~Finley ~
Ngayong araw ang labas ko sa ospital dahil okay na rin naman ang mga result ng mga test ko.
Kasama ko sina mom and dad pati si Bianca ay nandito paying ang tatlong kaibigan ko.
Sinabi kong sa resort ako uuwi, no'ng una ay ayaw pa nina mommy pero wala silang nagawa sa gusto ko.
Ipapadala niya na lang ang isang kasambahay namin sa mansion kay pumayag na lang ako.
Si Bianca naman ay todo ang alaala sa akin. Simula nang malaman ko ang totoo ay nawalan na ako nang gana kay Bianca. Hindi naman siguro magsisinungaling 'tong mga 'to!
Hindi na rin talaga nagpakita sa 'kin si Shantal.
Iniwasan na niya ako.
Si Red na lang din ang pumupunta sa bahay nila Jaica upang damalaw.
Kapag tinatanong ko naman kung kinukumusta ako nito ay hindi naman daw.
'Bakit gano'n? Parang naba-badtrip ako!'
Pero gano'n pa man ay may nararamdaman pa rin ako kay Bianca, pero hinahanap ko rin ang prisensiya ni Shantal.
Nakakalito
"Wow! Ang ganda naman dito suit mo Love, ikaw lang ba talaga mag-isa dito?" manghang tanong naman ni Bianca.
"Yeah!" tipid kong sagot.
"Anak! Sigurado ka na ba'ng okay ka lang dito?" tanong ni naman ni mommy sa 'kin.
"Of course, Mom. Wala naman akong sakit, nakalimot lang," tugon ko.
"Ah... Tita, puwede ko naman po samahan si Finley dito kung gusto niya," ani naman ni Bianca na agad ko naman tinutulan.
"No! I want to be alone. Ayaw ko nang istorbo."
Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako nagpapapunta ng babae dito. Ngayon lang din talaga si Bianca nakapunta dito at hindi rin ako papayag na samahan niya ako dito.
Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin niya.
Wala pa sa isipan ko ang pag-aasawa, at hindi siya ang naiisip kong mapangasawa.
"Pero gusto kitang samahan Love, baka kasi kung napano ka, eh," pagpupumilit niya.
"Hindi puwede, may mag-aasikaso sa 'kin dito. Nandito ang kasambahay namin kaya okay lang ako," wala na siyang nagawa sa gusto ko.
Ilang saglit lang ay nagpaalam na muna mom, Sumabay na rin sa kanila si Bianca. Mabuti nga 'yon dahil pana'y ang pag-iinarte niya sa 'kin.
"Paano brow, anong gagawin mo ngayon dito? Kaya mo na ba magtrabaho?" tanong naman ni Seth sa kin. Magkakasama kaming nakaupo dito sa sala.
"Naka-leave ako, ang secretary ko na muna ang bahala.
Red, samahan mo 'ko bukas kina Jaica. Gusto kong makita si Shantal," ani ko na kinaligon nilang tatlo sa 'kin.
"Bakit? May naaalala ka na ba tungkol sa kan'ya?" maang na tanong nito sa 'kin.
"Hmmn… Wala naman, kaya nga gusto ko siyang makita baka may maalala ako, eh," saad ko na ikinatango na lamang nila.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo! Pero paano kung biglang dumating si Bianca? Anong gagawin mo?" sabat naman ni Seth.
"Hindi 'yan, akong bahala," pagagawan ko nang paraan sa secretary ko para hindi matuloy ang pagpunta ni Bianca dito bukas.
"Ngayong alam mo naman ang totoong wala naman na talaga kayo ni Bianca, papayagan mo pa rin ba siyang umasyang girlfriend mo, brow?" tanong ni Giovan kaya napaisip naman ako.
Oo nga naman, baka kung anong isipin niya.
Kaya dapat ko nga itong makausap sa lalong madaling panahon.
Kinabukasan ay sumama nga ako kay Red papunta kina Jaica.
Malapit lang naman pala ang bahay nila, ilang minuto lang ang papunta sa kanila.
Sabay kaming baba ng sasakyan ni Red at nauna naman siyang pumasok ng gate dahil nakatanggap ito nang kunti.
"Tao po! Tita Janice!" tawag ni Red.
"Tao po!" Bigla naman bumukas ang pinto at lumabas si Shantal. Med'yo nagulat pa siyang nang makita kami, o ako. Pero kalaunan ay parang natural na lang sa kan'ya.
"Oh kayo pala Red, sandali lang tawagin ko si Jaica, ha!" agad na itong tumalikod at iniwan kami.
Maya-maya lang at lumabas si Jaica ngunit hindi kasama si Shantal.
"Uy! Nakalabas ka na pala Finley, kumusta naman ang pakiramdam mo?" tanong nito bago lumapit kay at halik sa pisngi nito.
"Okay na 'ko, thanks," mukhang hindi lang basta nanliligaw ni Red kay Jaica. Palagay ko ay sila na.
Naghindtay ako nang ilang saglit pero hindi pa rin bumabalik si Shantal, hindi ko na ito muli pang nakita kung kaya't nagtanong na ako kay Jaica.
"Ah… Jaica! Nasaan na si Shantal?" tanong ko.
"Naku! Umalis na!" Kumunot ang noo ko dahil saan naman ito pupunta, at hindi naman siya sumasama dito.
"Ha? Saan? Eh, Hindi nga siya dumaan dito," sabi ko pa.
Natawa naman si Jaica. "Siyempre, do'n sa likod bahay. Puwede naman do'n," aniya.
"Eh, saan mga siya nagpunta?" muling kong tanong.
'Hindi niya man lang ba ako kukumustahin?'
"Diyan lang 'yon sa tabi-tabi, gan'yan naman siya palagi. Naglakad-lakad lang 'yon, ang paborito no'n ay sa dalampasigan," dagdag pa nito.
"Eh, Bakit siya umalis? Kita niyang nandito kami ni Red," may inis kong sabi.
Dati dinadalaw ako tapos ngayon ayaw akong pansinin.
"Luuuhh! Siyempre, alam niya naman na si Red ang bisita ko!
Kaya ito na nga, oh! Kausap ko na!" tugon naman ni Jaica.
"Eh, ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Luuuhh! Anong ikaw? Malay ko ba na kasama ka!
Alangan naman na ako ang dinadalaw mo?
Kung si Shantal naman pala ang sad'yang mo kanina ba't hindi mo sinabi sa kan'ya?"
'Hanep! Sermon ba naman ako!'
"Paano nga! Hindi naman siya bumalik dito! Tapos nakaalis na pala!" maktol ko dahil nayayamot na 'ko.
"Aba'y hanapin mo! Lumabas ka riyan at hanapin mo si Shantal. Kaloka ka!"
Inis kong tumayo at lumabas nang bahay niya Jaica.
Malapit nga naman pala ito sa tabing sa
dagat kaya naglakad ako papunta do'n.
At nang makarating nga ako ay saglit akong tumigil.
Lumanghap ako ng sariwang hangin at tinanaw ang malawak na karapatan.
Parang ngayon ko lang ulit nagawa 'to! Nasa resort nga ako pero hindi ko man lang nagawa itong simpleng bagay na ito.
Paglingon ko ay may natanaw akong tao sa med'yo malayo pero halatang babae ito.
Pinagmasdan ko itong muli, kung hind ako nagkakamali ay si Shantal nga ito.
Naglalakad ito at minsan ay nakikipag-habulan sa mga maliliit na alon.
Agad ako naglakad patungo sa kan'ya. Gusto ko siyang makausap at humingi nang pasensiya sa ginagawa ni Bianca.
Habang papalapit ako ay naririnig ko siyang kumakanta, kaya dahan-dahan lang akong lumapit sa kan'yan.
O kay sarap
Sa ilalim ng Kalawakan
Samahan mo akong
tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan
At bituin sa pagmamalan nating dalawa,
Nating dalawa~ ~ ha~
Tama nga sina Seth, ang ganda nga talaga ng boses niya.
Tanaw pa rin kita sinta
Kay layo ma'y nagniningning
Mistula kang Tala.
Sa tuwing tayo'y magkabilang
Mundo, isang tingin ko lang
Sa buwan mapalapit
Na rin sa 'yo.
Langit ay nakangiti
Nag-aabang sa sandaling
Buong paligid at nasasabik
Sating halik.
Parang pamilyar sa 'kin ang kinanta niya, hindi ko matandaan kung saan. Med'yo sumakit tuloy ang ulo ko.
Chorus :
O kay sarap
Sa ilalim ng Kalawakan
Samahan mo akong
tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan
At bituin sa pagmamalan nating dalawa,
Nating dalawa~ ~ ha~
"S-shantal," mahinang tawag ko sa kan'ya. Hawak ko angulo ko dahil sumakit na talaga ito.
Agad naman siyang lumingon na't nagulat nang makita ako.
"Finley! Anong ginagawa mo dito? Sandali ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa 'kin.
"Sumakit bigla ang ulo ko!" Nataranta naman siya bigla.
"Ano?! Wait! Ano ba kasing nangyari? Ano?
Dadalhin na ba niya sa ospital?
Sobrang sakit pa ba?
Kaya mo pa ba?" Kahit na masakit ay hindi ko mapigilan matawa sa reaksiyon niya.
"Hindi na! Okay lang ako, med'yo nawawala na rin naman. Pahinga ko lang sandali," kalamado kong sabi sa kan'ya.
"Ano ba kasi ang nangyari at sumakit 'yang ulo mo?
May iniisip ka ba?
'Di ba bawal sa 'yo 'yon?" Tumango naman ako.
"Oo! Narinig ko lang kasing kumakanta ka tapos parang pamilyar siya sa 'kin. iniisip ko kung saan ko ito narinig," sabi ko.
"So, kasalanan ko pa pala," aniya at inalalayan akong tumayo.
"Kinanta ko 'yon do'n sa sea sides no'ng unang gabing dumating ako dito.
Inaya ako ni Jaica na do'n pumunta sa resort na pagmamay-ari mo pala.
Tapos pinakanta ako no'ng gabing 'yon dahil sa kagagawan ni Jaica.
At 'yon na nga
ang kinanta ko," saad niya sa 'kin.
'Tama nga, ang kuwento ng mga kaibigan ko sa 'kin.'
"Kaya pala pamilyar, pero hindi ko maalala," tugon ko naman. .
"Hayaan mo na muna 'yon!
'Wag ka na muna mag-isip at baka makasama pa sa 'yo at lalong hindi mo na ako maalala," aniya na ikinatigil niya.
"Sorry."