DSECRET 16 (PART 2) “Hindi nga sabi ako tomboy!” inis na sabi ni Dine kay Gwayne habang nakasunod ang lalaki sa likod niya at panay ang sundot sa kanyang tagiliran. “Bakit gano’n ang sinabi ni Denise kanina?” tanong nito bago hinarangan ang daraanan ni Dine, “Kaya ba ayaw mo sa akin kasi hindi lalaki ang gusto mo?” tanong ulit nito. “Tigilan mo ako, Gwayne!” sabay tulak sa kanya ni Dine papalyo. Hindi ko maiwasan ang mahinang mapatawa habang tinitignan silang dalawa. Mukha silang magkasintahan na may pinagtatalunan, at sa sitwasyon nila mukhang si Dine ang guilty sa topic na pinag-aawayan nila. “Hindi ‘yon totoo ‘no?” nilingon ko ang nagsalita mula sa likod ko. Si Cholo. “Ano sa tingin mo?” natatawa kong pabalik na tanong sa kanila, “Alam mo ba hindi basta-basta na iinis si Dine sa m

