Chapter 6
"Hmmmm." ang sabi ng babaeng californian na nag bukas ng pinto kaya't nagtaka si elise dahil hindi ito ang kanyang ate.
"Ah teka si ano kasi si Eliza wala ba siya rito? Sorry hindi ako marunong mag english." natatarantang sabi ni Elise dahil sa reaksyon ng babae na nagtataka sa kanyang mga pinagsasabi.
"What? What are you talking about?" ang maarteng tanong ng babae kay elise.
"Chris." pasigaw na tawag ng babae sa kasama niya sa bahay kaya't lumabas ang isang matipunong lalaki na kakagising lamang na mapungay pungay pa ang kanyang mga mata na lumapit sa babae.
"Who the hell is it?" inis na pagtatanong ng lalaki na papikit pikit pa ang kanyang mga mata at walang suot na pang itaas kaya't mabilis na nag iwas ng tingin si elise sa lalaki at kinuha niya agad ang notebook na nasa bag niya at may binasa.
Tinitigan ng mabuti ng lalaki si elise habang may binabasa ito sa notebook na hawak nito.
"Elise?" paniniguradong tanong ng lalaki kay elise kaya't mabilis na nag angat ng tingin si elise sa lalaking nasa harapan niya kaya't tumango ito.
Kasalukuyan nasa loob na ng bahay ngayon si elise at tahimik niyang pinagmamasdan ang magulong mga kagamitan sa loob at nakita niya pa ang larawan nilang magkapatid na naka patong sa lamesa habang panay ang bangayan ng lalaki at babae sa kusina.
"Just calm down alright?" inis na sabi ng lalaki dahil sa pagdadakdak ng babae sa kanya.
"How many girls you see today? They coming in this house?" galit na pagtatanong ng babae sa kinakasama nito.
"I can't stop them to come in this house." naiinis na pagpapaliwanag ng lalaki dahil hindi humihinto sa pagdadakdak ng babae sa kanya.
"Who is she? Why are you datting a kid now?" galit na pagtatanong pang muli ng babae sa lalaking kinakasama niya.
"Ow really? Its Eliza little sister." paliwanag na sabi ng lalaki sa galit na babae.
"What? Who the hell Eliza?" nagtatakang tanong ng babae na galit na galit parin sa lalaki.
"Look, it's just a friend." pagsisinungaling ng lalaki ngunit hindi naniwala ang babae dahil sa pagbababae lagi ng lalaki.
"Yeah, whatever." mataray na sabi ng babae na hindi naniniwala at inis itong umalis sa harapan ng lalaki at lumapit na ito sa kanina pang nag iintay na si elise habang may hawak hawak na isang can beer.
"Hey you, you eliza husband?" nahihirapan na pagtatanong nito dahil hindi siya gaano marunong mag english at nagulat naman ang lalaki sa tanong ni elise.
"Husband? Nope, we have been separated for a long time." pagpapaliwanag ng lalaki dahil sa tanong ni elise ngunit hindi gaano maintindahan ni elise ang pagkasabi ng lalaki.
"When did you marry eliza?" nahihirapan na tanong ni elise dahil sa pag eenglish at nagtaka ang lalaki sa mga pinag sasabi ni elise.
"Marry? hahahahahahha, why would i marry eliza?" natatawang tanong ng lalaki at umupo ito sa sofa habang umiinom ng beer at nagulat naman si elise sa kanyang narinig.
"Eliza university where?" tanong pang sabi ni elise sa naka upong lalaki sa sofa.
"University? she doesn't going to school." seryosong sagot ng lalaki sa tanong ni elise kaya't lalong nagulat si elise sa kanyang mga nalaman.
"Hindi totoong nag aaral siya?" takang tanong ni elise na gulat na gulat parin sa kanyang at kumunot naman ang nuo ng lalaki dahil hindi nito maintindihan ang sinabi ni elise.
"What?" takang tanong ng lalaki sa sinabi ni elise.
"Nasaan si ate? Nasaan na ang sinungaling na kapatid ko?" ang galit na galit na pagtatanong ni elise na hindi na nakontrol ang kanyang galit kaya pasigaw niyang tinanong ang lalaki na hindi naman maintindihan ang mga pinagsasabi ni elise sa kanya.
Mag isa naka upo sa labas ng coffee shop si angelo at malalim na nag iisip habang mayroon itong sinusulat sa isang notebook.
"Ano yang lagi mong sinusulat?" pangungusisang tanong ng waitress ng coffee shop ng maka lapit ito sa kinaroroonan ni angelo na lagi niyang tinatambayan at may hawak ang waitress ng electric kettle para sa unlimited coffee nila.
"Homework, essay." walang ganang sagot ni angelo sa waitress.
"Hindi naman ikaw ang tipong pala-aral ee." pang aasar na sabi ng waitress sa seryosong mukha ni angelo na tutok sa kanyang sinusulat.
"Mukha lang akong pasaway pero hindi ako ganon, ganito ako mag rebelde." mahinahon na pagpapaliwanag ni angelo habang sinasalinan ng waitress na hot coffee ang kanyang baso.
"Sinong sinusulatan mo? Ang teacher mo?" pangungusisa pang tanong ng waitress kaya nag angat ng ulo si angelo para titigan ang waitress.
"Thanks sa coffee." ngiting tipid na pagkasabi ni angelo sa waitress.
"Mag sabi kalang kung gusto mo pa." ang sabi nalang ng waitress at ngumiti ito bago tumalikod at umalis sa kinaroroonan ni angelo.
Kapag nag susulat ako ng Essay pinofocus ko ang sarili ko sa pag iisip, sabi ni kuya huwag ko iyon gagawin ang masyadong pag iisip.
Ang sabi ni angelo sa kanyang isipan habang tahimik itong naka upo sa labas ng coffee shop habang nagsusulat.
Nasa loob ng Conference room si John ang nakakatandang kapatid ni angelo sa ama na naka upo sa President chair ng Conference room kasama ang mga Employee ng kanilang Company.
"During the first two quarters of 2013 the premium malls natin that specifically caters to the top 10% of the market ay mahinang revenue at hindi kumikita." mahabang paliwanag ng isang empleyado ng kanilang company na nasa kanilang harapan.
"That is correct, Continue." seryosong pag sang ayon ni john sa pinaliwanag ng nagsasalita sa harapan nila.
"Maaaring dahil ito sa under developed area sa paligid ng malls kaya para maka bawi kailangan ng tuloy tuloy na ads campaign." pangungumbinsing paliwanag ng nasa harapan para sa lahat.
"so that's it means hindi niyo tinuloy tuloy ang inumpisahan niyong advertising campaign noon and therefore kailangan muling gumastos?" seryoso at paniniguradong tanong ni john sa mga empleyado na nasa loob ng conference room ngunit ni wala kahit isa ang sumagot sa tanong nito kaya't nag patuloy ang nasa harapan na magpahayag.
"Aahhmmm Aaaa Ang top 10 of wage earners on target market natin ay sadyang mahirap makuha at ma sustained dahil naka focused mainly on purchasing habit in the same year." ang pagpapahayag pa ng nagsasalita sa harap at biglang nagsalita si john.
"At nahihirapan na tayo ngayon na kumita ng pera right?" masungit na tanong ni john sa nagsasalita na namamawis na sa kanyang pwesto dahil sa ekpresyon na nakikita niya kay john.
"Ah mabuti pa siguro mag chief na lang tayo ng target market bakit hindi nalang middle class family Mr. john president." pangungumbinsing tanong ng isang matandang lalaki na naka upo habang nakatingin kay john.
"Kung middle class family ang target market dapat theme park nalang ang itinayo niyo at hindi premium shopping malls, kailan mo nakuha ang media revenue report?" galit na sigaw at tanong ni john sa matandang nag suggest na gagawin.
"Nakuha ko ang report last week lang Mr. President." mahinahon na sagot ng matandang lalaki.
"Puwes dapat last week pa kita finired sa trabaho." galit na pagkasabi ni john sa matandang lalaki kaya't nalungkot ang mukha nito na nag iwas ng tingin kay john at tumahimik na sa kanyang kinauupuan.
"So who else got the report? Sabihin niyo." seryosong tanong ni john na may matalim na tingin sa mga empleyado.
"Nakuha din po ni Chairman ang report." ang naka ngising sabi ng isang empleyado na naka upo malapit kay john kaya't napatingin ang lahat sa kanyang kinaroroonan at napa buntong hininga si john sa kanyang nalaman.
"Which means last week pa nalaman ng chairman na nasa bahay lang palagi ang tungkol sa problema? Naunahan pa niya ako kahit na araw araw akong nandito, kailangan ba talagang ireport lahat sa kanya? Hindi ba pwedeng itago muna dito sa office ang mga kapalpakan ko?" galit na pagtatanong ni john sa mga empleyado.
"Kung inireport ko po iyon sa kanya sana po siya na ang naka upo diyan." naka ngising sagot ng lalaki sa naiinis na si john.
"I think parang nandito narin siya right now, Ilan mga mata at tenga ba ng Chairman ang nandito ngayon sa harapan ko?" pangungusisang tanong ni john at matalim niyang tinitigan ang mga empleyado na nagtitinginan lamang at hindi sinasagot ang tanong ni john ngunit nag salita ulit ang isang empleyado na malapit sa upuan ni john.
"Maging mabait ka sa mga magsasaka kaysa sa mismong may ari ng sakahan yun ang madalas sabihin ng Chairman." ang muli pang pahayag ng lalaki na malapit sa kinauupuan ni john kaya't matalim na tumingin si john sa lalaki.
"Vice President, Managers and assistants, senior and junior executives team, leaders, staff leaders, kanino sa mga magsasakang iyon na kailangan kong maging mabait?" inis na pagtatanong ni john sa lalaking naka upo malapit sa kanya.
"Bilang may ari sino ang sa tingin niyo." naka ngiting tipid na pagsagot ng lalaki na naka tingin ito kay john na naiinis na sa kanyang kinauupuan at napabuntung hininga na lamang ito dahil sa pinahayag ng lalaki sa kanya.