DSECRETS 09 “Sigurado ka ba na ayos lang na manuod ako?” may pag-aalinlangan kong tanong. Ito ang unang beses na manunuod ako sa practice ng isang banda. At sa mismong banda pa na iniidolo ko, pakiramdam ko ay ang swerte ko para makalapit sa kanila. “Yep! Ayos lang ‘yon, mas pipiliin nila kesa walang vocalistang kasama nilang magpractice,” natatawa niyang sabi. Napa-iling nalnag ako sa sinabi niya. Kung sabagay ay ang pinaka-imporanteng tao sa loob nang banda ay ang vocalista. Ilang minuto rin kaming nasa byahe, katulad nang sabi niya ay malapit lang ‘yon sa subdivision namin. “Dito ka nakatira?” tanong ko nang huminto kami sa isang malaking building. Marahan siyang tumango, “Yes, dito ako nag-rerent.” Diretso niyang sabi bago ngumiti sa’kin, “tara na?” Tumango ako. Hinawakan niya

