DSECRET 17 “Dine, gising na, tinatawag na tayo sa cottage kanina pa.” paggising ko sa kanya habang marahan na niyugyog ang balikat niya. “Hmm, saglit lang, Denise.” Sabay tanggal nito nang kamay ko na nakakapit sa balikat niya at mabilis na nagtalukbong nang kumot, “Ina-antok pa talaga ako.” “Mag-aalas dose na nang tanghali inaantok ka pa rin?” tanong ko sa kanya bago tinanggal ang kumot na nakatabon sa buong katawan niya, “Bumangon ka na, Dine. O, papasukin ko si Gwayne na nasa labas ng kwarto natin ngayon para siya ang gumising sa’yo?” may halong pagbabanta ko. “Anong sabi mo?!” mabilis na napa-upo siya mula sa kinahihigaan at nilibot ang buong paningin sa bawat sulok nang kwarto at malalim na napabuntong hininga, “Babangon na ako, sabihin mo sa lalaki na ‘yon na ayaw ko siyang makit

