DSECRET 17 (PART 3) Marahan na minulat ko ang aking mga mata, kasabay no'n ang pagliwanag nang aking paningin. Puting kisame habang sunod-sunod ang pagtunog ng isang makina mula sa aking tabi. "Anong nangyayari?" Tanong ko sa sarili bago pilit na binuhat ang katawan papa-upo mula sa hinihigaan. Nilibot ko ang aking paningin, lahat ng bagay ay kulay puti, amoy gamot ang buong lugar at maliwanag na sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana. "Na saan ako?" Muli kong tanong sa sarili bago tumayo sa kinakaupuan. Naglakad ako ng maraan at walang kahit anongg tnog na lumabas ng kwarto kung saan ako ng galing. Puno ng pasente ang buong lugar, may mga nurse na ginagawa ang kanikanilang mga trabaho, ang ibang pasyente naman ay kausap ang kani-kanilang mga bisita at ang iba naman ay kausap ang

