Chapter 4

1531 Words
Chapter 4 "Masipag at mabait daw yung lalaki kaya't ayaw ng ate mo na mawala pa siya, huwag na tayong humiling ng kung ano pa." pangungumbinsing sabi ng kanyang ina kaya't napaluha na si elise dahil sa sobrang liit ng tingin ng kanyang ina sa kanilang sitwasyon. "At bakit po hindi? Simula ng umalis siya napilitan ako na." hindi na niya tinuloy ang kanyang gustong sabihin dahil baka masaktan ang damdamin ng kanyang ina. "Hindi na ako pupunta ng banko, pupuntahan ko siya, sigurado kayong makukuha niya ang perang ipapadala niyo?ako ang magdadala ng pera sa amerika, May trabaho pa ako Sige na po." mahabaang pahayag ng kanyang ina at mabilis na itong tumalikod at tumakbong paalis. Sinubukan ng ina ni elise na pigilan siya sa kanyang pag alis ngunit hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy na sa kanyang pagtakbo paalis sa kinaroroonan ng kanyang ina. Nasa isang akward lunch si edward kasama ang kanyang ama at magiging step mother at step sister at seryosong naka titig ito sa kanyang future step sister. "Siya ang magiging step sister mo." seryosong pagpapakilala ng ama ni edward sa babaeng kaharap nito. "Hello step sister." mapang asar na bati ni edward sa dalaga at napangisi nalamang ang babae at umiling iling pa. "Sana magka sundo kayong dalawa, take care of her bilang bagong big brother niya." masayang pahayag ng kanyang magiging step mother. "Ofcourse, dahil ganyang mga babae ang type ko." pang aasar pang pagkasabi ni edward kaya't napatigil ang ama at step mother niya sa kanilang kinakain dahil sa narinig nila kay edward at inis naman naka titig ang kanyang step sister sa kanya kaya't ngumisi pa ito. "Excuse me." maikling paalam nito at mabilis na tumayo. "Sit down." matigas na pagkasabi ng ama ni edward sa kanya. "May lakad ako." walang ganang sagot nito kaya't tumayo ang kanyang ama at binigyan siya nag malakas na suntok sa kanyang pisngi at nabigla naman ang kanyang step mother at step sister sa kanilang nasaksihan. "Umupo ka." may pagbabantang pagkasabi ng kanyang ama sa kanya ngunit ngumisi lang ito. "Mas kailangan kong umalis ngayon dahil napahiya ako sa kapatid ko, mag enjoy kayo sa lunch niyo bilang pamilya." pang aasar pang sabi nito at tuluyan ng umalis sa kanilang kinaroroonan. Nasa isang bagong part time job si elise at taga hugas siya ng mga pinagkainan sa restaurant na kanyang napasukan. Mabilisan kilos ang lahat sa loob ng kitchen ng restaurant habang si elise tarantang nag huhugas ng mga pinagkainan dahil sa sobra dami ng kanyang hinuhugasan at tuloy tuloy pa ang binibigay na mga hugasin sa kanyang harapan. Naiiyak na naaawa si elise sa kanyang sarili dahil sa kanyang sitwasyon na wala itong pahinga sa trabaho. "Ang sipag mo iha, nagtatrabaho kahit na bakasyon, hindi kaba aalis?" paninigurado na tanong ng kanyang amo sa restaurant at sabay na inabot nito ang kanyang sahod. "Gusto ko po sana." nahihiyang paalam nito sa kanyang amo. "Saan? Basta sabihan mo lang ako bago ka umalis ha." pagpapa alalang sabi ng kanyang boss sa kanya. "Ikakasal ang ate ko sa amerika, gusto ko siyang puntahan doon." pagpapaliwanag niya sa kanyang amo. "Ah talaga? Congratulation, gaano kaba katagal doon." pang uusisa pang tanong ng kanyang amo sa kanya. "Hindi na po ako babalik." malungkot na pagkasabi nito sa kanyang amo. "Bakit naman ganon?" takang tanong pa ng kanyang amo sa kanya. "Kapag kinasal na ang ate ko doon sa amerika ibig sabihin wala na siyang balak na bumalik rito at kapag hindi na po siya bumalik habang buhay na po akong mag huhugas ng pinggan at mag aalaga sa mama ko parang sinadya ng tadhana na maging malungkot ang buhay ko at hindi tama iyon." madamdaming pahayag nito sa kanyang amo. "Ah e huwag mong sabihin yan 18 years old ka palang bata ka pa." pangungumbinsing sabi pa ng kanyang amo sa naluluhang si elise. "Kaya nga po pupunta ako doon, pangarap ko na iyon noong maliit pa ako." ang pahayag pang kwento ni elise sa kanyang among nakikinig sa kanyang saloobin at tuluyan na itong naiyak. Nasa kuhanan ng passport si elise at tahimik na naka upo sa waiting area at malalim na nag iisip at nagpasya na siyang umuwi pagkatapos sa kanyang pakay sa lugar na iyon. Maingat na lumapit si elise sa kanyang ina na nag aayos ng mga gamit sa loob ng kwarto. "Pina palitan ko na po ang pera niyo ibibigay kong lahat iyon kay ate, mas okey narin po kasi na may umattend na kahit isa sa atin sa kasal niya, chaka nag apply na po ako ng passport ko at tatlong araw lang makukuha na." mahabaang pagpapaliwanag nito sa kanyang inang nag aayos ng mga gamit at hindi man lang siya nito pinapansin. Napag desisyonan ni elise na umupo sa harap ng maliit na lamesa sa kwarto at pinipigilan ang kanyang mga luha dahil sa ilang araw nalang iiwanan niya ang kanyang ina na mag isa. Kinuha ni elise ang maliit na notebook at nagsulat ito sa unang pahina habang tuluyan na itong naiyak ng tahimik. "Sorry po Mama." umiiyak na pagkasulat ni elise sa salitang iyon sa maliit na note book at tahimik itong lumingon sa kinaroroonan ng kanyang ina at pinipigilan niya ang kanyang sarili sa paghikbi ng malakas. Kasalukuyan nag aayos na si elise ng kanyang mga gamit na dadalhin papuntang amerika habang umiiyak "Babalikan ko kayo kapag mayaman na ako Ma, Hintayin niyo ako Ma." madamdaming pangako nito para sa kanyang ina na iiwan niya muna pansamantala at tuluyan na itong humagulgol ng iyak sa kwarto habang nasa maliit na sila ang kanyang ina. Maraming ibat ibang uri at magagandang mamahalin na sapatos ang nasa harapan ni Charlotte na step sister ni edward habang kasama nito ang kanyang ina sa loob ng isang silid. May dalawang pares na shoes ang hawak ni Charlotte at seryoso itong pumipili kung ano ang kanyang susuutin. "Mag ma-migrate kana ba or you won't left." seryosong tanong ng ina ni charlotte kaya't pabagsak niyang binitawan ang dalawang pares ng shoes na hawak niya at tumungo sa isang cabinet. "Maybe I'll should stay there nalang." maarteng sagot nito sa kanyang ina habang nag aayos ito ng gamit na dadalhin. "Do you have to go? Hindi ba pwedeng siya nalang ang magpunta rito?" maarteng tanong nito sa kanyang anak. "Pwede naman, just try give him a wedding invitation para makita niya ang mother inlaw niya na nagpapakasal sa bago niyang lalaki." pagtataray na pagkasabi nito sa kanyang ina habang patuloy lang ito sa pag aayos ng kanyang gamit na dadalhin. "I know hindi mo gusto ang desisyon kong magpakasal pero hindi ako mag mamaka awa sayo." matigas na pahayag ng kanyang ina sa kanya. "Its because you know na hindi mo ako mapipilit, this is all nonsense to me." mataray pang sabi ni charlotte ngunit ngumisi lang ang kanyang ina. "Pwede naman kitang i-disowned if you want." pagbabanta naman ng kanyang ina at naka ngisi lang ito ng malawak na nakatingin sa kanyang anak. "Para mawalan ako ng mana ganon?" mataray na tanong nito sa kanyang ina na naka ngisi. "Yun lang kasi ang paraan para mapilitan kang sumunod." mataray na paliwanang ng kanyang ina sa kanya. "Ano ba kasing nagustuhan mo sa lalaking iyon, you heard a romur at nakita mo kung gaano siya ka violent, tell me, have you really fall inlove with him?" masungit na tanong nito sa kanyang ina. "Charlotte! You." may pagbabanta sa boses ng kanyang ina. "Hindi kaba nahihiya kay dad when you call me that? Gusto mo akong maging Charlotte Morris!" pang aasar na sabi niya sa kanyang ina "Mabuti at may fiance kang matatakbuhan, napaka sarap ng buhay mo hindi ba? Give my best regard sa future son inlaw ko." mataray na pahayag nito at umalis na ito sa kwarto at iniwan na inis si charlotte "She's too much." inis na sabi nito at padabog na tumungo sa upuan at may idinial na numero. Sa malaking bahay sa amerika kung saan naka tira si Angelo kasalukuyan siyang naka higa sa kanyang napaka laki at napaka lambot na kama. Ang unang una kong naisip pag dating ko ng California ang lugar kung saan ako inexiled, makaka kain na ako ng maraming almond ang saya, naisip ko rin na mag rebelde at magalit sa mundo na ginagawa naman ng tulad ko na anak sa labas pero sinunod ko nalang ang kuya ko, wala akong ginawa kundi mag enjoy at dahil doon naaalerto ang mga pulis kapag nakikita nila ako, center of attention ako sa school namin at naging expert na ako sa pagpapa iyak sa mom ko na naiwan sa soul. May malakas na katok sa pintuan ng kwarto ni Angelo at mabilis itong bumukas at iniluwa nito ang kaibigan niyang amerikano. "Somebody's calling, you left your phone in the living room." paliwanag ng amerikanong kaibigan ni Angelo na madalas nitong kasama araw araw. "Thanks." maikling sabi nito ng maingat na hinagis ng amerikanong kaibigan ni angelo ang kanyang phone sa kanyang kinaroroonan at nasalo naman niya ito at tinignan kung sino ang tumatawag ngunit hindi man lang niya iyon sinagot at tinapon nalang ang kanyang phone sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD