Chapter 7

1510 Words
Chapter 7 Habang mag isang naka upo si Angelo sa labas ng coffee shop napabaling ang kanyang atensyon sa babaeng nakita nya noong isang araw na naka tayo ngayon sa walking street na harapan ng coffee shop habang may hinahanap. Pinag masdan ni Angelo ang babae mula paa hanggang ulo habang seryoso itong palinga linga sa coffee shop hanggang sa bigla itong nagulat ng may nakita ito sa bandang gawi ni angelo na sinusundan niya na ng tingin ngayon. Kaya na curius si angelo kung sino ang pinagmamasdan nito kaya't tinignan niya rin kung sino ang kanyang sinusundan ng tingin at nakita ni angelo si Eliza na waitress ng coffee shop na laging nag seserve sa kanya ng hot coffee na ngayon ay kausap ng dalawang Californian na lalaki sa kabilang table habang nag seserve ito ng hot coffee sa kanila. "Hey Eliza, You always looking good." ang naka ngiting sabi ng isang californian na lalaki at may isinuksok itong pera sa dibdib ni Eliza. "Thanks." ang maikling pasasalamat ni eliza sa lalaki at ngumiti ito ng tipid bago tumalikod sa kanila at mayroon itong nilapitan na isa pang californian boy na naka tayo sa harapan ng coffee shop. Hindi maka paniwala si elise sa kanyang nakikita na ginagawa ng kanyang ate ngayon kayat napapa buntong hininga siya ng ilang ulit at patuloy niyang pinag mamasdan ang kanyang ate. Napapa iyak na lamang si elise sa kanyang kinakatayuan habang hindi parin maka paniwala sa kanyang natutuklasan tungkol sa kanyang ate at tahimik naman si angelo sa kanyang kinakaupuan habang pinagmamasdan niya si elise sa kanyang kinaroroonan. "Gusto mo pang kape?" ang mahinahon na tanong ni eliza ng maka lapit na ito kay angelo ngunit para itong walang narinig at hindi ito nagsasalita habang may tinititigan kaya't napa tingin din si eliza kung sino ang kanyang tinititigan. Laking gulat ni eliza ng makita niya ang kanyang nakaka batang kapatid na kanina pa nakatingin sa kanya habang naka tayo ito kaya't napabagsak niyang nailapag ang hawak niyang kettle sa lamesa kung nasaan si angelo kaya't mabilis na napa tingin si angelo kay eliza na gulat na gulat na naka tingin kay elise at mabilis na tumungo si eliza sa kinakatayuan ng kanyang kapatid at mabilis naman na tumalikod si elise at tuloy tuloy itong umiyak. "Elise?" pagtawag ni eliza sa kanyang kapatid kaya't pinunasan ni elise ang mga luhang dumaloy sa kanyang mukha bago humarap sa kanyang ate. "Anong nangyari? bakit ka nandito? Si mama? May nangyari ba kay mama?" sunod sunod na tanong ni eliza kay elise. "Si mama? Ang lakas pa ng loob mo na kamustahin pa si mama." galit na sagot ni elise ngunit pinag sawalang bahala lang ng kanyang ate ang kanyang galit at ngumiti nalang ito ng tipid kay elise. "Kailan ka dumating? Sana tumawag ka." mahinahon na tanong ni eliza kay elise. "Kung tumawag muna ako siguradong mag sisinungaling ka, Akala ko bang nag aaral ka?" galit na tanong ni elise sa kanyang ate. "Sinong nag sabi sayo na nandito ako?" gulat at nagtatakang tanong ni eliza kay elise. "Sino pa edi yung lalaking ka live in mo ." galit pang sagot naman ni elise sa kanyang ate. "Pumunta ka sa bahay ko?" gulat na tanong ni eliza sa kanyang kapatid. "Oo pumunta ako! pumunta kaba rito sa amerika para lang pagbigyan ang luho ng lasenggong iyon? Kasinungalingan lang ba lahat ng mga sinabi mo sa amin? Ang kasal? Ang mabait na boyfriend mo? Ang pag aaral mo dito? Pinili mo dapat ang lalaking tutulong sayo hindi yung lalaking basta natipuhan mo lang." sunod sunod na sigaw na katanungan ni elise at galit na galit ngayon sa kanyang ate. Ngunit parang walang narinig si eliza sa lahat ng mga sinabi ni elise sa kanya at hinablot niya ang maleta na dala ni elise at mabilis niya itong binuksan at hinalungkat ang laman ng maleta nito at may hinahanap kaya't napa buntung hininga ng ilang ulit si elise sa ginawa ng kanyang ate. "Yung pera? Dinala mo ba?" desperadang tanong ni eliza para makuha ang pera habang mabilis itong nagkakalungkat sa maleta ni elise. "Wala na ba kahit konting kahihiyan na natira sa katawan mo? Nagsisisi na ako na iniwan ko si mama para gayahin ka, pinaparusahan na yata ako." ang madamdamin na sabi ni elise sa kanyang ate na walang paki alam "Nasaan na iyong pera." galit na tanong ni eliza ng hindi niya makita ang perang gusto niya. "Tama na ate." pagpapatigil na sabi niya sa kanyang ate ngunit hindi ito nakikinig at patuloy lang sa kanyang pag halungkat kaya't napuno si elise at galit na tinayo ang kanyang ate na hawak hawak niya ang magkabilaan nitong braso. "Sabing tama na!" galit na pagsigaw na sabi ni elise sa kanyang ate ng itayo niya ito ng s*******n habang tahimik lang si angelo sa kanyang kinakaupuan na pinagmamasdan ang bangayan ng magkapatid. "Bakit ba ang buhay ko puro hirap nalang? Pinangarap kong maging tulad mo, ang buong akala ko ikaw nalang ang pag asa ko, ayokong tanggapin ang kapalaran ko na mag hirap at mag dusa pero napilitan akong pumasok nalang sa vocational school pagkatapos non magiging secretary lang ako na tumatanggap na maliit na sweldo at bakit? Dahil kailangan namin mabuhay ni mama habang hinihintay kang bumalik." galit na pahayag ni elise sa kanyang ate na naiiyak na ngunit pinipigilan niyang maiyak. "Sorry na, huli na ito pagbigyan niyo na ako." walang emosyon na pagkasabi ni eliza at muling nag halungkat sa mga gamit ni elise at nakita na niya ang isang sobre na may laman na pera na galing sa kanilang ina at mabilis niya itong kinuha. "Bitiwan mo iyan!" ang seryosong sabi ni elise na may pagbabanta sa kanyang boses ngunit hindi siya pinakinggan ng kanyang ate at mabilis itong tumayo. "Umuwi kana elise, tatawagan ko nalang si mama." ang sabi ni eliza sa kanyang kapatid at mabilis na itong tumalikod ngunit bigla siyang pinigilan ni elise na hinablot niya ang braso ng kanyang ate para maagaw ang pera ng kanyang ina. "Akin na yan, alam mo ba kung anong ginawa ni mama para maipon ang pera na yan." galit na galit na sabi ni elise sa kanyang kapatid habang inaagaw ang pera. "Umuwi kana." mabilis na sabi ng ate ni elise at inipit niya ang pera sa kanyang baywang at tumalikod na ito kay elise at umalis na ng tuluyan na iniwan niyang humahagulgol sa iyak ang kanyang kapatid. "Ate, ate , Ate ibalik mo sa akin iyan ate, ate, ate." sunod sunod na pagtawag ni elise sa kanyang ate habang hinahabol niya ang kanyang ate na tumatakbo palayo sa kanya. Napahinto si elise sa kanyang paghabol ng maalala niya ang mga gamit niyang naka kalat sa daan kaya't wala itong ibang pagpipilian kundi balikan ang kanyang mga naka kalat na gamit sa walking street at tuloy tuloy ito sa paghagulgol ng iyak habang isa isang pinupulot ang kanyang mga damit na pinag halungkat ng kanyang ate. Naaawang pinag mamasdan ni angelo ang umiiyak na si elise at ilang segundo lang biglang lumitaw ang amerikanong kaibigan ni angelo sa kanyang harapan na malawak ang pagkaka ngiti at excited na mag kwento. "This party's gonna be amazing, lets go, jessa said you should." napahinto sa pagsasalita ang kaibigan ni angelo ng pigilan niya ito. "Ssssshhh." ang pag senyas ni angelo para tumigil muna sa pagsasalita ang kanyang kaibigan habang seryoso itong naka tingin sa daan kung nasaan si elise na umiiyak magmula kanina. "What?" takang tanong ng kaibigan ni angelo sa tumingin ito sa tinitignan ni angelo sa daan. "Oh, who is that girl? Talk about a fallen angel, you are always one step ahead of me, I'll take care of the rest, you don't think she has a g*n Right? No." mahabang pahayag ng kaibigan ni angelo at walang paalam itong mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni elise na hindi na nakuhang pigilan ni angelo ang makulit niyang kaibigan dahil huli na ng mapansin niyang nasa harapan na siya ni elise na kanina pa pinagmamasdan ni angelo. "Haaayy naku, ang pasaway nato." inis na pagkasabi ni angelo at mabilis itong tumayo upang pigilan niya ang kanyang kaibigan. "Hey, Are you all right?" naka ngiting malawak na tanong ng kaibigan ni angelo kay elise habang tinutulungan niya itong pulutin ang mga gamit niyang naka kalat "Im okay, thank you." ang pasinghot singhot pang pagpapasalamat ni elise sa lalaki at mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. "I've decided, I believe in God because I met you, Thank God." naka ngiting sabi ng lalaki kay elise. "What?" nagtatakang tanong ni elise sa pinagsasabi ng lalaki sa kanya. "Thank you." ang sabi ng lalaki at mabilis niyang hinablot ang hawak hawak ni elise at tumakbo ito paalis sa kinaroroonan niya. "Ah Teka, ganon ba ang itsura ng mga magnanakaw dito?" takang tanong ni elise sa kanyang sarili dahil sa lalaking tumulong sa kanya kaya't mabilis niya itong sinundan. "Bumalik ka rito." sigaw na tawag ni elise sa lalaki habang sinusundan niya ito ng takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD