Chapter 10
Biglang bumukas ang ilaw ng kusina habang tahimik na kumakain si elise kaya't napa pikit ito sa hiya na kanyang nararamdaman dahil nahuli siya ni angelo.
"Ano yan? Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ni angelo habang naka sandal ito sa wall malapit sa pintuan ng kusina at naka tingin sa ginagawa ni elise.
"Sorry kung hindi ako nag paalam pero kinain ko na ang malapit na mag expired tsaka ito ang bayad ko." ang mahabang paliwanag ni elise at ipinakita niya ang perang inilapag niya sa lamesa kanina bago siya kumain.
Mabilis naman lumapit si angelo sa kinakatayuan ni elise at isa isang tinignan ang expiration date ng mga pagkain na kinain niya.
"Bakit mo pa kinain ang expired na?" inis na tanong ni angelo dahil sa ginawa ni elise na hindi makuhang maka tingin sa kanya dahil sa hiya.
"Kasama rin ito sa binayaran ko." nahihiyang sabi ni elise sa hawak nitong can soft drink at mabilis siyang tumalikod kay angelo.
"Teka." pagpigil na sabi ni angelo sa papa alis na si elise sa kusina kaya't napahinto naman si elise sa kanyang paglakad at dahan dahan na humarap kay angelo.
"Saan ka pupunta? Linisin mo muna ito." seryosong tanong ni angelo sa nahihiyang si elise.
"Ah Oo." ang mahinang sagot ni elise na hindi maka tingin kay angelo dahil nahihiya parin ito.
"Paano ba kayo nag rerecycle?" nahihiyang tanong ni elise habang naglilinis ito ng pinagkainan niya habang pinagmamasdan siya ni angelo kaya't hirap itong kumilos.
"Hindi ko alam hindi ko ginagawa iyon ee, ano bang pangalan mo?" mahinahon na tanong ni angelo habang pinagmamasdan niyang mabuti si elise.
"Ano?" gulat na tanong ni elise at takang naka tingin ito kay angelo.
"Anong tawag sayo ng mga ibang tao." ang mahinahon pang pagpapaliwanag ni angelo sa kanyang tanong kay elise ngunit hindi niya ito sinagot.
"Nakalimutan kong magpa salamat dahil pinatuloy mo ako sa bahay mo." pang iiba na sagot ni elise sa tanong sa kanya ni angelo.
"Ang haba naman ng pangalan mo." ang seryosong pagkasabi ni angelo kay elise na tahimik sa kanyang kinakatayuan.
"Huwag kanang magpa salamat ginawa ko lang ito bilang kapalit, kapalit ng bean powder mo, diba para sa ate mo iyon?" paniniguradong tanong ni angelo sa nakatulala na ngayon na si elise kaya't umalis na ito sa kusina na iniwan naka tulala si elise sa kanyang kinakatayuan.
Magkasama ang President na si john at ang vice president na naglalakad sa loob ng company habang pinag uusap ang tungkol sa paglipad papuntang US ni john para sa kanilang negosyo.
"Ito na ang guess list ng family party, 51 attendees kasama na ang pamilya nila." mahinahon na paliwanag ng vice pres. habang inaabot ang folder ngunit hindi kinuha ni john at tinitigan lang iyon kaya't muli itong nagsalita.
"May soft copy rin kayo sa email ninyo." mahinahon pang dagdag na pahayag ng vice pres. sa seryosong si john.
"Kung inemail muna pala sa akin bakit mo pa ako binibigyan ng hard copies?" masungit na pagtatanong ni john sa vice pres.
"Nasanay kasi ako kay Chairman, sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa byahe ninyo." mahinahon na paliwanag pa ng vice pres. kay john.
"Bakit hindi ko ba kayang sabihin iyon sa kanya? You know minsan iniisip ko kung sino talaga ang tinuturing at kinikilala mong amo, Ako ba o ang Father ko?" ang seryosong tanong ni john sa vice pres. na kanyang kasama
"I work for the empire group." ngiting tipid na sagot naman ng vice pres. sa tanong sa kanya ni john
"It's that so?" masungit na paniniguradong tanong ni john na may matalim na tingin sa vice pres.
"Mr. President sa itsura niyong iyan para kayong lalaking nagagalit sa girlfriend niyong two timer." naka ngising sagot ni vice pres kay john na naiinis sa kanyang kinakatayuan
"Mali iyang iniisip mo, pinapayuhan lang kita na huwag masyadong maging tapat sa iisang amo dahil baka mapahamak ka rin kapag tuluyang mag retired ang chairman." ang seryosong pagbabanta na sabi ni john ngunit napa ngisi lang ang vice pres. dahil sa sinabi niya.
"Thank you sir may iba pa ba kayong advice?" naka ngiting tanong naman ng vice pres kay john.
"Hindi ka man lang natakot? Im sure tinuro din iyan sa iyo ng Father ko." inis na pagkasabi ni john sa naka ngising vice pres. kaya't inis itong umalis sa harapan niya at yumuko naman ang vice pres. bilang pag galang sa President.
Nasa mansyon ang Legal wife ng Chairman kaya't magkasama silang naka upo sa sofa sa Malaking office ng mansyon habang nag uusap.
"Ngayon ko nauunawaan kung gaano kahalaga ang ating kalusugan kaya alagaan mo ang sarili mo, kumain ka ng mga masustansya." panimulang pahayag ng chairman sa kanyang legal wife.
"Huwag mong pilitin na maging mabait sa akin dahil ikaw ay hinding hindi ko bibigyan ng divorce." mataray na pahayag ng asawa ng chairman kaya't napatawa ito.
"Hahaha hindi ko naman sinabi na hiwalayan mo ako, hindi ba ikaw ang nag desisyon na patirahin mo rito ang nanay ni angelo." pagpapa alalang sabi ni chairman sa kanyang asawa.
"Wala na akong nagawa noon, kahihiyan at iskandalo ang pinag gagagawa niya kaya kailangan siyang itago." mahabang pagpapaliwanag ng asawa ng chairman.
"Alam ko jaque at ako lang ang may kasalanan nito." ang mahinahon na pahayag ng Chairman sa kanyang asawa.
"Buti naman alam mo, pero hindi parin kita hihiwalayan kaya ko siya kinulong dito para talaga masiguro ko na hindi na siya gagawa ng anumang kalokohan." seryosong pahayag ni jaque kay Chairman na tumatawa na ngayon.
"Hahaha You know what ang mga tao habang tumatanda lumalambot pero ikaw hindi ka nagbabago." ang naka ngiting pagkasabi ng Chairman sa kanyang asawa.
"Siguro dahil hindi ako nagka anak." ang mahinahon na sagot ni jaque dahil sa sinabi sa kanya ng Chairman.
Mag isang nakikinig Si elaine na ina ni angelo sa harapan ng pintuan ng office sa mansyon dahil alam niyang magka usap ang mag asawa ngayon sa loob.
"Ano ba ang pinag uusapan nila?" inis na tanong ni elaine sa kanyang sarili dahil hindi niya marinig ang pinag uusapan ng mag asawa sa loob kaya't itinapat ang kanyang tenga sa pintuan ngunit napahinto ito sa kanyang ginagawa ng mahuli siya ni John na kadarating lamang sa mansyon.
Ngumiti ng tipid si elaine ng naka tayo na ito ng tuwid dahil sa hiya niya sa seryosong mukha ng lalaking si john na naka tayo sa kanyang harapan.
"Hindi, hindi ka nila pinag uusapan, ako, tungkol na naman sa akin." ang natatarantang paliwanag ni elaine sa walang reaksyon na si john na unti unting lumalapit sa harapan ng pintuan at bubuksan na sana ni john ang pintuan ngunit mabilis na kumatok si elaine.
"Nandito na si john." sigaw na sabi ni elaine upang marinig siya sa loob at muli itong humarap kay john.
"Pumasok kana nandiyan na ang mother mo." naka ngiting sabi ni elaine at tumalikod na kay john para umalis na sa kinaroroonan nito.
"Wala akong mother sa bahay na ito." ang sagot ni john kaya napahinto si elaine sa kanyang pag alis at muli itong humarap kay john na bubuksan na sana ang pintuan ngunit pinatapos muna niyang mag salita si elaine.
"Oo na, sige, yung babaeng nagpalaki sayo ang yaya mo nandiyan siya." inis na sagot ni elaine dahil sa sinabi sa kanya ni john.
"Nakikinig ka parin ba?" paniniguradong tanong ni john sa naiinis na si elaine.
"Hindi, hindi na aalis narin ang yaya na ito." ang inis na sabi ni elaine habang tinuturo ang kanyang sarili at inis itong tuluyan ng umalis kaya pumasok na si john sa loob ng office
Pagpasok ni john sa loob ng office lumapit ito sa kinauupuan ng kanyang ama habang naka harap kay jaque na nagpalaki sa kanya at ang pag angat naman ng ulo ni jaque at tinitigan si john na naka tayo sa tabi ng Chairman.
"Long time no see." naka ngiting sabi ni jaque sa kadarating lang na si john
"Napadalaw ka?" walang reaksyon na tanong ni john sa babaeng nagpalaki sa kanya.
"Wala kang pinagbago hindi ka parin marunong mangamusta, John ako ang nag alaga sayo ng sampung taon hindi kita minahal pero hindi naman kita pinabayaan huwag mo akong tratuhin na parang madrasta lang." ang mahabang pahayag na sabi ni jaque sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan na si john.
"Well I'm sorry pero ito lang ang maisusukli ko sa pagpapalaki mo sa akin." walang emosyon na pagkasabi ni john sa babaeng nasa harapan niya.
"Aba wala ka talagang..." galit na sabi ni jaque ngunit biglang nagsalita ang Chairman.
"Pwede ba tumigil na kayong dalawa." inis na pagsuway ng Chairman sa dalawang nagbabangayan sa kanyang harapan.
"Aalis na ako." ang pagpapaalam ni jaque sa kanyang kasama sa loob ng office
"Hindi na kita ihahatid." ang seryosong pagkasabi naman ng Chairman kaya't tumayo na si jaque at tuluyan ng umalis sa office at pabagsak niyang sinarado ang pintuan dahil sa inis.
"So balita ko pupunta ka sa amerika?" ang panimulang tanong ng Chairman sa kanyang anak nang sila nalang dalawa ang nasa office.
"Yes." maikling sagot ni john sa naka upo niyang ama.