DSECRETS 16 (PART 3) “T-tomboy ka! Kaya pala hindi mo ‘ko magustuhan dahil babae din pala ang gusto mo,” suray-suray ang ulo na tugon ni Gwayne habang dinuduro si Dine na nakatingin lang sa pwesto niya at inaalalayan ang pagbagsak nang ulo niya, “Sinasabi ko sa’yo, Dine. Hindi mo makukuha sa kaibigan ko si Denise. Mas bagay silang dalawa kesa sa’yo.” “Oo na, manahimik at matulog ka nalang pwede ba?” may pagkairita na sa tugon ni Dine kay Gwayne. Hindi ko maiwasan ang pagngisi sa kanilang dalawa. Halata ang pag-aalala ni Dine para kay Gwayne, magkadikit na rin ang mga balat nila para alalayan siya at iniiwas na din niya ang alak na nakapaligid sa lamesa. “Gwayne, kanino pala bagay si Dine kung hindi siya bagay sa akin?” pagsasabay ko sa lasing. “Sa akin syempre!” proud na proud na sab

