Red
Masaya ako para sa kaibigan ko na sa wakas ay nagkabalikan na sila n Shantal. Ngayon ay masaya na ang mga ito ay buo na ang pamilya nila dahil may anak na rin silang dalawa.
Napatingin naman ako sa babaeng pinakamamahal ko, at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang magiging daddy na rin ako.
'Bulls eye.'
Ganito pala kasaya kapag magiging ama ka na, ngayon ay pareho na kami ng nararamdaman ni Finley.
Ang pinagkaiba lang ay masusubaybayan ko ang pagbubuntis ni Jaica.
Hindi tulad sa kan'ya na hindi niya 'yon nagawa kay Shantal dahil nga nagkahiwalay sila. Well, mararanasan niya pa ri naman 'yon sa mga susunod pa nilang anak.
Pero iba pa rin talaga kapag first time, mas masaya.
Kaya pinapangako kong iingatan ko talaga ang mag-ina ako.
Balak ko na rin na sabihin sa parents ko na magkakaanak na ako sa lalong madaling panahon at sana ay hindi magka-problema, may tiwala akong hahayaan nila ako sa kung saan ako masaya.
"Love, okay ka lang ba? Baka pagod ka na?" pag-aalala kong tanong rito nang lapitan ko ito.
"Ano ka ba, hindi naman. Ayos lang ako no! Do'n ka na sa mga kaibigan mo, okay lang ako rito," pagtataboy niya sa 'kin. Napapansin ko na pa rang ayaw niya akong kasama at naiinis siya sa 'kin palagi.
Inis akong bumalik kina Seth at Giovan.
"Oh, bakit nakabusangot ka naman diyan brow?" tanong ni Seth nang makalapit ako.
"Hulaan ko, inaway ka na naman ng maingay na 'yon no?" dagdag pa niya. Bumuntong-hininga naman ako.
"Mainit ulo sa 'kin, ayaw akong makasama," inis kong sabi.
"Gan'yan talaga kapag raw naglilihe brow. Kaya magtiis ka! Binuntis mo eh!" kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
Nagtawanan pa silang dalawa.
"Tsk! Ewan ko kapag sa in'yong dalawa mangyari 'to!
Pagtatawanan rin namin kayo ni Finley," sabi ko sa kanilang dalawa.
'Tsk! Kampi kayo ngayong mga ugok kayo!'
"Matagal pa 'yon! Wala pa, hindi ko pa nga drawing ang magiging panganay ko, eh," pagyayabang pa ng gag*
'Tingnan lang natin, makarma ka sanang ugok ka!'
"Tara na!" aya ni Seth dahil papunta na kami sa reception kahit hindi na tumuloy do'n 'yong bagong kasal.
Binalikan ko naman sina Jaica at tita Janice upang sa 'kin na sila sumabay.
"Love, let's go," aya ko at inalalayan na siyang maglakad. Mahirap na at baka madulas pa siya, mabuti at hindi naman ito tumutol. Akala ko ay aayaw na naman eh!
"Hmmn..love," aniya kaya binalingan ko naman ito.
"Bakit?"
"Gusto ko nang mais, bili mo 'ko," ngayon ay malambing dahil ay may gusto pa lang ipabili.
"Sure, ihahanap kita," sabi ko naman.
"Talaga! Thank you, love. Gusto ko 'yong may violet na mais ha! Parang ang sarap kasi tapos ang ganda niya kasi violet," masaya niyang pa'ng sabi.
Napa-tanga na lang ako. Saan naman ako maghahanap no'n ngayon? Oo nakakita na ako no'n pero madalang lang.
"Love, paano kung walang gano'n? Okay lang ba kahit sweet corn na lang? Masarap din naman 'yon at pareho lang silang mais," ani ko naman.
"Ayaw ko no'n!" agad naman na siyang sumimangot, hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Gusto ko 'yong may violet na mais, gusto 'yong kainin," maktol pa nito kaya wala na akong nagawa..
"Okay, 'wag ka nang sumimangot. Maghahap ako, promise," magpapatulong na lang ako sa dalawa.
Kumalma naman ito sa sinabi ko. Ganito pala talaga kapag naglilihi ang buntis, ang weird.
Hindi naman na kami nagtagal sa reception at gano'n din sina Seth at Giovan.
Nakausap ko na silang dalawa na tulungan akong maghanap ng mais na gustong kainin ni Jaica at pumayag naman silang dalawa kahit pa sinabi pa nilang mukhang mahihirapan kaming maghanap no'n.
Inihatid ko na muna sina Jaica sa condo ko, nang mag-usap na kami tungkol sa pagbubuntis niya do'n sa bahay nina Shantal ay nakiusap akong sa akin na lang muna siya tumuloy hangga't nasa maynila pa sila.
Mabuti na lang at naging maayos rin kami kahit na nahirapan akong suyuin siya sa kagagawan ni Seth.
Akala niya kasi ay totoong may babae sa office.
Kung nagkataon ay hindi ko na siya makakasama kung nakipaghiwalay siya sa 'kin.
Hindi ko yata makakaya 'yon lalo na't magkakaanak na kami.
"Tita, maiwan ko nam muna po kayo rito. Hahanapin ko lang po 'yong gustong kainin ni Jaica," paalam ko nang makarating kami sa condo.
Nangunot naman ang noo ni tita. "Bakit, ano ba ang pinapabili niyang pagkain?" tanong pa nito sa 'kin.
"Ahmm..mais raw po na may kulay violet." Napakamot pa ako sa ulo ko.
"Juskong bata talaga! Ano, alam mo ba kung saan ka makakabili no'n?" Umiling naman ako agad dahil hindi ko talaga alam.
Susubukan pa lang namin sa mall.
"Sa palengke kayo maghanap nang gano'n at baka mayro'n. Wala naman kasi gano'n sa mall, kung mayro'n man ay bihira siguro," nagkaro'n naman ako nang pag-asa sa sinabi ni tita.
"Gano'n po ba, salamat po. Kayo na munang bahala dito Tita at maghahanap na po kaming tatlo," paalam ko. Si Jaica naman ay nasa kuwarto na kaya hindi ko na ito inistorbo pa.
"Sige, mag-iingat kayo ha!" Tumango naman ako bago lumabas ng pintuan.
"Tara!" Sabay na kaming umalis, iniwan na lang nila ang mga kotse nila kaya magkakasama kaming tatlo ngayon.
'Tsk! Mga kuripot sa gas.'
"Saan tayo maghahanap ng violet na mais na 'yan?" tanong ni Giovan.
"Diretso palengke na tayo, 'yon ang sabi ni Tita Janaice. Mas may chance na makahanap tayo no'n sa palengke," ani ko sa kanila.
"Ayos din talaga trip niyang girlfriend mo eh, no!
Kaya ayaw kong nang girlfriend eh," sabi pa ni Giovan ngunit hindi ko naman na pinansin. Nang makapag-park na kami ay agad na kaming lumabas.
Halos lahat naman ay nakatingin sa 'ming tatlo, marahil ay nagtataka sila sa suot namin tapos nadito kami sa palengke.
"Brow, saan tayo?" ani ni Seth.
"Magtanong na lang muna tayo kung saan banda tayo makakakita no'ng mais na 'yon!" Lumakad na kami palapit sa mga tindera upang magtanong.
"Ahmm..excuse me po," aning tanong ko sa tindera
"Ate, alam niyo po ba kung saan kami makakahanap dito ng mais na may kulay violet?"
Nangunot naman ang noo ng trindera, pati siguro siya ay nagtaka na rin kung bakit hinahanap ko 'yon!
'Sana naman ay mero'n.'