Chapter 9

1523 Words
Chapter 9 "Nakita mo yon?" gulat na tanong ni elise kay angelo na nakatingin sa kanya. "Hindi lahat, Gusto mo parin bang tumira sa bahay niya pagkatapos non?" takang tanong ni angelo habang hindi maka tingin ng tuwid si elise sa kanya. "Hindi muna siguro dapat pinoproblema iyon, At tulad ng sinabi ko ako ang biktima sa nangyaring g**o kanina kaya sana ihatid mo ako sa ate ko, sagot ko na ang gas." pagmamakaawang pahayag ni elise kaya't napa tawa si angelo dahil sa huli nitong sinabi. "Parang lahat ng gusto mo tinatapatan mo ng pera, mayaman kaba?" seryosong tanong ni angelo kaya't napayuko na naman si elise sa hiya. "Kasi kailangan ko lang ng tulong, please lang." pagmamakaawang sabi ni elise habang naka yuko habang tinititigan siya ni angelo na naaawa na sa kanya. Hinatid naman ni angelo si elise gaya ng paki usap nito sa kanya gamit ang kanyang mamahalin na kotse na kulay red. Gabi na ng marating nila ang bahay na tinutuluyan ng ate ni elise at sa pag hinto ng sasakyan ni angelo sa tapat ng bahay mabilis lumabas ng kotse si elise at maingat na ibinaba ang kanyang maleta at iba pang mga gamit. "Alas otso ng umaga, alasdose atsaka alastres, tatlong beses kitang tatawagan, kapag nasayo na ang passport sagutin mo kung wala pa huwag na, okay lang ba iyon?" mahabang pahayag ni elise ng maka baba na ito ng kotse habang seryoso niyang tinitigan si angelo na nasa driver seat. "Haa ibang klase ka talaga." mahinang sabi ni angelo ng nag iwas na ito ng tingin kay elise at napa buntong hininga nalang siya. "Salamat hinatid mo ako." ang pasasalamat ni elise kay angelo at tumalikod na ito at tumungo na sa harapan ng pinto ng bahay at mabilis na nag doorbell. "Ate Eliza?" ang pagtawag ni elise sa kanyang ate at sunod sunod pa itong kumatok sa pintuan at nagpalinga linga pa sa paligid ng bahay upang tignan ang kanyang ate. Ngunit ilang beses na itong kumakatok at tumatawag sa kanyang ate ngunit walang sumasagot sa kanya kaya't patingin tingin na nahihiya ito kay angelo na hindi parin umaalis sa kanyang kinaroroonan habang hinihintay niya itong makapasok sa loob ng bahay. Sa ilang minuto na pag aantay ni angelo na maka pasok ng bahay si elise nagpasya itong bumaba ng kanyang kotse dahil wala pang nagbubukas ng pintuan. "Sigurado ka bang may tao diyan?" paniniguradong tanong ni angelo ng naka baba na ito sa kanyang kotse at nahihiyang humarap si elise sa kanya. "Babalik din sila." pangungumbinsing sagot ni elise sa tanong sa kanya ni angelo. "So maghihintay ka rito sa labas?" paninigurado pang tanong ni angelo kay elise. "Maya maya lang darating narin si ate." pangungumbinsing muli na sagot ni elise kay angelo. "Hindi mo ba alam ang nangyayari dito sa daan kapag gabi?" seryosong sabi ni angelo kay elise. "Huwag mo akong takutin." natatakot na pagkasabi ni elise kay angelo. "Sa tingin mo ba babalik pa siya rito pagkatapos niyang kunin ang pera mo?" seryosong tanong ni angelo kaya't nalungkot ang pakiramdam ni elise sa kanyang narinig. "Babalik siya." pagpupumilit na sabi ni elise kay angelo habang naka yuko ito. "Bahala ka maghintay ka diyan." seryosong pagkasabi ni angelo at tumalikod na ito kay elise at sumakay na siya sa kanyang kotse at umalis na kaya't umupo na si elise sa harapan ng bahay. Ilang sandali lang may limang mga kalalakihan na napadaan kung nasaan naka upo si elise kaya't takot na nagtago ito sa isang sulok upang hindi siya makita at mapag tripan ng mga ito. Hanggang sa tuluyan na silang nakalayo kaya't mabilis na tumayo si elise at kinuha ang kanyang maleta at patakbong pumunta ng daan para maka alis sa kanyang kinaroroonan. Mabilis bumalik si angelo kung saan niya iniwan si elise at nakita niya itong naglalakad paalis na ng bahay kaya't huminto si angelo sa tapat ni elise habang naglalakad ito sa gilid ng daan at tulak tulak nito ang kanyang maleta. Napahinto naman si elise sa kanyang paglalakad ng may naramdaman siyang humintong kotse sa kanyang tapat at takot itong dahan dahan na lumingon upang tignan kung sino ang nasa kanyang tapat. Paglingon ni elise gulat ito ng makita niya ang seryosong mukha ni angelo na naka tingin sa kanya. "Gusto mong sumama sa akin?" pag alok na tanong ni angelo sa takot na si elise. "Mas ligtas ba ako kung sasama ako sayo? Baka hindi naman." natatakot na tanong ni elise kay angelo. "Hindi ko alam kung mas ligtas ka doon sa bahay ko, pero sigurado akong mas maganda iyon kaysa dito, So sasama kaba o hindi?." muli pang tanong ni angelo kaya't nag isip si elise bago tuluyan na sumama kay angelo sa kanyang bahay. Ligtas naman nakarating sina elise sa mansyon na tinitirhan ni angelo at nasa maindoor na sila madalim ito sa loob at ng pumasok si angelo biglang nagsindihan lahat ng mga ilaw kaya't Napatulala si elise sa kagandahan ng buong bahay at mangha itong pinagmamasdan ang kabuuan nito. Tuloy tuloy na bumaba ng hagdanan si angelo dahil sa taas ang maindoor ng kanyang bahay kaya't pababa ito sa hagdanan at inilapag nito ang bag na kanyang dala sa lamesa sa malaking sala nito at tumungo ito sa kanyang kusina at naiwan na tulala si elise na pinagmamasdan parin ang buong bahay. Mabilis na binuhat ni elise ang kanyang maleta para bumaba narin ng hagdanan patungo sa sala ng matapos niyang pinagmasdan ang paligid ng bahay ni angelo. Pagkababa naman ni elise sa sala ang pag labas naman ni angelo galing sa kusina at may hawak hawak na itong isang can pineapple juice at umupo na ito sa malaking sofa ng sala. "Ang pamilya mo? hindi mo sila kasama?" takang tanong ni elise ng makalapit ito sa kinaroroonan ni angelo. "Hindi." maikling sagot ni angelo sa tanong ni elise sa kanya. "Mag isa ka lang dito sa bahay?" takang tanong pang sabi ni elise na hindi maka paniwala sa laki ng bahay ay iisang tao lang ang naka tira. "Oo masama ba iyon?" masungit na sagot ni angelo sa tanong sa kanya ni elise. "Teka sino kaba?" nagtatakang tanong ni elise kay angelo na naka upo sa sofa habang umiinom ng pineapple juice. "Anong sino?" takang tanong ni angelo dahil sa tanong sa kanya ni elise. "Ano ka? Dr*g dealer?" paniniguradong tanong ni elise kay angelo. "Ano?" gulat na tanong ni angelo dahil sa tanong sa kanya ni elise. "Ano po ba ang trabaho niyo sir? Baka sindikato kayo ha." takot na pagtatanong ni elise kay angelo. "At bakit mo naman nasabing dr*g dealer ako?" seryosong tanong ni angelo na hindi maka paniwala na nasabihan siya ng dr*g dealer. "E paano kasi kilala ka ng pulis kanina atsaka iyong kaibigan mo parang tuwang tuwa siya nung sininghot niya iyong bean powder para siyang adik." natatakot na pagpapaliwanag ni elise kaya't tumayo si angelo. "Oo totoo, kaya lang sa palagay mo ba dr*gs lang ang binebenta ko? Yung lalaking kumuha ng passport mo sigurado kang pulis siya? Dalawa pa ba ang kidney mo?" pananakot na tanong ni angelo habang lumalapit ito kay elise at takot na pa urong naman ito. "Binabalaan kita kapag lumapit kapa sa akin ah ah." takot na takot na sabi ni elise ng napa sandal ito sa isang pintuan ng kwarto kaya't hindi na ito maka atras pa ng lakad kaya na corner siya ni angelo na naka ngisi. "Yan ang room mo." naka ngiting sabi ni angelo sa takot na takot na elise. "Ha?" takang tanong ni elise dahil sa sinabi ni angelo sa kanya. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka." naka ngiti pang sabi ni angelo at binuksan na niya ang pintuan para sa matutulugan ni elise at umalis na ito sa harapan niya na gulat na gulat parin. "Bakit ba gustong gusto niyang tinatakot ako?" inis na sabi ni elise sa kanyang sarili at nagbuntong hininga siya bago tuluyan na pumasok sa kwarto. Pagod na umupo si elise sa malambot na kama na nasa kwarto at tinanggal ang kanyang sapatos na suot at hinilot ang kanyang paa dahil sa pagod sa lahat ng nangyari sa buong araw niya. Ilang sandali lamang na pagkaupo ni elise naka ramdam siya ng gutom dahil buong araw siyang hindi kumain dahil sa kaka hanap sa kanyang ate kaya nagpasya siyang lumabas ng kwarto. Dahan dahan binuksan ni elise ang pintuan ng kwarto at sumilip muna ito sa labas kung gising pa si angelo at ng makita niyang madilim na sa sala dahan dahan siyang lumabas ng kwarto at tahimik na naglakad patungo sa kusina. Nasa taas si angelo habang may inaayos itong mga gamit at bigla siyang napa hinto sa kanyang ginagawa ng may marinig siyang mga kaluskos galing sa ibaba kaya't mabilis itong nagmasid sa ibaba at nakita niyang dahan dahan na naglalakad si elise patungo ng kusina. Dahan dahan naman binuksan ni elise ang refrigerator at pumili siya na pwede niyang makain ngayon gabi at maingat niyang inilapag sa lamesa sa kusina ang pagkain na kanyang napili at tahimik itong kumain habang nakapatay ang ilaw ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD