~Shantal~
Simula no'ng araw na nagpang-abot Kami ni Bianca sa ospital at sa sinabing ni Finley na ayaw niyang magselos ang girlfriend niya nang dahil sa papunta ko do'n at magpaiwang mag-isa ay ako na mismo ang umiwas.
Totall hindi niya rin naman ako maalala, bakit pa ko pa ipagpilitan ang sarili ko. Nakakalungkot man ay wala na akong magagawa pa.
Sino ba naman ako? Mahal niya 'yon, samantalang ako ay limit na niya.
Nakakatawa dahil kung dati siya ang panay ang I LOVE YOU, sa 'kin. Ngayon siya naman ang mahal ko pero siya ay hindi na.
'Kaloka!'
Tapos ngayong umaga ay siya ang bubungad sa 'kin. Nakalabas na pala ito sa ospital nagulat man ako ay hindi naman ako nagpahalata at umakto na lang nang normal.
"Oh kayo pala Red, sandali lang tawagin ko si Jaica, ha!" agad na akong tumalikod upang tawagin si Jaica.
"Best, nandiyan sina Red at Finley sa baba," ani ko kay Jaica nang puntahan ko ito sa kuwarto niya.
"Ha! Teka Anong oras na ba? At Bakit Kasama si Finley?" takang tanong nito.
Nakinig balikat na lamang ako.
"Ewan ko, Hindi ko rin alam. Babain mo na muna lalabas lang ako at maglalakad-lakad. Ayaw ko siyang harapin at Naiinis lang ako," sabi ko pa. Tumango naman ito sa 'kin at bumaba na.
Ako naman ay Lumabas na at sa likod Bahay na dumaan kaba hindi nila ako makita.
Pero ngayon ay tulad nang dati, bigla pa rin siyang sumusulpot.
Nag-alala naman ako dahil parang may Iniinda siya.
"Finley! Anong ginagawa mo dito? Sandali ayos ka ang ba?" nag-aalalang tanong
"Sumakit bigla ang ulo ko!" Nataranta naman siya bigla.
"Ano?! Wait! Ano ba kasing nangyari? Ano dadalhin na ba kita sa ospital? Sobrang sakit pa ba? Kaya mo pa ba?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya, nataranta na 'ko.
"Hindi na! Okay lang ako, med'yo nawawala na rin naman. Pahinga ko lang sandali," ani nito kaya nakahiga naman ako nang maluwag.
"Ano ba kasi ang nangyari at sumakit 'yang ulo mo?
May iniisip ka ba? 'Di ba bawal sa 'yo 'yon?" Tinanguan niya lang ako.
"Oo! Narinig ko lang kasing kumakanta ka tapos parang pamilyar siya sa 'kin. Iniisip ko kung saan ko ito narinig," nabigla naman ako sa sinabi niya 'yon.
"So, kasalanan ko pa pala?" Inalalayan ko na itong tumayo.
"Kinanta ko 'yon do'n sa sea sides no'ng unang gabing dumating ako dito.
Inaya ako ni Jaica na do'n pumunta sa resort na pagmamay-ari mo pala.
Tapos pinakanta ako no'ng gabing 'yon dahil sa kagagawan ni Jaica.
At 'yon na nga ang kinanta ko," saad ko sa kan'ya.
'Yon din ang unang araw na magkakilala kilala Kami sa mall.
"Kaya pala pamilyar, pero hindi ko maalala kung saan," tugon niya naman.
"Hayaan mo na muna 'yon! 'Wag ka na muna mag-isip at baka makasama pa sa 'yo kung mag-iisip ka pa lalo niyan."
Lihim akong napangiti kahit papaano ay may konti siyang naalala sa kanta ko. Sana ay hindi nagtagal ang amnesia niya, Sana bago ako makabalik sa 'min ay Nakakaalala na siya.
"Bumalik ka na do'n sa bahay, dito na muna ako," ani ko sa kan'ya para makapag-pahinga siya.
"Hindi, okay lang ako. Kaya ako sumama dito kay Red dahil sa 'yo," sabi niya.
'At bakit naman kaya!'
"Bakit naman? Hindi mo naman ako maalala 'di ba?"
'Mukhang nagbago ang isip nang ng hangin.'
"Gusto ko lang mag-sorry sa nasabi ko do'n at sorry sa ginawa ni Bianca. I'm sorry Shantal."
Hindi sana 'yan ang gusto kong marinig mula sa kan'ya pero keri na rin. "Okay lang, tama ka naman talaga kaya ayon nga ang nangyari dahil nagselos na siya. Pero hindi ako papayag na pagsalitaan niya ako nang gano'n kaya hindi ako magso-sorry sa ginawa ko, noh!" Inirapan ko pa siya pagkasabi ko no'n.
Mahina lang siyang natawa. 'May nakakatawa ba sa sinabi ko?'
"Alam mo Gusto ko nang bumalik 'yang alaala mo, tapos kakaltikan kita kung bakit ka ba naaksidente?" inis kong tanong sa kan'ya.
"Ewan ko rin, hindi ko din talaga maalala.
Gusto ko na rin naman bumalik ang alaala ko, eh.
Kung puwede nga lang i-untog 'tong ulo ko ay bakit hindi kung 'yon ang paraan na bumalik," anito.
"Puwede naman tayong mag-umpisa ulit 'di ba? Hayaan mo'ng kilalanin ulit natin ang isa't isa." Tinitigan ko siya kung seryoso ba siya sa sinabi niya mukhang oo naman.
"Eh, Bakit mo naman gagawin 'yon? Ikaw na mismo nagsabi na baka magselos ang girlfriend mo. Lalo siyang magagalit kapag gano'n," sabi ko pa.
"Hindi 'yan, akong bahala." Napailing na lang ako sa kan'ya.
"Tara! Balik na nga lang tayo do'n sa bahay." Hiniling ko na siya pabalik.
"Oh! Nandito na sila, buti nahanap mo si Shantal," ani ni Jaica nang makarating kami.
"Oo nga eh! Tulad nang dati para pa rin siyang kabote na bigla na lang sumusulpot," ako na ang sumagot.
"Nagugutom ka ba?" Kay Finley.
"Kayong dalawa? Kumain na ba kayo?" tanong ko naman kina Red at Jaica na patay ang lambingan.
"Hindi pa," tugon naman ni Jaica.
'Kita mo 'tong babaita na 'to! Hindi man lang pinaghanda nang makakain ang bisita niya.'
"Sige, ipaghahanda ko kayo." Agad naman akong nagtungo sa kusina at tumingin sa ref kung ano ang puwede.
Pero hindi alam na sumunod pala si Finley sa akin. "Naupo ka na muna d'yan, ihahanda ko lang 'to," ani ko sa kan'ya at naupo naman siya agad.
''Gusto mo ba'ng tulungan kita?" prisinta niya naman.
"Naku 'wag na, aupo na lang diyan," mabuti na lang at nagluto kami ni tita Janice ng bibingkang malagkit. Pagkatapos no'n ay pinagtimpla ko sila ng hot chocolate na galing sa bagong giling na cacao.
Inilapag ko na sa harap niya ang Ginagawa ko at hinalikan ko naman 'yong dalawa sa sala.
"Wow ang sweet naman, thank you best. The best ka talaga." Sabay kindat.
'Loka!'
Pagbalik ko sa kusina ay hindi pa rin nagagalaw ni Finley ang pagkain niya. "Oh bakit hindi ka pa kumakain? Hindi mo ba nagustuhan?'' tanong ko rito.
"Yeah hinihintay kita, sabay na tayo na tayo," natuwa naman ako dahil hininga niya pa talaga ako.
"Sus! Sige na, kumain ka na diyan." Kumuha na rin ako ng sa akin.
''Ang sarap nito, bagay sa hot chocolate." Tipid lang akong ngumiti sa kan'ya.
Humigop ako ng chocolate at nagulat ako nang pigilan niya pagkatapos kong humigop no'n.
"Wait, may chocolate ka sa gilid ng bibig mo!"
"Huh?" Akmang pupunasan ko na sa na ngunit nabigla ako sa ginagawa niya.
Mabilis niyang tumawid ang pagitan namin dalawa sa lamesa at hinalikan niya ako sa labi.
Ako naman ay hindi nakahulma.
'Gago! Bakit niya ginawa 'yon?'
"Sayang kaya akin na lang, masarap kasi." Nang napagtanto ko ang ginawa niya ay sinamaan ko siya nang tingin.
Siya naman ay pangiti-ngiti habang muling sumubo na parang walang nangyari.
'Lintik na 'to! Kahit walang maalala ay hindi nagbago ang ugali.'