DSECRETS 12 “Ang ganda ng mood mo ngayon, anak?” nakangiting bungad ni mama nang pumasok siya sa loob ng kusina, “Dahil ba ‘yan sa luto o dahil inlove ka na?” Mapanudyo nitong sabi bago ako sinundot sa tagaliran. Humaba ang nguso ko. “Hindi ko alam na maintriga ka na ngayon, ma.” Natatawa kong sabi. “Ngayon lang kita nakitang ganito. Simula kasi ng maghigh school ka ay palagi ka ng nakasimangot. Tsaka naalala ko ang sinabi mo nakaraan na may nanliligaw na sayo,” oo nga pala. “Pwede ba ma?” natatawang tanong ko. Baka ay magkaroon din ng pag-asa na magkaboyfriend ako, pero bago ‘yon ay gusto ko munang alamin ang status ni Cholo sa buhay. Ayaw ko na maghirap sa buhay ko. Gusto ko maranasan na kahit hindi ako magtrabaho ay may makakain ako at mabibili ang mga gamit sa mall na hindi na na

