Chapter 44

1044 Words
After two years ~Shantal~ Kasalukuyan akong nasa office na re-review ng mga papapeles ay biglang kumatok ako secretary ko. "Come in." "Ma'am, excuse me po! May tawag po mula sa bahay niyo," pagkasabi nito ay agad akong tumayo ang kinuha ang telepono at sinagot 'yon. "Hello?" "Anak, hinahanap ka ni Shan, ayaw tumahan. Kanina ko pa pinapatahimik, baka kabagin 'to," bakas ang pag-aalala sa boses ni mommy kaya nagpasiya na lamang akong umuwi. Wala naman akong Importanteng gagawin ngayo kaya ibibilin ko na muna sa Secretary ko. "Tasha! Ikaw na muna ang bahala dito, tawagan mo na, lang ako kapag may problema," bikin ko rito. "Noted po, Ma'am." tinanguan ko naman at nagpasalamat. "Thank you, I'll go now," saka tuluyan nang umalis. Pagkasakay ko sa kot'se ay agad na akong nagdrive at habang tahak ko ang daan pauwi ay bigla na naman pumasok sa isip ko ang nakaraan. Hindi ko pa rin malilimutan ang pangloloko sa 'kin ni Finley, pinaniwala niya akong mahal ako nito ngunit hindi naman pala. Sana sinunod ko na lang ang paniniwala ko no'ng una at hindi siya bigyan ng chance pero ang tanga ko dahil naninwala naman ako sa kan'ya. 'Ang tanga-tanga ko!' Ngunit gano'n pa man ay hindi ko pinagsisisihan na dumating sa buhay ko ang anak ko. Siya na ang buhay ko ngayon, st pinapangako kong hindi ko hahayaang masaktan ito nino man. Pagkarating ko sa bahay ay agad ns akong pumasok sa loob at sumigaw. "I'm home!" Ngunit hindi ko sila nadat'nan sa sala kay dumiretso na ako sa nursery room. nakaawang lang pintuan kaya pumasok na ako. Sakto namang nilalapag na ni mommy si Shan sa crib nito. "Mom, what happened?" Lumapit ako at hinalikan sa noo ang anak kong himbing nang natutulog ngayon. "Kasi Anak, nagpunta kami sa mall kanina dahil may bibilhin lang ako at sinama ko naman si Manang, saglit lang naman kami," aniya na kinagulat ko. "What?! bulalas ko. "Mommy naman! Bakit niyo po dinala si Shan do'n? Hindi ko nga siya dinadala sa maraming tao dahil mahirap na. Maraming sakit ngayon ang kumakalat at prown ang mga katulad ni Shan sa mga gano'n," nainis naman ako bigla. Iniingatan ko ang anak ko at ayaw kong may mangyaring masama rito kaya gano'n na lang ako kung umasta kay mommy. "Sandali lang naman kami Anak, nasobrahan lang siguro si Shan sa katatawa dahil nilaro siya ng guwapong lalaki na kasunod namin sa counter. Tuwang-tuwa si Shan at nagpakarga pa," muling sabi pa ni mommy ns kinamang ko talaga. "Ano?! Mommy naman! Bakit niyo po pinapahawakan sa iba ang anak ko basta-basta? Paano kung mapahamak ang Anak ko? Paano kung masamang tao pala 'yon? Kidnapper? Ang bilis niyo naman magtiwala, hindi porket guwapo yon ay mabait na!" Hindi ko mapigilang med'yo tumaas ang boses. Nag-alala lang ako ng sobra. "'Wag mo nga akong kinukuwestiyon Shantal ha! Mas nauna akong naging Ina kaisa sa 'yo!" Natigilan naman ako "Sa tingin mo ba ay hahayaan kong mangyari 'yon? Sa dami ng tao do'n bago pa siya makaalis ay kinuyog na siya," natameme lang ako. "I'm sorry," hinging paumanhin ko, alam kong mali ako sa mga sinasabi o kay mommy pero hindi niya rin ako masisisi. Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Anak, sino ba talaga ang daddy ni Shan? Habang lumalaki ang Apo ko ay maghahanap ng Ama 'yan! Wala kaming alam sa nangyari sa 'yo pero hanggang ngayon ay naghihintay kami ng Daddy mo na magsabi ka Anak," hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi sa kanila. Hindi pa ako handa. "Iwan na muna kita dito may gagawin lang ako. Ikaw na muna ang bahala sa kay Shan." Tumango naman ako kay mommy bago ito makalabas. Pinagmasdan ko ang natutulog kong anak. Hindi maipag-kakailang magkamukha sila ni Finley, nakuha ni Shan ang mata at ilong nito, ngunit ang labi at hugis ng mukha ay sa 'kin. Ngunit kapag pinagmasdan mo siya ay makikita mo si Finley talaga. "Pangako Anak, kahit ako lang ang nasa tabi mo ngayon ay sinisigurado kong aapaw ang pagmamahal na ibibigay ko sa 'yo. Sobra-sobra pa." Kasabay no'n na nag-unahang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko makalimutan, hanggang ngayon masakit pa rin sa 'kin ang nangyari. Tinambol-tambol ko ang dibdib ko dahil sa sakit na parang kahapon lang nangyari. 'Bakit ba hindi ka pa rin nawawala? Bakit nandito ka pa rin? Lubayan mo na 'ko! Ayaw ko na!' Para akong tanga na animo'y naririnig niya 'ko. Gusto siyang sumbatan! Gusto ko siyang saktan! Pero kapag nakikita ko ang mukha ng Anak ko ay mas nangingibabaw ang pagiging Ina ko rito. 'Patawarin mo 'ko Anak kung wala kang Daddy, sana maintindihan mo si Mommy kapag naiintindihan mo na.' Hindi ko masasabing hindi kayo magkikita ng Daddy mo dahil maliit lang naman ang mundo. Kailangan ko lang pagalingin ang sugat sa puso ko, gusto ko rin naman maging maayos ako. Siguro ngayon masaya na rin siya sa buhay niya, baka nga nagkaanak na. Ayaw ko rin namang magtanong kay Jaica dahil pinakiusapan ko siyang ayaw kong makarinig o makaalam ng balita tungkol kay Finley. Para na rin mabilis ko siyang makalimutan. Kaya sa ngayon ay wala na talaga akong balita sa kan'ya. Mas mabuti na rin 'yon at naging tahimik ang buhay ko. Dahil hindi niya naman talaga ako minahal. Dahil kung mahal niya ako, no'ng umalis ako no'n ay sana hinabol niya ako. Pinigilan niya ako, pero hindi nangyari. Hanggang sa nakauwi na ako, walang Finley ang dumating. Imposible naman na hindi niya, ako kayang sundan at hanapin. Sadyang hindi niya lang ginawa. Naputol ang pag-iisip ko nang magring ang cellphone ko. "Hello?" "Hi Best friend! Kumusta ka na?" masiglang boses ni Jaica ang bumungad sa 'kin sa kabilang linya. "Woi ikaw pala! Namiss kita, okay kang ako. Ikaw kumusta? Si Tita?" "Okay lang kami ni Mother, kayo ng maganda kong ina-anak na manang-mana sa 'kin?" Napangiti naman ako rito dahil sa kan'ya raw nagmana si Shan. "Naku, okay naman lalong gumaganda ang ina-anak mo habang lumalaki. May pinagmanahan nga talaga." "Ah...talaga sino?" "Sino pa, eh, 'di si–" hindi ko na naituloy ang sasabihin. Pareho kaming natahimik ni Jaica, mukhang nag-alangan rin siyang magsalita. "Ano ka ba! Eh, 'di sa 'kin," pagpapasigla ni Jaica. Pero huli na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD