DSECRET 14 “Nasaan na ba ‘yon?” may halong pagka-irita kong tanong sa sarili habang tinatapon ang ibang gamit na nakakalat sa kama, “Kung kailan naman ako nagmamadali sa’ka pa sasabay ng ganito.” Mariin na pinikit ko ang aking mga mata at sinabayan ng buntong hininga bago dumampot ng isang damit. Bahala na! “Oh-my!” ang kaninang inis ay napalitan ng ngiti. Sabi ko na nga ba ‘to ang kailangan kong suotin. Isang white dress na may na hanggang siko ang sleeve. Mukhang babagay naman sa akin ‘to, at isa pa, maganda din ang tatak nito kaya hindi nakakahiya sa pupuntahan namin. Madalian na sinuot ko ang damit na napili ko at humarap sa salamin. Konting ayos lang ang kailangan ko, hindi naman ako marunong maglagay ng kung ano-anong kolerete sa mukha at sadyan kilay lang ang kaya kong idrawing

