Chapter 8

1527 Words
Chapter 8 Tinatawag ni angelo ang kanyang kaibigan upang patigilin ito sa pagtakbo ngunit hindi siya nito pinakinggan at tuwang tuwa pang nakikipag habulan kaya't ilang ulit napapabuntong hininga si angelo dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang kaibigan. Pinagpatuloy naman ni elise na habulin ang lalaki upang bawiin ang kinuha nito sa kanya dahil gawa iyon ng kanyang mahal na ina. "Magnanakaw hoooyyyyy, Akin na yan, ibalik mo sa akin yan." galit na sigaw na sabi ni elise habang tumatakbo itong hinahabol ang lalaki. Sa kakatakbo ng lalaki napunta siya sa mga nag babadmenton sa gitna at hindi niya napansin ang net dahil nakatingin ito kay elise habang tumatakbo kaya't bigla siya natumba dahil sa kalakihan niya nasagi niya ang net kaya't napahiga ito sa buhangin ng beach habang hawak hawak nito ang kinuha niya kay elise. Kaya't naabutan siya ni elise na hingal na hingal sa kanyang paghinto na galit na lumuhod sa buhangin upang agawin ang kinuha ng lalaki sa kanya. "Sabing akin na yan ee, pinag hirapan gawin ng nanay ko yan, ibalik mo sa akin yan." galit na sigaw na utos ni elise sa lalaki habang inaagaw niya ang beans powder na pinaghirapan gawin ng kanyang ina habang pinagtitinginan na sila ngayon ng mga tao na nasa beach. Ngunit ayaw bitawan ng lalaki ang beans powder kayat nagpatuloy sila sa pag aagawan nito ngunit biglang nasira ang plastic ng beans powder at natapon lahat ang laman kaya't nanlaki ang mata ni elise dahil sa pagkatapon ng beans powder na gawa pa ng kanyang ina sa katawan ng nakahigang lalaki. Mabilis inamoy ng lalaki ang kanyang kamay na nalagyan ng beans powder at ilang sandali lang nag uubo na ito at nag simula ng nahirapan huminga at patakbo naman na lumapit si angelo sa kanyang kaibigan na naka higa habang hirap ito sa paghinga. "Hey jay, jay hey wake up, wake up jay, gumising ka!" natatarantang sabi ni angelo sa kanyang kaibigan at mabilis na tumingin sa tulalang naka upo na si elise sa tabi ng lalaki. "Ang cellphone mo? Tumawag ka sa 911." mabilis na utos ni angelo kay elise. "Wala akong cellphone." nanginginig na sagot ni elise kay angelo na hawak hawak ang kanyang kaibigan na wala ng malay. "Kababayan kita?" gulat pang tanong ni elise sa natatarantang si angelo. "Importante ba iyon ngayon?" inis na pagsagot ni angelo sa gulat na si elise. "Jay? Jay, jaaaayyy." sigaw na pagtawag nito sa kanyang kaibigan na walang malay. Mabilis na dinala sa hospital ang kaibigan ni angelo na kasalukuyan kausap ng doctor ngayon si angelo. "The patient is in shock caused by an allergy, I guess it was a reaction to the powder." pagpapaliwanag ng doctor kay angelo habang seryoso itong nakikinig sa paliwanag nito. "Oh yeah beans." ang mahinahon na sagot ni angelo sa doctor na kausap niya. "Oo bean powder kasi ang laman ng plastic na iyon." mabilis na sabi ni elise dahil sa narinig niyang bean kay angelo. "Alam ko." masungit na sagot ni angelo kaya't natahimik nalang si elise sa kanyang kinakatayuan at tahimik nalang na nakikinig. "What is he gonna wake up?" seryosong tanong ni angelo sa doctor "Well we gave him the medicine so let's see he'll be okay, please follow me you'll have to fill up some papers." ang pagpapaliwanag ng doctor kay angelo. "All right." mabilis na pag sang ayon ni angelo sa sinabi ng doctor. "Gagaling ba ang kaibigan mo?" mahinahon na tanong ni elise kay angelo. "Bakit ba kasi may dala kang ganon sa bagahe mo?" inis na tanong ni angelo kay elise na hindi maka paniwala na siya pa ang sinisi sa nangyari. "At sa akin kapa magagalit ngayon? pinagtangkaan akong nakawin ng kaibigan mo, at mukhang adik din." napahinto si elise sa kanyang sinasabi dahil biglang nagsalita si angelo. "Naka inum lang si jay kanina, at kung adik nga siya malalaman niya agad na bean powder lang iyon at hindi dr*gs." inis na paliwanag ni angelo kayat lalong nanlaki ang mata ni elise dahil hindi siya maka paniwala na siya pa ang sinisi. "Kaya ako ang sisisihin mo sa nangyari? Ganon? Baka nakalimutan mo na ako ang biktima rito." paniniguradong tanong ni lucy kay angelo. "Pero ako ang naperwisyo niyo." galit na pagkasabi ni angelo at mabilis itong tumungo sa kinaroroonan ng doctor at naiwan naman na gulat na hindi parin maka paniwala si elise sa nangyayari na kinasakit ng kanyang ulo. May lumapit na isang lalaking pulis sa kinaroroonan ngayon ni elise na mag isang nasa labas ng hospital. "Is this yours?" baritonong boses ang nagpa angat sa tingin ni elise at nakita ang isang lalaking pulis na nasa kanyang harapan habang nakataas ng kaunti ang hawak nitong plastic na nasa loob ang bean powderna kaninang pinag aagawan nila ng lalaki. "Bean powder, you know it just food my point is it's not a dr*g." nahihirapan na paliwanag ni elise dahil hindi ito masyadong marunong mag salita ng english at sinasabayan pa ng action ang kanyang pinapaliwanag sa pulis na nasa kanyang harapan. "Well we need to look into that, people don't normally eat through their nose do they, What's your address?" ang paliwanag at tanong ng pulis kay elise. "What?" takang tanong ni elise sa lalaking pulis na kausap niya. "Your address?" pag uulit pang tanong ng pulis kay elise. "Address ko? Im from philippines im pinay." pagpapaliwanag nito sa lalaking pulis. "Philippines, Let me see your passport, you were young are you underage?" ang utos ng lalaking pulis habang pinagmamasdan mabuti ang mukha ni elise. "Pardon." ang sabi ni elise sa lalaking pulis dahil hindi niya maintindihan ang mga pinag sasabi nito sa kanya. "Passport!" pag uulit pang sabi ng lalaking pulis kaya't naintindihan na ni lucy ang kanyang tinutukoy kaya't mabilis niyang kinuha ang kanyang passport sa bag pack na kanyang suot at inabot ang passport niya sa pulis. "ah yeah illegally are you." ang sabi ng lalaking pulis kay elise ng matapos icheck ang passport niya. "Anong sinasabi niya? hindi ko siya maintindihan." pabulong na tanong ni elise sa kanyang sarili. "More slowly please?" ang paki usap ni elise sa lalaking pulis dahil sa bilis nitong magsalita at hindi niya talaga ito maintindihan. Biglang dumating naman si angelo at mabilis niyang inakbayan si elise na ikinalaki ng kanyang mata dahil sa pagkagulat sa ginawa ni angelo. "It's okay baby." pagkukunwari na naka ngiting sabi ni angelo habang naka akbay ito kay elise. "She's my girlfriend just here for a bit." pangungumbinsing pagkasabi ni angelo sa lalaking pulis. "Hey Angelo, Long time no see, Ofcourse you were involved." naka ngising pagkasabi ng lalaking pulis kaya't napa buntong hininga si angelo. "Whatever, those aren't trucks anyway, you know that?" inis na pagkasabi ni angelo sa lalaking pulis. "Even if I thought it wasn't, now that you're involved, I can't think that way anymore, don't you think?" naka ngising pagkasabi ng lalaking pulis kay angelo na naiinis sa kanyang kinakatayuan. "Ano raw? Meron daw bang problema?" nagtatakang tanong ni elise dahil sa wala itong maintindihan sa kanilang pinag uusapan habang nag aalala itong naka tingin kay angelo na naiinis na. "Look, until we get the results Im keeping your girlfriend's passport, You better not run away." ang huling pahayag ng lalaking pulis at may inabot itong isang maliit na papel kay elise bago tuluyan na umalis sa kinaroroonan nila ni angelo. "Teka lang, Ano ba ang nangyayari? Bakit niya kinuha ang passport ko? Kailan niya ibabalik iyon?" naguguluhan na tanong ni elise kay angelo na tahimik na sa kanyang kinakatayuan. "Kapag pwede na." mabilis na sagot ni angelo sa tanong ni elise sa kanya. "At kailan naman iyon?" nagtatakang tanong ni elise kay angelo. "Kapag sinabi niyang pwede na." masungit na sagot ni angelo kaya't napa buntong hininga si elise dahil sa kakaunting sinasagot nito sa kanya. "Sumagot ka nga ng maayos! Kailan niya ibabalik ang passport ko?" naiinis na pagtatanong muli ni elise kay angelo. "Teka wala kang galang magsalita ah." seryosong pagkasabi ni angelo kaya't napayuko si elise. "Ahm Diba sa amerika casual lang makipag usap sa lahat." nahihiyang tanong ni elise kay angelo. "Kapag english ang salita mo." mabilis na sagot ni angelo sa tanong ni elise sa kanya. "Isipin mo nalang na nag eenglish ako atsaka sa totoo nakita ko ang edad ng kaibigan mo kanina sa chart niya magkasing edad lang kaming dalawa kaya malamang hindi tayo magkalayo ng edad." mahabang paliwanag ni elise kaya napa lunok ng sariling laway si angelo at nag iwas ng tingin kay elise. "So tatayo nalang ba tayo rito? Saan ka nakatira? Paano kita kokontakin kapag tinawagan ako ng pulis? Wala kang cellphone diba?" seryosong pagtatanong ni angelo kaya't nalungkot ang mukha ni elise. "Kaya nga baka pwedeng, pwede ko bang hiramin ang cellphone mo?" pagmamakaawang tanong ni elise kay angelo na nag aantay ng kanyang sagot. "Babayaran kita, malapit lang dito ang ate ko." pangungumbinsing pagkasabi ni elise habang naka yuko ito. "Kakausapin kapa ba niya? Pagkatapos niyong mag away kanina?" paniniguradong tanong ni angelo kaya't biglang nagulat si elise sa kanyang narinig at mabilis siyang nag angat ng ulo at gulat na tumingin kay angelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD