayaw ni mama na gawin ko. Naiintindihan ko siya, kita ko kay Dine na nahihirapan siya sa schedule sa pag-aaral at trabaho. But she had no choice, kung hindi siya magtratrabaho ay wala rin siyang kakainin. “Naging working student din ako, Ms, Alegro pero hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko.” sagot ni sir sa kanya bago malakas na hinampas ang white board marker sa lamesa na ikinagulat namin lahat, “tatanungin kita nang maayos. Gusto mo bang mag-aral pa, o gusto mo nalang magtrabaho?” “Sir, kailangan kop o—“ “I am asking you, Ms. Alegro. Gusto mo ba mag-aral o gusto mo nalang magtrabaho?” napakagat labi si Dine. Alam ko kung gaano sa kanya ang pag-aaral dahil kung hindi ay sana matagal nalang siyang huminto. “Mag-aaral ako sir” naiiyak niyang sabi nang nakayuko. “Then be a responsible student! Naiintindihan ko kayo. Kaya kayo nagtratrabaho dahil gusto niyo mag-aral pero kung ganyan din ang pinakapakita niyo sa klase. You should stop studying! Magtrabaho muna kayo, para sa susunod dire-diretso ang pag-aaral niyo.” Galit na sabi ni sir. Natahimik kaming lahat. May tama si sir sa sinabi niya, pero hindi niya alam ang pinagdaraanan nang kaibigan ko. kagatlabi akong nagpipigil para makisali sa g**o. “S-sorry sir” mahinang sabi ni Dine. “You may take your seat. Sa susunod na malate ka pa sa subject ko, wag ka nang pumasok dahil ibabagsak na kita.” Pagbabanta ni sir. Nakayukong pumasok si Dine at naupo sa tabi ko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong. Tumango lang siya at mapaklang ngumiti sa’kin. “Palagi kasing late, sana hindi nalang nag-aral.” Rinig kong bulong ni Ella sa tabi ko. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Bakit ba hindi nalang nila supportahan ang mga katulad ni Dine, tutal naman ay kaibigan namin siya. Natigil na ang pag-klase ni sir at napalitan nan g sermon sa buong oras niya. Inshort naging kwento na nang buhay niya ang topic namin. Mabilis na lumipas ang oras ng klase namin at sa wakas! Nag-iinat ako ng buong katawan ko, bago pinasok ang lahat ng gamit ko sa bag. Friday na ngayon kaya naman excited na excited na ako. “Bihis na muna tayo,” nakangiti kong sabi bago tinaas ang tshirt na dala ko. “Yeah, mahirap magtatalon pag naka-uniform” sagot ni Ella bago ako inirapan. Nagkibit nalang ako ng balikat sa kanya. Kung may problema siya wala akong pake. Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Dine. “Sama ka?” umaasang sasama siya. “Paano sasama ‘yan, busy yan sa trabaho. Kahit nga isang subject nalang tayo ngayon, hindi pa makapasok sa tamang oras.” Malditang sabat ni Abi. “Hindi ikaw ang kausap ko, Abi. So shut up.” Matigas kong sabi bago binaling kay Dine ang tingin ko. Hindi naman maiiwasan na makita ang pag-irap ng dalawa. Yup, mayaman nga sila at may kaya sa buhay pero hindi ko maitatanggi na mas may utak pa si Dine kesa sa kanila. “May trabaho kasi ako kagabi, Denise” sabi niya bago nagkamot ng batok, “Pero sige sasama ako. Rest day ko naman bukas” Napangiti ako. “Good! Tara na, may damit ka ba?” tanong ko. “Wala eh, baka umuwi muna ako sa bahay para—“ hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at hinagis na sa kanya ang isang tshirt ko na hindi naman madalas nagagamit. “Sa’yo na ‘yan” sabi ko nang nakangiti. “huh? Ayaw ko! ang mahal ng ganitong damit, Denise!” sabi niya nang mapansin ang tatak. Galing ‘yon sa amo ni mama nang umuwi ng ibang bansa, hindi ko rin naman masyadong masuot dahil hindi ko gusto. Mas prefer ko ang fitted kesa sa mga malalaking katulad no’n. “Anong tingin mo kay, Denise? Cheap katulad mo at magsusuot ng damit na galing bangketa?” singit naman ni Ella na masama ang tingin sa kanya. “Oo nga. Ewan ko ba kung ba’t ka pa sama ng sama sa’min, you’re so poor naman tsaka ang kj pa!” mataas na sabi ni Abi para magtinginan ang mga kasamahan namin sa room at nagbubulungan. “Enough. Hayaan niyo si Dine,” pagpapatigil ko sa kanila. “Whatever!” sabi ni Abi bago naunang umali sa’min bitbit ang bag niya. Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin kay Dine. Halata sa kanya na hindi pa rin siya makamove on sa nangyari kanina. Sino ba naman ang hindi kunf ipapahiya ka nang prof niyo sa harap ng klase hindi ba? “Mukhang ayaw nila ako kasama” natatawa niyang sabi. “Nah, hindi ‘yan.” Sabay hila sa kanya para sundan ang dalawa. Nagbihis lang kami at nag-ayos ng buhok. Wala naman kaming dalang malaking bag, dahil isang subject lang ngayon at syempre para makagalaw din kami ng maayos. Pumunta na kami sa isang parke. May mini concert kasi ang banda nang  ‘The Delight Band’. Hindi pa naman sila gano’n kasikat na banda, siguro ay nag-uumpisa palang sila. Pumunta kami sa parke. Hawak ko ang braso ni Dine at siya naman ay nakasunod lang sa’min. “Ang tahimik mo ata ngayon?” tanong ko sa kanya. “Kailan ba ako naging maingay?” tanong niya bago tumawa. “Wag mo masyado isipin ang sinabi ni sir kanina. He doesn’t know your situation kaya nasabi niya ‘yon.” Pagchecheer up ko sa kanya. “And you? You know my situation?” sarcastic niyang tanong bago tumawa nang malakas, “Joke. Alam ko naman na naiintindihan mo ako. Kung hindi mo naman ako na iintindihan edi sana lumayo ka na,” “Right! Kahit kj at nakakinis ka minsan,” sabay irap sa kanya. Natawa kaming parehas at tinungo na ang upuan kung saan malapit sa stage. May mga ibang mga nakaupo na rin don na galing sa ibang schools, mas lalo na ang taga LPU na ibang mga babae. “Omygash! Excited na akong makita ‘yong naka-black, what is her name again?” tanong ni Abi bago hinampas-hampas sa balikat si Ella. “Gwayne Hernandez” sabi ko. ‘yong lalaking sinabihan ni Dine na dugyot kaya inis na inis sa kanya si Abi. “Gwayne. Ang ganda din nang pangalan niya, sa tingin ko mayaman din siya,” sabi ni Abi na hindi na nahiya. “Masakit na Abi” reklamo sa kanya ni Ella na pinipigilan siya sa paghampas. Nailing nalang ako. Gwapo silang lahat, at seryoso napikon ako nang sabihan ni Dine na dugyot ang naka-black dati. Seryoso, ang lakas ng appeal ng sinabihan niya na ‘yon. Ilang minuto din kami naghintay, wala pa rin ang mga ibang tao. Sa tingin ko ay hindi mapupuno ‘to ngayon, kung sabagay ay sino ba ang pag-aakasayahan ng mga tao na underrated bands na hindi naman sikat? “Cr muna ako,” paalam ko sa kanila, “Sama ka, Dine?” Tumango siya at tumayo sa kinauupuan. Alam ko naman na ayaw niya maiwan kasama ang dalawa dahil kung ano-ano lang ang sasabihin nila sa kanya. “Yung tinutukoy ba ni Abi nan aka-black ay yung dugyot?” tanong ni Dine. “Yup. Tsaka Dine hindi siya dugyot.” Pagtatama ko. Marahan siyang tumawa sa sinabi ko at sinukbit ang balikat. “Edi hindi. Sino ba ang gusto mo sa kanila?” “Yung Vocalist. Ang ganda nang boses niya,” kinikilig kong sabi sa kanya bago humigpit ang yakap ko. Papunta kami sa pinakamalapit na banyo ngayon dito. May mga cr naman ang parke na ‘to dahil sa madalas na dinarayo ng mga tourista. “Gwapo din ‘yon,” puri niya. Nakapasok na kami sa loob nang cubicle. Buti nalang at walang gaanong tao ngayon kaya dire-diretso kami. Nilabas ko ang dinaramdam ko at puputok sa pantoog ko at lumabas nang cubicle. Nakita kong nandon na si Dine sa harap nang salamin at naghuhugas nang kamay. “Dumaan sila kanina sa labas. Sayang hindi mo nakita,” sabay turo sa hindi kalayuan. “Kakadaan pa lang?” tanong ko. Tumango siya. “Yup! Bilisan na natin baka magstart na,” pagmamadali niya. Inayos ko nalang kontin ang buhok ko na nakatali na at ang damit ko na tinali ko para lumabas ang pusod. Baka mamaya ay may mayamang fafa akong madekwat dito edi maganda. “Dahan-dahan!” sita ko kay Dine na hawak ang kamay ko na tumatakbo. Mygad! Maaga akong mahahaggard sa babaeng ‘to. “Ouch!” daing ko nang masipa ang isang malaking bato. Napahinto naman siya at napanganga. Mabilis na sana siyang lalapit sa’kin nang may maunang pumunta sa side ko. Malaki at malapad ang kanyang dibdib na bumabakat sa fitted shirt na suot niya. Ang mukha niyang may maamong mukha at magandang mga mata na kulay asul. Teka, “C-choco” mahinang sabi ko nang lumuhod siya sa harap ko at alalayan ako sa pagtayo. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, ang kamay kong unti-unting namamasa habang ang iba ay nakatingin sa amin. “Kilala mo ‘ko?” hindi makapaniwalang niyang tanong. Tumango ako. “Papunta kami sa mini concert niyo ngayon” diretso kong sabi bago pinagpagan ang kamay at ang tuhod ko. Ang sakit nang ginawa ni Dine! “Nice!” nakangiti niyang sabi. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Masyado siyang titig na titig sa’kin, pati na rin ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko. “Salamat” sabi ko bago binawi ang kamay ko sa kanya at akmang tatakbo ng hawakan niya ang siko ko. “Wait!” sabi niya bago nilabas ang cellphone, “Can I have your number?” Tumango ako bago kinuha ang cellphone na hawak. Mabilis kong tinipa ang number ko at ini-abot sa kanya. Maya-maya ay may nagring na sa loob nang bag ko, mukhang siya ‘yon. “Sige. Una na ako,” sabi ko bago patakbong lumapit kay Dine na nakatingin din sa’min. “Mukhang may nabihag ka” natatawa niyang sabi bago hinawakan ang kamay ko. “Gaga! Ang sakit ng tuhod ko. bakit ka ba kasi nagmamadali?” inis kong sabi bago pinagpagan ulit ang tuhod ko. “Baka magstart na” bulong niya bago nag-iwas nang tingin sa’kin. “Paano magstart kung nandon pa sila?” nakataas kilay kong sabi. “BASTA! Halina baka hindi na tayo nila Abi” sabay hila ulit sa’kin pero ngayon ay hindi na patakbo. Pumunta ulit kami sa pwesto namin. Medyo dumami na ang taong nandito ngayon, pero unlike sa pangmalakasan na concert ay kakaunti pa ‘to. “Diba ‘yun ang vocalist?” tukoy niya sa kaninng tumulong sakin. “Oo, nagulat nga ako at nandon pala sila.” Sabay kibit balikat na sagot sa kanya. “Sabi ko naman sa’yo, kakadaan lang nila.” sagot niya bago kinuha ang cellphone niya. Napatulala ako, habang paulit-ulit na nagflaflashback sa utak ko ang itsura niya kanina. Akala ko ay basta lang siyang malakas ang appeal sa malayuan pero natural na ang pagiging gwapo niya. Ang makakapal niyang kilay na mas lalong nagpapalakas nang tindig niya, sa tingin ko rin ay mas mahaba pa ang pilikmata niya kesa sa’kin. “OMYGASH! Nandyan na sila” tili ni Abi nang isa-isa silang tumapak sa harap ng entablado. Nilipat ko ang tingin ko sa harap. Nag-umpisa nang magtilian ang mga tao, kasabay nang paglakas nang tugtog na nagpapaingay sa buong lugar. Unang hinanap nang mga mata ko ang vocalist nila. Nakangiti siya salahat ng taong nando’n hawak ang isang gitara na nasa kamay niya. “Good evening” dalawang salita niyang sabi na muling ikinasigaw ng mga kababaihan. Nanatiling na sa kanya ang atensyon ko, habang kausap niya ang mga kaibigan niya na nasa stage. Lahat sila ay may kanya-kanyang kagwapuhan, pero siya kakaiba siya. “Denise!” sigaw ni Dine na kumuha nang atensyon ko, “Yung laway mo tumutulo!” Agad kong pinunasan ang gilid ng labi ko para punasan ang laway nang sinabi niya. “Mygad!” sigaw niya habang humahagalpak ng tawa niya. “Wala naman!” sigaw ko sa kanya bago natawa rin sa kanya. “Tagal nilang magchikahan” reklamo niya bago tinuro ang nasa stage. Tinignan ko sila isa-isa. Parehas sila ng mga suot na shirt kung saan nakalagay ang mga pangalan ng banda nila. “Bat kaya tinanggal ni Dwayne ang balbas niya?” takang tanong ni Abi na may panghihinyang, “pero mas pogi siya ngayon” Tinignan ko ang tinutukoy nila. Wala na nga ang balbas na sinasabi ni Abi, mas luminis din ang mukha niya at mas lalong nagpalakas nang appeal niya ang malinis na mukha. “What do you think?” tukoy ko sa lalaki. “Ayos lang. 7/10” sabay rate niya. Napangiti ako at binalik ang tingin ko sa harap nang mapansin ang isang lalaki na nakatingin sa side namin. Napakagat ako nang labi nang makita siyang ngumiti sa side namin. Ang bilis ng t***k ng puso ko, kasabay nang pagdagundong nang malakas na tunog ng mga speaker. Ilang sandaling nagkamustahan at intro ay handa na sila sa pagtugtog. Wala silang pakealam sa mga taong dinaraanan lang ang pwesto namin, pati na rin sa iilang mga tao na nasa loob nitong ginawa nila. “I dedicated this song  sa mga taong naniniwala sa kakayahan namin. Yes, we maybe not that famous band pero gusto kong magpasalamat sa inyong lahat,” nakangiti niyang sabi bago nag-umpisang kapain ang string ng gitara niya. “Sa mga taong nandito, at kung paano kami magsimula sa pangarap namin bilang banda, para sa inyo ‘tong lahat.” Nag-umpisa na uling maghiyawan ang mga tao sa buong paligid. At ako, nakatingin lang sa kanya habang nakapikit ang mata niya na dinadamdam ang mga letra ng kanta na lumalabas sa boses niya. ‘I can almost see it That dream I’m dreaming But there’s a voice inside my head sayin’ “You’ll never reach it”’ Pinikit ko ang mga mata ko, habang pinapakinggan ang boses niyang nag-uumpisang kantahin ang kanta ni Miley Cyrus. Binuksan ko ang mga mata ko at kinuha ang cellphone ko para kuhaan siya nang litrato. Ito ang unang beses na pumunta ako sa concert nila, na talagang dinayo pa namin. Zinoom ko ang camera at kinuhaan siya nang litrato habang nakapikit. Bahagyang umangat ang labi ko ng tinignan ang larawan niya. He looks so happy sa pagkanta niya. Siguro ay hubby niya talaga ‘yon at ito ang pangarap niya. ‘There’s always gonna be another mountain I’m always gonna wanna make it move Always gonna be uphill battle’ “I LOVE YOU CHOCO!!” matinis kong sigaw na nagpadilat sa kanya. Lumingon at ngumiti siya sa pwesto namin. “I love you too” sagot niya bago ako maramdam ng pamumula ng mukha. He’d notice me! He noticed me! Natapos ang unang kantang kinanta niya. Hindi maalis-alis ang ngiti ko sa mga labi ko, ganito pala ang nararamdaman ng mga nag fafangirling. “Nanotice ka niya! Do I should shout ‘I love you Gwayne’ too para masabihan niya rin ako ng I love you?” natatawang sabi ni Abi bago hinampas ako sa kamay. Hindi ko siya kinibo, ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang. Nasa lalaking nasa harap ng intablado, habang tinitilian nang maraming mga kababaihan. Sinilip ko ang phone ko. Tumatawag si mama. Napakunot ang noo ko at pinatay ang tawag niya. Sesermonan lang naman niya ako dahil sa gabi na at kailangan ko nang umuwi. I want to enjoy mylife! At sa tingin ko na hanap ko na ang isa pang magiging dahilan para mabuo ang pagiging dalaga ko ‘yon ang mag fangirling. Nagmessage ako kay mama na may project kami para sa finals, at nag reply lang siya na ‘okay’ para mapangiti ako. Tumingin ako sa harapan at napansin kong nakatingin sila sa’min. Maliit akong ngumiti sa kanya, bago nag-iwas nang tingin habang inaalala ang nangyari kanina. Kung paano niya ako tinulungan, hawakan ang kamay at titigan. Sa tingin ko may crush na ako. Palihim na nagsasaya ako sa loob-loob ko. Nilibot ko sa buong paligid ang paningin ko. Dumarami na ang mga taong humihinto para magkinig at manuod sa banda. Marami pala akong kaagaw, pero crush lang naman. Hindi masama dahil wala akong balak jowain, malay ko ba sa status ng buhay niya. Baka mamaya ay ligawan niya nga ako pero sa bangketa lang i-date. Hindi pwede ‘yon, mas lalo na mataas ang standard ko sa lalaki. Ayaw kong pagtawanan balang araw, dahil sa ang lalaking dinidate ko ay mahirap lang. “Denise!” sigaw ni Dine na nasa tabi ko. “Bakit?” nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. “Mag 10 pm na, kailangan ko nang umuwi baka wala akong masakyan” sabi niya na nkatingin sa oras. “Pero hindi pa tapos?” tanong ko sa kanya. “Ayos lang, kaya ko naman mag-isa,” sabi niya na hindi mapakali, “Una na ako ah?” Sabi niya at akmang aalis na nang kinuha ko ang bag ko. “Abi, Ella, uuwi na kami,” paalam ko sa dalawang walang balak na umuwi. “Maaga pa, Denise! Hayaan mo nalang ‘yang si Dine” sagot ni Abi. “Hinahanap na rin ako ni mommy,” pagrarason ko sa kanila. “Nakakauwi ka naman nang mas malala pa ng ganito last time, pero hindi sila nagalit.” Pairap na sagot ni Ella. Umiling ako. “I need to go” sabi ko. Sa huling sulyap, tumingin ako sa stage. Kumakanta pa rin siya at patuloy pa rin ang pagtili ng mga tao. Hanggang sa susunod, Delight Band.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD