Chapter 11

1530 Words
Chapter 11 "Ang mga amerikano iho ay sadyang mataas ang tingin sa family businesses, para sa kanila napaka halaga ng pamilya, So gusto kong isama mo si Angelo sa lakad mo na iyon." ang mahabang pahayag ng Chairman sa kanyang anak na si john. "But i can handle it." mabilis na pagtanggi ni john sa gustong mangyari ng Chairman. "Sundin mo ako! Sasabihan ko si Arthur na asikasuhin ang lahat." ang seryosong pagkasabi ng Chairman kay john. "Pero trabaho ko po ito, Ako na ang bahala." ang muling pagtangging sabi ni john sa gusto ng Chairman. "Ginagawa ko rin lang ang trabaho ko john, Tandaan mo hindi ko pa binibigay sa iyo ang Company." seryosong pahayag ng Chairman kaya natahimik na si john sa kanyang kinakatayuan. Inabangan ni Elaine sa paglabas ni Jaque sa office ng mansyon at mabilis niya itong hinila palayo sa labas ng office ng naka labas na itong mag isa. "Bakit Elaine? I'm very busy." ang mataray na tanong ni jaque ng bitawan na siya ni Elaine. "Sandali lang naman ang sungit mo talaga." pang pang aasar na pagkasabi ni Elaine sa tanong sa kanya ni jaque. "Ang lakas naman ng loob mo na kausapin ako ng ganyan, Wala kang respeto." galit na pagkasabi ni jaque dahil sa paraan ng pakikipag usap sa kanya ni Elaine. "Sinabi mo kasi na busy ka hindi ba? Kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy." ang pagpapaliwanag na sabi ni Elaine dahil sa sinabi sa kanya ni jaque. "Ano?" galit na tanong ni jaque dahil sa tono ng pananalita ni Elaine sa kanya. "Oo na po, I get it, nagkita na raw kayo ng pamilya ni Charlotte? siya ba ang nagyaya sayo? anong nangyari?" ang sunod sunod na tanong ni Elaine kay jaque. "Bakit gusto mong malaman? gusto mo rin silang makita?" ang mataray na tanong ni jaque kay Elaine. "Alam ko naman na hindi pwedeng mangyari iyon, but i need to know dahil magiging in-laws na nila ako." ang pagpapaliwanag na sabi ni elaine kay jaque. "Do you think magiging in-laws mo sila? Bakit? Ako naman ang nanay ni Angelo diba?" ang pang iinsultong pahayag ni jaque kay elaine. "Ang yabang mo naman, mag ingat kayo baka magsisi ka." ang pagbabantang sabi ni elaine kay jaque. "At bakit?" matapang na tanong ni jaque dahil sa pagbabantang sinabi ni elaine sa kanya. "Dahil baka ano ang gawin ni Angelo kapag nalaman niyang inaapi niyo ang mama niya." ang pagpapaliwanag na sabi ni elaine sa kanyang pinahayag kay jaque. "Tinatakot mo ba ako elaine?" ang mataray na tanong ni jaque sa naka ngising si elaine. "Ewan ko, ano sa palagay mo?" ang pang aasar pang sabi ni elaine kaya't lalong nainis si jaque sa kanya. "Huwag ka ngang ilusyunada." galit na pagkasabi ni jaque sa babaeng nasa harapan niya. "Ano?" gulat na pagkasabi naman ni elaine dahil nasabihan siyang ilusyunada. "You heard me, hindi porket tinawag kang Mrs. Morris ay iisipin mo na ikaw ang totoong asawa, tandaan mo lang hanggat nabubuhay ako kikilalanin ka pa rin na isang kabet and sisiguruhin ko rin hanggang doon ka lang, So are we clear?" ang mahabang pang iinsultong paliwanag ni jaque kaya hindi naka imik si elaine sa kanyang kinakatayuan at napapaluha na sa kanyang narinig. Tumalikod na si jaque sa naluluhang si elaine at tuluyan na itong umalis ng mansyon kaya napa upo nalang si elaine sa upuan na malapit sa kanya at tuluyan ng umiyak dahil sa mga natanggap niyang mga masasakit na salita mula sa legal wife ng Chairman. May idial na numero si elaine habang naka upo ito at patuloy sa kanyang pag iyak dahil paulit ulit umiikot ang mga masasakit na salita sa kanyang isipan. "Bag ng ibang babae, bahay ng ibang babae at asawa ng ibang babae, napaka lungkot ng buhay niya kasi ang gusto niyang buhay ang buhay ng ibang babae siya ang aking...." ang sinusulat ni angelo sa kanyang notebook habang hindi pinapansin ang tumatawag sa kanya hanggang sa kusa nalang itong namatay kaya kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya ang missed call galing sa kanyang ina. Malungkot naman na naka upo sa sahig si elise sa tapat ng kama ng kwarto habang Kausap niya ang kanyang ina sa kabilang linya. "Mama si elise ito, nag alala po ba kayo sa akin? pasensya na po naninibago pa po kasi ako sa amerika, English lang ang alam nilang salita, Alam niyo si ate...tumangkad pa siya ng kaunti tsaka medyo nangitim ang balat niya lagi po kasi maaraw sa california, grabe talaga po palang mainit dito, nandito po ako sa bahay ni ate yung tipo ng bahay na may magandang bakuran at walang bakod ang bahay nila at meron din silang land lower, sa ganoong bahay sila naka tira, huwag niyo po akong alalahanin okay lang po ako basta kumain at magpahinga po kayo ng mabuti ha ma, tatawag nalang po ulit ako ingat po kayo diyan." mahabang madamdamin na pahayag ni elise sa kanyang ina na nasa pilipinas habang naiiyak na ito sa kanyang kinauupuan dahil miss na miss na niya ang kanyang pinaka mamahal na ina. Tahimik naman na nasa pintuan si Angelo habang nakikinig siya sa mga pinahayag ni elise sa kanyang ina habang pinagmamasdan ang naluluhang si elise at nakaramdam ito ng awa sa kanya kaya tuluyan na itong pumasok sa kwarto ni elise. Gulat na tumayo si elise ng makaramdam siyang may biglang pumasok sa kanyang kwarto kaya't mabilis itong lumingon sa may pintuan at nakita niya si angelo. "Bakit? Hindi kaman lang kumatok." ang gulat na tanong ni elise kay angelo ng nasa harapan na niya ito at mabilis naman na kumatok si angelo sa pintuan dahil sa sinabi ni elise sa kanya. "Dapat kumatok ka muna, alam kong bahay mo ito pero..." napahinto si elise sa kanyang pangangaral ng biglang iharap ni angelo ang isang platito na may laman na special sandwich kay elise. "Ano yan?" takang tanong ni elise sa inaabot sa kanya ni angelo habang pinagmamasdan ang nasa platito. "Wala bang sandwiches sa pilipinas?" masungit na tanong ni angelo kaya't nahihiyang kinuha ni elise ang sandwich na inabot sa kanya. "Salamat." ang nahihiyang pasasalamat ni elise kay angelo. "Huwag kang magpasalamat mabuti iyan para sa kidney mo." pang aasar na pagkasabi ni angelo kaya natakot si elise sa kanya. "Tama na nga." natatakot na pagpapatigil ni elise sa naka ngising si angelo. "Ang husay mo rin palang mag sinungaling." pang aasar pang sabi ni angelo habang naka ngiti itong naka tingin sa naka yukong si elise dahil sa hiya. "Kailangan ee kasi.... Bakit mo nasabi iyon? Pinakinggan mo ako?" gulat na tanong ni elise ng mapag tanto niya ang sinabi ni angelo sa kanya. "Hindi kasi ako sanay na may babae sa bahay." ang mahinahon na pagpapaliwanag ni angelo sa tanong sa kanya ni elise at napatingin ito sa perang nakapatong sa side table ng kama. "Teka para saan iyon?" takang tanong ni angelo sa kanyang nakita sa side table. "Para sa tawag ko." maikling sagot ni elise dahil sa tanong sa kanya ni angelo. "Kung gumastos ka parang walang bukas ha." ang pagkokomento ni angelo sa ginagawa ni elise na pagbabayad sa anumang ginagawa niya sa loob ng bahay ni angelo. "Sayo nalang ito, balak ko sanang isabit sa magiging bahay ko dito sa amerika." ang nahihiyang alok ni elise sa kanyang dala galing sa pilipinas at inabot niya ito kay angelo. "Baka naman basura mo lang talaga ito, ano ba ito?" ang pang aasar na sabi ni angelo kaya nainis si elise sa kanyang narinig. "Dream Catcher, hinuhuli niya ang masamang panaginip para magagandang panaginip lang ang papasok." ang mahinahon na pagpapaliwanag ni elise sa kanyang binigay kay angelo. "Pati mga magagandang babae?" naka ngisi pang tanong ni angelo kaya lalong nainis si elise dahil sa kanyang pinagsasabi. "Akin na nga ulit iyan." naiinis na pag aagaw ng dream catcher ni elise ngunit mabilis iniwas ni angelo ang dream catcher sa kanya. "Matulog kana at ubusin mo yan para mas lumusog ang kidney mo." pananakot pang pagkasabi ni angelo kaya't biglang nakaramdam ng takot si elise. "Huwag mo na nga akong takutin." natatakot na paki usap ni elise kaya't natawa si angelo at umalis na ito sa harapan ni elise habang hawak hawak ang dream catcher. "Baka may lason ito." pagsusuring mabuti ni elise sa sandwich na binigay sa kanya ni angelo bago niya ito kinain. Tumungo si angelo sa maindoor ng kanyang bahay at doon isinabit ang dream catcher na ibinigay sa kanya ni elise. Masaya naman pinagmasdan ni angelo ang naka sabit na dream catcher sa maindoor at ilang sandali lamang tumungo na ito sa pool habang may hawak hawak na sandwich para sa kanya. Umupo sa sofa si angelo na nasa harapan ng pool at napabaling ang kanyang tingin sa wall glass na kwarto ni elise dahil sa ginagawa nitong pagbubuhat ng upuan at dinadala sa pintuan upang hindi siya mapasukan kaya napatawa si angelo sa kanyang nakikita. "Grabe naman sana hindi ko nalang siya pinakain." natatawang sabi ni angelo sa kanyang sarili dahil sa kinikilos ni elise at napa iling nalamang ito at nagpasyang pumasok na sa loob upang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD