Chapter 43

1010 Words
~Shantal~ Sa tent na kami nakatulog, at alas 6 ng umaga na kami umuwi sa bahay. Tinulungan ko rin siyang magligpit ng mga gamit at dinala 'yon sasakyan niya. "Oh gising na pala kayong dalawa, halina kayo at mag-almusal na," ani ni tita Janice nang makita kaming dalawa. "Good morning Tita Janice," bati naman agad ni Finley. "Good morning, mukhang napasarap ang bonding niyong dalawa do'n na kayo nakatulog, eh," may panunud'yong basos na sabi ni tita Janice. Nang tingnan ako ni tita ay nag-iwas ako ng tingin at nanginit sng mukha ko. Nahiya sako bigla, baka kasi kung ano ang naiisip ni tita. 'Wala namang nangyari, bakit ako mahihiya.' "Halina ka kayo at kumain na." Sumunod naman na kaming dalawa. "Tita, tulog pa po ba si Jaica?" "Hay, oo ayon tulog pa. Magdamag din silang nagtawagan ni Red kaya puyat din 'yon." Nagtinginan naman kami ni Finley at napangiti rin siya. Mukhang my love life ns nga talaga ang bestfriend ko. Masaya ako ara sa kan'ya, may tiwala rin naman ako kay Red at sobrang bait niya ring tao. Alam kong mamahalin niya ang kaibigan ko kung sila na nga. Masuwerte rin siya kay tita Janice dahil sobrang bait at napaka-suportive. "Sweetie, kumain ka na. May trabaho ka pa 'di ba?" "Oo nga pala, may meeting kami mamaya with a family friend kasama parents ko. Excited na rin akong ipakilala ka sa kanila." Napaangat naman ako ng tingin kay Finley hindi ko inaasahan na gusto na niya ako agad ipakilala sa mga magulang niya. "Huh?" tanong ko. "Uh-huh!" "Sa susunod na lang siguro, please?" pakiusap ko. "Okay, don't worry magugustuhan ka nila. I hope next time ay pumayag ka na. Alam kong matutuwa rin sila," ani nito. "Yes, next time." pangako ko. Nakakakaba na ma-meet ko agad ang mga parents niya. Hindi pa ako handa. Paano kung hindi nila sko magustuhan para sa anak nila? Ayaw ko mang mag-over think pero hindi ko maiwasan. Nang matapos kaming mag-almusal ay nagpaalam na siyang numalik na ng resort. "I have to go, Sweetie. Tatawagan kiita mamaya, okay? I love you." Hinalikan ako noo sa noo at labi. Gano'n talaga siya sa 'kin palagi at mas kinikilig ako. "I love you, too.. Okay, mag-iingat ka." Sumakay na siya ng kot'se at kumaway bago pinaandar ang sasakyan paalis. "Pumasok ka na do'n, babalik ako agad kapag hindi ako busy." Tumango naman ako at kumaway na rin. Nang makaalis na siya ay sinarado ko na ang gate at bumalik sa loob. Sakto namang nagising na si Jaica at naghihikab pa pababa ng hagdan. "Good morning." Nginting bati ko sa kan'ya. "Good morning best, kumusta ang date niyong dalawa under the full moon? Masaya ba? Anong ginawa niyo?" sunod-sunod na tanong niya. 'Tsimosa talaga!' "Maghilamos ka nga muna do'n!" Agad naman itong nartungo sa kusina. Ayan na naman siya sa mga katatanong niya. Ako nga hindi tinatanong ang tungkol sa kanila ni Red. Pero ang sa 'min ni Finley ay update ang loka. Pagbalik balik niya ay nakapag-asiskaso na siya ng sarili at ito na sasagutin ko ang mga tanong niya. "Best, anong ganao niyo kagabi do'n?" unang tanong niya. "Wala naman, kuwentuhan lang ng kung ano-ano at ng tungkol sa 'ming dalawa. May mga baon din siya inumin pero beer lang naman at pulutan nag-ihaw lang kami, 'yon lang." "Aahh..'yon lang? Wala nang iba?" Pinaningkitan ko siya ng mata ko. "Ano ba inaakala o diyan? Ikaw talaga uatak berde ka!" singhal ko sa kan'ya. "Hindi ah, ano lang... Hmmn..pero nagkiss kayo?" 'Jusko pari ba naman 'yon kailangan niya pa'ng malaman.' "Siyempre naman, tatanggi ka pa ba? Pero hanggang do'n lang, wala nang iba! Kaloka ka!" tinawanan niya lang ako. "Ah-hehe, okay. 'to naman. Chika lang nang kunti eh!" Inirapan ko siya. "Pero bestfriend, seryoso masaya ako para sa 'yo. Sa in'yong dalawa ni Finley, sana ay tuloy-tuloy na 'yan to the happy ending." Hindi na nakabalik si Finley at okay lang din naman, ang kaso ay hindi na siya nakatawag pa. Magdamag akong nahintay sa tawag niya, nag message rin ako sa kan'ya ngunit hindi siya nagreply hanggang sa nakatulugan ko na lang. Pagkagising ko kina-umagahan ay cellphone ko agad ang hinanap ko kung nagreply ba ito pero wala pa rin. Ayaw ko man ng ganitong pakiramdam ay dinadaga ang dibdib ako. Nag-aalala ako sa kan'ya, bakit siya nagrereply sa 'kin? Pinuntahan ko si Jaica upang ipatanong kung magkasama ba sina Red at Finley. "Best." Kumatok sko sa pintusn niya kung gising na ba ito. "Best, bukas 'yan pasok ka." Pimasok naman na ako agad. "Ahmmn...nag-aalala kasi ako kung dahil hanggang ngayon ay hindi nagrereply si Finley sa 'kin, hindi na rin siya nakatawag. P'wede ba'ng pakitanong kay Red kung magkasama ba sila?" "Hala...gano'n ba? Sige, wait lang tagawagan ko na," aniya at tinawagan niya na nga si Red. "Hi Red, good morning," bati niya muna. "Ah...Red, magkasama ba kayo ni Finley kagani or ngayon?" tanong nito. Fusto ko nsman agad malaman ang sagot ni Red kung ano man 'yon. "Ah, okay. Nag-aalala kasi si Shantal dahil hindi siya nagrereply sa mga message nitong kaibigan ko eh. Okay, bye Red. Hmmn..okay, I miss you too." Naputol na ang tawag kaya gusto ko nang malaman. kung ano na nangyari kay Finley. "Ahmmn.. Best, ayon naman pala. Nalasing lang sila kagabi dahil hindi umuwi ang parents ni Finley, nando'n rin daw ang mga kaibigan nilang sina Seth at Giovan. Pati na ang Family friend nila ay do'n na rin umano nagpalipas ng gabi," saad naman ni Jaica kaya nakahinga naman ako ng maluwag. "Okay, akala ko kasi kung ano na ang nanyari na naman. Nakaka-trauma na kaya," ani ko naman. "Oo nga naman best, pero 'wag ka nang mag-alala dahil okay na. Okay? Baka tulog pa siya kaya gano'n. Pag nagising 'yon ay ikaw agad ang tatawagan no'n kaya 'wag ka nang mag-alal okay?" Tumango naman ako. Tama! Ako na lang ang pupunta sa kan'ya dahil alam kong may hang over pa siya panigurado ang masakit ulo.. Ipagluluto ko siya ng mainit na sabaw, ara mahimasmasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD