DSECRET 23 (ROMBLON DAY 3 PART 3.5) “Handa na ba kayong lahat?” natatarantang tanong ni Manager Love habang nililibot ang kanyang mata sa buong lugar. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Ang gabi kung kailan magkaka-alaman ang lahat. Ang buong lugar ay napapaligiran ng kakaibang aura ng mga kasali sa contest na ‘to at kasama na doon sila Cholo. Hindi nga lang halata dahil san aka-upo lang sila at nakatingin sa kani-kanilang mga cellphone. “Manager Love, mukhang ayos lang naman sila. Wag ka ng masyadong mag-alala,” pagpapakalma ni Dine dito. Hinila siya nito papa-upo sa isang silya kung saan ay napapagitnaan naming lahat. Rinig na mula sa loob ng kwarto namin ang sigawan ng mga tao sa labas. Lahat ay excited sa gaganapin na contest na ‘to at ang iba naman ay dumayo pa para supportah

