DSECRETS 23 (ROMBLON DAY 3 PART 3) "Tag war?" Bulaslas ko ng makita ang sampong naglalakihan na katawan ng mga lalaki ang bumungad sa amin, habang ang mga kababaihan naman ay walang tigil sa pagkuha ng litrato sa mga 'to. Paano ba naman ay tanging saplot lang nila ay ang trunks na bumabanat sa kanikanilang mga muscles sa hita. "Iniwan lang natin sila saglit, ganito na ang nangyari." Iiling-iling na sabi ni Dine bago kinuha ang cellphone ko at katulad ng iba ay kumuha rin ng litrato. Tinignan ko lang sila habang naglalaro. Katulad kanina gano'n pa rin ang groupings nila. 'Yon nga lang ay may mga na dagdag sa kanila para maging sampo sila. "Ahhh!" Sigawan nila habang binabanat ang lubid na kanya-kanyang mga hawak. Napa-iling nalang ako. Akala ko pa naman ay seryosong tao si Miguel, per

