Chapter 3
Bigla naman bumagsak ang ulan sa kalagitnaan ng paglalakad ni elise pauwi kaya't nataranta ito at kinuha ang payong na bigay ng kanyang kababata.
"Hala, umulan na nga." tarantang pagkasabi ni elise at mabilis niyang binubuksan ang payong ngunit bigo itong mabuksan
"Ano ba yan ayaw bumukas." inis na sabi ni elise kaya't mabilis nalang itong sumilong sa harap ng isang store at napatingin ito sa mga produktong binebenta ng store na kanyang napagsilungan
"Wow mga Dream Catcher." manghang pagkasabi ni elise at namilog pa ang kanyang mga mata sa mga magagandang mga Dream Catcher na naka display sa loob ng store at nagtagal ang kanyang pagkatitig sa mga iyon bago tuluyang umuwi.
Sa isang napaka laking mansyon kung saan naninilbihan bilang kasambahay ang ina ni elise na kasalukuyan siyang nasa kusina at gumagawa ng fruit shake para sa kanyang amo.
Biglang bumukas ang pintuan ng kusina ng pumasok ang isang kasambahay at patakbong lumapit ito sa ina ni elise at kinalabit niya ito kaya't napahinto ito sa kanyang ginagawang fruit shake.
"Sabi ni Mrs. Morris gusto na raw niyang kumain." ang sabi ng isang kasambahay na lumapit sa kanya at mabilis naman kumilos ang ina ni elise papunta sa kanyang amo ngunit mabilis pinigilan ng babae ang pag alis nito.
"Teka, Mag ingat kana lang ha medyo mainit kasi ang ulo ni Mrs. Morris dahil hindi kasi sinasagot ng kanyang anak na nasa amerika ang tawag nito." ang mahabang paliwanag nito sa kanya kaya't ngumiti ang ina ni elise bilang pang sang ayon sa bilin ng kanyang kasamahan sa mansyon.
Tuluyan na itong tumungo sa malaking dining table ng mansyon upang ipaghanda na ng makakain ang kanyang amo at hinintay na itong dumating.
Mainit ang ulo ni Mrs. Morris habang naglalakad ito patungo sa malaking dining table ng mansyon at may hawak hawak pang wine glass na may laman.
Pabagsak itong umupo sa upuan at walang ganang humigop ng mainit na soup ngunit bigla niyang binagsak ang kubyertos at masamang tumingin sa ina ni elise.
"Bakit ganito ang soup? Ano pang silbi ng dila mong iyan?" mataray at pasigaw na pagkasabi ni Mrs. Morris sa ina ni elise.
"Lulutuin ko nalang po ulit." magalang na pagkasabi naman ng ina ni elise habang nakayuko.
"Ayoko nang mag hintay, kunin mo na ito." mataray na sabi nito at kinuha nalang niya ang kanyang wine at ininom.
Patakbong lumapit ang isang kasambahay sa kinaroroonan ni Mrs. Morris at hingal na hingal itong huminto sa harapan niya.
"Nandito na po si Mr. Morris" magalang na binalita ng kasambahay sa kanilang among si Elaine Morris kaya't naibuga nito ang ininom niyang wine pabalik sa hawak niyang wine glass.
"Ang aga niya, Aa'anong gagawin ko rito?" nanginginig na tanong nito sa dalawang kasambahay.
"Umakyat po siya sa kwarto." pahabol pang sabi ng kasambahay sa kanyang amo kaya't nagsalubong ang kanyang mga kilay na tumingin sa kanya.
"Bakit lagi mo nalang hinuhuli ang importante? Sinasadya mo ba iyon para mahuli ako?" galit na tanong nito sa kasambahay nila at muling kinuha ang kanyang wine.
"Konting shot lang naman ito hindi ba ako pwede mag unwind?" pagrereklamong bulong nito at iinumin na sana niya ang wine ngunit biglang inagaw ng ina ni elise ang wine na hawak ng kanyang amo at mabilis niyang binuhos sa soup na nasa harapan ni Mrs. Morris at mabilisan pang pinunasan ang bibig ng kanyang amo at sabay tago ng wine glass sa kanyang uniporme.
Hindi na nakapalag pa si Mrs. Morris sa ginawa ng ina ni elise ng biglang dumating ang Striktong Panganay na anak ni Mr. Morris na si john na seryosong lumapit sa dining table.
"Good evening, kumain kana?" nakangiting tanong ng ina ni elise sa lalaking seryoso ang mukha na si john.
"Kumain na ako ng lunch kanina." seryosong sagot nito sa tanong ni Mrs. Morris.
"Naku kailangan mag dinner kana rin." naka ngiti pang sabi nito sa binata ngunit hindi na iyon pinansin ni john at seryosong tumingin sa mga kasambahay.
"Sinong naglinis ng kwarto ko ngayon?" masungit na pagtatanong nito sa mga kasambahay na nasa harapan niya.
"Ako po sir." magalang na sagot ng isang kasambahay at takot na tumingin sa amo nilang si john.
"Ulitin mo, dalhan mo ako ng tubig doon sa study room." masungit pang sabi nito sa kasambahay at walang paalam na umalis sa harapan ni Mrs. Morris at nagtungo na sa study room.
"Kumuha kanang alak sa basement na iniinom ko at dalhin mo kaagad sa kwarto ko." mataray na pag uutos ni Mrs. Morris sa ina ni elise ng wala na si john sa kanyang kinaroroonan.
"Kailangan niyo po munang kumain ng hapunan." magalang na pagpapa alala ng ina ni elise sa kanyang amo.
"Susan kapag kumain ako pagkatapos mapahiya ng ganon para na akong mistress, Ang totoong asawa mawawalan na ng gana pagkatapos ng nangyari, itapon mo na ito." mataray na pahayag at utos nito sa ina ni elise at tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at umalis na para tumungo na sa kanyang kwarto.
"Kumain kaman ng masarap na pagkain o hindi kabit ka parin talaga no, mas mainam na ang kabit na kumakain kaysa sa kabit na lasenggera." ang mahabang pagkokomento na sabi ng ina ni elise sa kanyang isipan at maingat na itong nagligpit ng ibat ibang mga pagkaing na naka hapag sa malaking lamesa.
Naka hapag sa maliit na lamesa nila elise ang ibat ibang mga ulam na galing sa mansyon na pinapatapon kanina ni Mrs. Morris.
Inis na tumingin si elise sa kanyang ina dahil sa pag uwi nito ng ulam galing sa mansyon habang naka upo ito.
"Bakit? Binigay sa akin ni Mrs. Morris ang mga ito kaya't sige na kumain kana." mahinahon na pagpapaliwanag ng ina ni lucy dahil sa pagtitig sa kanya nito.
"At porket binigay niya sa atin iyan kakainin kuna po agad? Taga ubos ba ako ng tira nila." naiinis na tanong nito sa kanyang ina
"Huwag mo ng isipin na ganon ang mahalaga nakaka kain ka ng masarap, kaya ba natin na kumain ng ganyan sa pera na kinikita natin?" paliwanag at tanong ng kanyang ina sa kanya.
"Kasalanan ko po ba kung wala tayong makain, kayo po ang kumain kung gusto niyo." inis na pagkasabi nito sa kanyang ina at mabilis itong tumungo sa kwarto habang naka busangot ang kanyang mukha at naiwan na nakatulala ang ina nito sa hapag kainan.
Pabagsak na umupo si elise sa sahig at kinuha ang isang maliit na libro at binuksan niya ito.
"Mabuti pa si ate ang sarap siguro ng buhay niya doon." pagtatampong sabi nito na naka tingin sa larawan nilang magkapatid at bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto kaya't tumalikod ito ng tingin.
"Sabing ayoko pong kumain." pagsusungit na sabi ni elise sa kanyang ina ngunit patuloy ang kanyang ina sa paglapit sa kanyang kinauupuan at umupo rin ito sa kanyang tabi at ipinatong ng kanyang ina ang isang sobre sa kanyang harapan ngunit hindi niya ito pinansin kaya't pinalo siya ng kanyang ina sa kanyang balikat na ikinasigaw niya sa sakit.
"Arraaaaay Nay naman ee." pagrereklamong sabi nito at inis siyang humarap sa kanyang ina.
"Simula ngayon hindi na ako mag uuwi ng pagkain nila, Anong oras kaba papasok bukas? uutusan sana kita na pumunta ng banko." seryosong pahayag ng kanyang ina at napabuntung hininga si elise.
"Hindi ko naman kailangan na pumunta ng banko ee, uso na ang internet bangking, magkano at kanino?" masungit na tanong ni elise sa kanyang ina.
"Mas kampante ako kung mag deposito ka mismo sa banko kaysa sa pumindot ka sa computer lalo na sa amerika ipapadala ang pera." mahabang paliwanag ng kanyang ina.
"Sa amerika? Padadalhan niyo ng pera si ate?" takang tanong ni elise sa kanyang ina.
"Ipadala mo na lahat ng perang laman niyan." ang pahayag pa ng kanyang ina kaya't binuksan na ni elise ang laman ng sobre at binasa ang naka sulat sa papel na halaga ng perang tinutukoy ng kanyang ina at nanlaki ang mata ni elise ng makita niya ang halaga ng pera na 100,000 na ipon ng kanyang ina na ipapadala lahat sa kanyang ate.
"Lahat ito Ma? Sigurado kayo? Bakit may problema ba si ate?" takang tanong ni elise dahil sa sinabi ng kanyang ina.
"Sabihin mo bumili siya ng damit pagkasal kasi ikakasal na siya." mahinahon na pagpapaliwanag ng kanyang ina kayat nagulat si elise sa kanyang nalaman.
"Ano? Ikakasal?" takang tanong ni elise na hindi parin maka paniwala sa sinabi ng kanyang ina.
Magkasamang naglalakad si elise at ang kanyang ina patungo sa banko upang makapag padala na sa kanyang ate na nasa amerika.
"Ilang taon na? Koreano po ba o amerikano? Tinanong niyo ba kung anong trabaho?" sunod sunod na pagtatanong ni elise sa kanyang ina habang naglalakad sila.
Ngunit hindi pinapansin ng kanyang ina ang lahat ng mga katangungan niya at tuloy tuloy lang itong naglalakad kaya't hinawakan niya ang braso ng kanyang ina para huminto sa paglalakad.
"Ano ba naman Ma, Sagutin niyo ang mga tanong ko, kailan ang kasal? Imbitado po ba tayo?" sunod sunod pang tanong ni elise sa kanyang ina.
"Ano kaba hindi tayo pwedeng mag punta doon, Nag aaral ang ate mo sa amerika kaya sigurado akong marunong siyang pumili ng asawa, mapapahiya lang siya kapag nagpunta pa tayo roon." mahabaang paliwanag ng kanyang ina at nainis si elise sa huling salitang kanyang narinig.
"Bakit siya mapapahiya? Bakit niyo naman nasabi iyon." naiinis na tanong ni elise dahil hindi ito maka paniwala sa huling sinabi ng kanyang ina.