Chapter 5

1519 Words
Chapter 5 "You won't answer it? I can wait for a while." pangungumbinsi pa ng amerikano na sagutin na ang tawag dahil may plano silang lumabas ng bahay ngayon. "No, I already know who's calling, it' my fiance, she's either about to get on the plane or could be on the plane or already here, it's our engagement anniversary soon." mahabaang pagpapaliwanag niya sa kanyang kaibigan tungkol sa tumatawag ng tumayo na ito sa kanyang kama at nilapitan ang kanyang collection na mga surf board. "You look like mother, that's a good thing." excited na pagkaka sabi ng kanyang kaibigan na malawak na naka ngisi. "No! I always look this good huh." mayabang na pagkasabi nito na may malawak na ngiti ng pasimpleng isinuot ang kanyang sumbrero. "Oohh Okey." maikling pagsuko ng kanyang kaibigan sa kanyang katigasan. "What are you doing, pack your stuff." pang uutos na sabi nito sa kanyang kaibigan. "You said it was your anniversary." pagtatakang tanong nito sa kanya kaya hindi siya nag aayos ng kanyang mga gamit ngunit ngumisi lang si angelo at nakuha naman ng kanyang kaibigan ang gusto nito sabihin kaya't ngumisi silang dalawa. "im too lazy to celebrate." sabay nilang sabi at umakbay na si angelo sa kanyang kaibigan at magkasamang umalis na ng bahay. Masayang nagbabyahe ang dalawa patungo ng beach upang magliwaliw at napuno ng sigawan ang kotse ni Angelo habang tinutungo nila ang daan papuntang beach na lagi nilang tinatambayan. Mag isang nagiikot si elise sa loob ng airport sa amerika at tahimik na nagmamasid sa kanyang paligid habang may hawak hawak na isang papel na guide para sa kanyang pupuntahan na ginawa niya bago siya umalis ng kanilang bahay. Takot itong nagmamasid sa kanyang paligid dahil ngayon lamang siya pumunta ng ibang bansa at mag isa pa siyang nagtungo sa amerika. Mabilis niyang isinuot ang bag pack na kanyang dala dala sa kanyang harapan upang maka sigurado na hindi siya madudukutan ng kung sino man dahil sa kanyang dalang malaking halaga ng pera ng kanyang ina. Tahimik itong nagmamasid habang lumabas siya ng airport at nag aantay sa labas na pwede niyang masakyan upang hanapin ang kanyang ate. Sa pag aantay na masasakyan ni elise sa labas ng airport malalim itong nag iisip na naka tingin sa kanyang hawak hawak na papel at masuri niya iyon binabasa. "Yes hello? Kadarating ko lang dito, Syempre sinundo ako ni Angelo bakit naman hindi? Busy siya sa mga gamit ko." ang sunod sunod na mataray na pagkakasabi ng babae sa kanyang kausap sa phone na hindi kalayuan sa kinaroroonan ni Elise. Kaya't napalingon si elise sa babaeng medyo malapit sa kanya dahil sa pagtatagalog na salita nito kaya alam niyang kalahi niya ito at pinag masdan niya ito mula ulo hanggang paa na may suot suot na mamahalin na white dress at cream high heels na may naka sabit pang maliit na shoulder bag na kulay light pink at muli na itong tumingin sa daan at nag aabang na pwedeng masakyan. "Mas lalo siyang gumwapo kaysa when i last saw him, tumangkad siya ng kaunti at dark ang skin, alam mo na dahil sa california sun." mataray na pagsagot ng babae sa kanyang kausap sa phone kaya't napatingin ulit si elise sa kinaroroonan ng babae. Nagtaka si elise sa mga sinabi ng babae sa kanyang kausap sa phone na puro gawa gawa lahat ng kanyang binanggit dahil ang nakita niyang kasama nito na nag aayos ng kanyang gamit ay isang matandang lalaki at maputi ang buhok na amerikano. Nakita naman ng babae ang pag titig ni elise sa kanya kaya't masuring pinagmasdan din siya ng babae ngunit si elise nag iwas na ng tingin sa kanya at yumuko nalang habang tinignan ulit ang kanyang hawak na guide at ngumiti ng bahagya. "Sabi ni Angelo mas gumanda raw ako kaysa sa huli niya akong nakita, I call you back pag dating ko sa hotel bye." ang mataray na pagkasabi nito sa kanyang kausap habang masamang naka tingin kay elise at unti unti itong lumapit sa kinaroroonan ni elise habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. Napag desisyonan ni elise na umalis na sana ito upang mag ikot kung saan makaka hanap na pwedeng masakyan ngunit napahinto ito sa pagtawag ng babae sa kanya. "Excuse me." ang mataray na sabi ng babae na tinitignan ni elise kanina na si charlotte kaya't unti unting lumingon si elise sa kanyang likuran upang harapin ang babaeng tumawag sa kanya. "Nakita kitang tumatawa, why you are laughing us?" mataray na pagtatanong niya habang magkasalubong ang mga kilay kaya't bahagyang nag isip si elise. "Mōshiwakearimasenga, watashi wa anata o waratte imasen." ("Im sorry pero hindi ko naman kayo pinagtatawanan.") pag jajapanese na pagkakasabi nito sa tumawag sa kanya "If you are real japanese hindi mo dapat naintindihan ang tinanong ko sayo kanina at hindi ka sana lumingon nung tinawag kita." pagtataray na pagkasabi nito kay elise. "Sō janai?." ("Hindi ba?") mataray pang pagkasabi nito sa salitang japanese kaya't nahiya si elise. "Pasensya na po." magalang na paghingi nito ng tawad at yumuko pa ito at mabilis na tumalikod kay charlotte at aalis na sana ngunit pinigilan ulit siya. "Wait." matigas na pagkasabi ni charlotte kay elise kaya't napabuntung hininga siya ng ilang ulit bago humarap muli kay charlotte. "So? Bakit ka nga tumatawa." pagsusuri pang tanong ni charlotte kay elise. "Hindi naman ako tumatawa no, Napansin ko lang na iba yung sinasabi mo sa nakita ko." mahinahon na pagpapaliwanag nito ngunit mataray parin na nakatingin si charlotte sa kanya. "At kailangan ko pa bang i-explain sayo iyon?" mataray na tanong nito at matalim pa itong naka tingin kay elise. "Sabing hindi nga kita pinagtawanan, maniwala ka, Naisip ko lang na baka pareho tayo, parehong umaasa na tanggapin tayo sa lugar na ito, yung lang ang iniisip ko." mahinahon na pagpapaliwanag nito kaya kumunot ang nuo ni charlotte dahil hindi niya maintindihan ang pinupunto ni elise. "What?" maikling tanong nito habang naka kunot nuo na nakatingin kay elise. "Pasensya na kung nagpanggap akong japanese, bye." paghingi ng tawad at yumuko pa ito bago tuluyan umalis sa harapan ni charlotte at pinagmasdan lang ni Charlotte ang papaalis na si elise sa kanyang harapan. Mabilis naman lumapit ang kasamang matandang lalaki na driver ni charlotte sa kanyang kinaroroonan. "Have any problem here miss?" nag aalalang tanong ng driver ni charlotte ng makalapit ito sa kanya. "Nothing! Just open the door." mataray na utos nito sa matandang lalaki kaya't mabilis siyang pinag buksan ng pintuan ng kotse at sumakay na siya upang tumungo na sa hotel. Masayang nag susurfing si Angelo at expert na expert na ito sa pag surfing dahil halos araw araw siyang nasa beach at masaya niyang sinasalubong ang bawat mga alon na paparating at sinasabayan pa ang pag agos ng alon. Sa pag iikot ni Elise sa California narating niya ang tulay na tanaw ang magandang beach at tahimik itong nanunuod sa mga naliligo at lahat naka swim suit at may kanya kanyang ginagawa at may mga grupo pang nagsasayawan. "Nasa ibang bansa na talaga ako ngayon." ang sabi nito sa kanyang sarili habang tinitignan ang mga kasuotan ng mga nasa beach at tumingin sa kanyang kasuotan na naka simpleng T-shirt lang na kulay gray at naka pantalon na may nakatali pa sa kanyang baywang na longsleeve na dark red habang nasa itaas siya ng tulay. Masayang umahon si Angelo sa dagat habang bitbit niya ang kanyang surf board at may isang sexy na babaeng amerikana na kaagad lumapit sa kanyang paglalakad at nakita naman ni elise iyon ng nabaling ang atensyon niya sa lalaking si Angelo. "I saw you Angelo, that was so amazing such a great way you got." manghang pagkasabi ng babae sa kanya na may malawak pa itong ngiti. "Ow thanks." naka ngiting pasalamat nito habang patuloy parin sa kanyang paglalakad kasama ang babae. "Good job, Im Just watching you." masaya pang sabi nito kay Angelo na may ngiti. "Haayyy may ibang tao talaga na ubod ng swerte." ang komento nito sa kanyang nakita at tumingin na ito sa kanyang guide. "Sige lakad na." sabi nito pagkatapos tumingin sa guide na hawak niya. Habang naglalakad si Angelo napatingin siya sa taas ng tulay kung saan may isang babae na may dala dalang maleta na naglalakad na paalis sa kanyang kinaroroonan kaya't pinag patuloy na ni Angelo ang kanyang paglalakad ng wala na ang babae na kanyang nakita. Sa paglalakad ni elise narating niya ang isang bahay at doon huminto at tinignan muli ang kanyang guide. "Ito na ba yung bahay?" ang sabi nito sa kanyang sarili at unti unti na itong lumapit sa pintuan ng bahay at nag doorbell na ito. "Who's that?" sigaw na tanong ng isang babae sa loob ng bahay na kanyang pinuntahan kaya't ng makarinig si elise na may tao sa loob bigla itong na excite na makita ang kanyang ate. "Ate? Ate ako ito si Elise." ang masayang sigaw nito sa taong nasa loob ng bahay ngunit lumungkot ang mukha nito ng makita niya ang nagbukas ng pintuan at isa itong californian na babae at hindi ang kanyang ate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD