DSECRETS 10 Tumingin ako sa kisame ng kwarto at pinatay ang alarm clock na kanina pa nag-iingay. Hindi makapaniwala ng dahil sa isang tanong na ‘yon ay hindi ako makakatulog ng maayos. “Can I court you, Denise?” ulit ko sa sinabi niya. Palihim akong napangiti at tinabunan ang mukha ko ng unan bago ako nag-uumpisang magtitili sa kilig na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kiliti sa puso ko, at hndi nakatulog ng dahil sa isang lalaki. Bumango ako sa hinihigaan ko, dinampot ang cellphone kong naka-charge at tinignan kung may messages na galing sa kanya. At meron nga! Bago ko buksan ang message niya ay tinignan ko muna ang oras. 2:39 A.M, masyado ng late para reply-an ko. Lods Cholo: Just got home. Baka hindi kita mahatid ng umaga, may pinapagawa pa sa akin si Mana

