DSECRET 13 Nakangiti akong pumasok sa room hawak ang isang Gucci bag na pinaglumaan ni Ma’am Chari. Hindi niya naman na ‘to ginagamit kaya naman hindi siya magagalit na ginamit ko ‘to, and besides ayos lang naman sa kanya ‘yon basta ay sa school ko ginagamit. “Gucci. Nice!” puri ni Abi bago ako lumapit sakin at nakipag-beso. “Luma na ‘to,” pag-amin ko. “Luma pa sa lagay na ‘yan ah?” hindi makapaniwalang sabi ni Ella bago tinignan ang bawat parte ng bag. Mula sa tahi, tatak at tela. Hindi ko maiwasan na mapailing sa ginagawa niya. Dumiretso ako sa likod nila at tumabi sa upuan ni Dine, kailangan namin mag-usap dalawa. “Akala ko bibili ka ng bagong phone this week?” tanong ni Ella na pumalibot sa upuan ko. Nagkibitbalikat ako, “Hindi na kailangan. Besides, bago pa rin naman ang cellp

