DSECRETS 11 Lods Cholo: I’m sorry, napahaba ang tulog ko. Hintayin mo nalang ako, papunta na ako. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago binaba ang cellphone sa lamesa sa harap ko. Sana pala ay hindi ko na siya pinauwi kaagad kanina, kung alam ko lang na walang klase. Me to Lods: Nandito ako sa McDo na kinainan natin kanina. Hintayin nalang kita. “Wala pa siya?” nag-aalala na tanong ni Dine bago kumuha sa bff fries na binili niya kanina. Tumango ako, “Na-istorbo ko ata ang tulog niya.” “Ayos lang ‘yan, tsaka nanliligaw naman siya sayo kaya may reason ka” natatawa niyang sabi. Nagkibit balikat ako. Parehas na wala pa ang kikitain namin, kaya heto kaming dalawa at naghihintay. “Sino ba ‘yang date mo?” usisa ko sa kanya bago tumingin ng kakaiba, “ikaw ah! Hindi ka nagsas

