Red
"Ay, 'yon ba? Nado'n 'yon banda sa kanto niyang bilihan ng mga ulam, kabila niyan ay mga gulayan na. Do'n ka makakahanap niyang mais na sinasabi mo, bilisan mo at baka maubos na 'yo ngayon," nagpasalamat naman ako kay ate dahil sinabi niya kung saan ko makikita ang mais na 'yon.
"Salamat po ulit." Bumalik naman ako sa dalawa.
"Oh, alam mo na?" Tumango ako.
"Nando'n raw sa kanto nang palaisdaan, tara," aya ko sa kanila at sumunod naman silang dalawa sa 'kin.
Nang makarating kami ay masuwerteng nakaabot pa kami kaya bumili na ako ng limang kilo. Agad kong binayaran 'yon upang makaalis na kami.
Nang pabalik na kami ay parang nagkakagulo sa daanan namin pabalik, nagkukumpulan ang mga tao ro'n.
"Brow, may nag-kakagulo do'n. Ano, dadaan pa ba tayo ro'n?" ayaw ko naman na umiikot pa dahil mas malayo at gusto ko nang makauwi.
"Oo, pakialam naman ba natin sa gulo nila? Dadaan lang naman tayo at hindi do'n mismo kung saan sila nag-aaway," sabi ko pa bago nagpatuloy maglakad.
Nang med'yo malapit na kami ay naririnig naming nagtatawanan pa ang iba at nagsisigawan kaya napatigil kaming tatlo.
"Sige Alex, gulpihin mo 'yan! Walang kadala-dala 'yang mga 'yan!" dinig naming sabi no'ng isang ale.
kaya napatingin kaming tatlo sa kung sino ang Alex na sinasabi at kausap ng ale. "Sige po, akong bahala sa ulupong nato!"
Hinila niya sa balbas ng kalbong lalaki kaya napadaing ito sa sakit. "A-aray!"
"Ah…talaga? Masakit?! Ang kapal nang mga mukha niyong mang dugas sa mga naghahanap buhay ng maayos dito, kayo nag itong malalaki ang katawan ay ubod ng batugan," may diing sabi niya lalaki at isinalya sa isang sulok. Saka na namin napansin ang dalawa pa'ng kasama nito na nakahandusay sa lupa at sapo ang mga mukha at may mga bangas.
"Brow, siya ba ang may gawa niyan sa dalawang 'yan?" tanong naman ni Seth, parang timang kita niyang sabay lang kaming nakatunghay.
"Malamang, sino pa ba?" tugon ko naman.
"Hanep, ang astig niya! Napatumba niya 'yang tatlo na siya lang mag-isa," bilib na sabi na ni Seth at tumango-tango naman ako. Mas lumapit pa kaming tatlo upang makita pa namin nang mas malapitan.
Nasa bandang harap na namin ang dalawang lalaking nabugbog na niya kanina. "A-alex, sorry na! H-hindi na mauukilt…pangako," pagmamakaawa ng lalaking hawak nito.
"Bruno.. Bruno… Tsk! Tsk! Tsk! Ilang beses mo na ba sinabi sa 'kin 'yan? Tinutupad mo ba? Ha?! bulyaw niya pa dito kaya natulig naman 'yong tinawag nitong Bruno.
"Pangako, hindi na talaga kami uulit. Pakawalan mo na kami," pagmamakaawa pa nito sa kan'ya ngunit inismiran niya lang na tila hindi na niniwala sa anumang pakiusap ng lalaki.
"Ang lakas ng apog niyong mangutong sa mga naghahanap buhay dito kanina! Tapos ngayon ay parang kang maamong tupa sa harap ko!
Nasa'n ang mga pera?" Umalisto naman ang lalaki and dumokot sa bulsa upang kunin ang mga perang kinuha nito sa mga tao.
"Ito na…ito na oh!" Pagmamadaling dukot nito sa pera binabawi nang astig na babae.
"Kayo! Nasa'n na ang ibang pera? Ilabas niyo na 'yan!" untos nito sa dalawang lalaki na sumunod naman agad, inilabas nila ang mga perang nakatago pa at kinuha 'yon. Sumenyas ito sa isang tindera na lapitan siya at paglapit naman nito ay ibinigay niya ang pera.
"Kayo na po,mag alik ng mga pera nila, kayo na po ang bahala," aniya
"Naku! Maraming salamat talaga Alex, paano na lang kapah wala ka na dito? Sino na ang magtatanggaol sa amin?" Ngumito naman si Alex napansin ko namang titig na titig si Giovan rito kaya napangisi ako.
Pero hindi ko muna siya tatanungin kung ano ang ibig sabihin ng mga titig niyang 'yon.
Bigla namang dumating ang mga tanod kaya dinampot na agad ang mga,nang gulping mga kalalakihan. "Alex, kami na ang bahala sa mga 'to," sabi naman ng isang tanod sa kan'ya.
"Sige, samalamat din po," muki niya binalingan ang tatlong lalaki at inisa-isan..
"Hoy! Kayong tatlo makinig kayi sa 'kin ha! Kapag nalaman-laman k at natiyempo ko pa kayo ulit na mangutong sa kahit sino dito ay hindi ang 'yan ang aabutin niyo sa 'kin, maliwanag ba?! Nagsitanguan naman ang mga ito na pawang takot sa kan'ya.
"Good! Sige na!" Agad naman nang umalis ang mga ito kasama ng mga tanod.
After 2 years
~Gabby~
Muli akong bumalik ng pilipinas dahil pinauwi ako ni Mommy, ikakasal na kasi si Kuya Gavin. At siyempre kailangan kong dumalo, isa 'yon sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay ng kuya ko.
Hindi na ako nagpasundo dahil wala naman ako gaanong dala. Ang alam nila ay nextweek pa ang uwi ko pero gusto ko silang i-surprise.
Pagdating ko sa tapat ng bahay pinagmasdan ko muna ito. Nakakamis at wala nagbago, napatingin naman ako sa tapat namin, ang bahay nila Sky.
Bigla akong nalungkot. 'Kumusta na kaya siya?' Kasunod no'n ay pumasok na ako sa loob.
" Surprrriiiiissssseeeee!" Sigaw ko. Napalingon naman ang mga nakaupo sa sala.
"Anak!" Nabibiglang usal ni Mommy.
"Yes mom, I'm back," masaya kung sabi.
Sinalubong ko na ito agad ng yakap. Maging sila kuya ay hindi makapiwalang nakatitig sa akin.
"Welcome back, Princess. We miss you," ani naman ni kuya Glen.
"Same to you mga kuya, nasa'n si Daddy?" tanong ko.
"Wala pa, may pinuntahan sila ni kuya Gavin. Halika na at maupo ka." Hinila na ako ni Kuya paupo. Si Mommy naman ay paniguradong kumuha na naman ng makakain.
"Grabe princess, mas lalo kang gumanda. Sayang hindi na makikita ni–"
"Pssshtt.." Biglang pigil ni kuya Glen kay kuya Giovan.
Nagtaka ako pero hindi ko na inintindi dahil dumating na si Mommy na may dalang pagkain.
Habang masaya kaming nagtatawanan dahil nagkukuwento ako sa kanila ng mga na-experience ko sa US ay biglang narinig kong may tumahol na aso. Naalala ko si Light ang aso ko.
"Mom, si Light na ba 'yon?" tanong ko.
Maya-maya ay may taong papalapit sa pinto kaya napalingon kami.
"Tita! Tita Gretta?" bigla akong natulos sa kina uupuan ko, kilalang-kilala ko ang boses kung kanino 'yon.
Alam kong magkikita kaming muli pero hindi ko inaasahang agad-agad, hindi pa ako handa.
At nang makarating na siya sa bungad ng pinto ay nagulat ako. Hawak niya ang tali ni Light at may stick rin siyang hawak.
"Tita, ibabalik ko na po si Light. Hihiramin ko na lang po siya ulit, salamat," aniya.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
'Bulag ba siya?' Bakit siya nagka gano'n?'
"Sky...okay lang kahit do'n na muna sa 'yo si Light," sabi naman ni Mommy sa kan'ya.
"Okay lang po tita, kabisado ko naman na po ang daan pauwi. Sige po, uwi na po muna ako." Paalam nio at umalis na.
Naiwan akong Nakatitig pa rin sa pinto. Kahit lumipas na ang dalawang taon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kan'ya.
Naninikip ang dibdib ko, gusto kong magtanong sa kanila pero hindi ko magawa. Kinalma ko ang sarili ko, sila naman ay tahimik lang din nang tingnan ko sila ay pare-pareho ang nakikita ko sa mga mata nila, kalungkutan.
"Mom," 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ang kanang kamay ko nasa dibdib ko patuloy kong hinahaplos dahil para itong sinasakal.
"Alam ko anak, gusto mo na bang pag-usapan?" tanong ni Mommy kaya tumango naman ako.
"Halika, do'n tayo sa kuwarto mo." Sabay kaming nagtung sa kuwarto ko. Namiss ko rin talaga ito kaya agad na humiga ako do'n.
Pero umupo rin ako agad at tinabihan naman ako ni Mommy. "Anak, marami ang biglang nangyari nang umalis ka," simula nito, pero halata sa boses ang lungkot.
"Anak no'ng umalis ka ay hindi matanggap ni Sky, nagulat siya sa sulat na binigay mo.
Nang matapos niya 'yong basahin ay agad siyang pumunta dito.
Umiiyak at ayaw niyang maniwala talagang umalis ka," tila nagbalik na naman sa 'kin ang sakit. No'ng araw na nagdesisiyon akong umalis.
"Hinanap ka pa niya dito sa bahay, hinalughog niya pa lahat ang puwede mong pagtanguan, hinayaan lang namin siya no'n anak, dahil hindi rin naman alam kung ano ang sasabihin upang kumalma siya," Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha.
'Nagsisisi ako, sana pala ay hinintay ko siya.
Hinintay kong magpaliwanag siya.. Hindi sana nangyari sa kan'ya ang ganito..
kasalanan ko 'to.'
"Pareho lang kayong biktima anak, at mas masakit ang sa parte niya dahil ang inakala niyang 'yon ang dahilan kung bakit niya nagawa ang magsinungaling sa 'yo ay siya mismo ay hindi alam na niloloko lang siya ng mag-amang 'yon." Agad naman akong Napalingon sa sinabi ni Mommy.
"W-what d-do y-you mean?" Nauutal kong tanong ka Mommy habang umiiyak.
"Niloko lang nila si Sky, ang sabi sa kan'ya no'ng Daddy ni Deniece ay nang dahil daw sa pakikipaghiwalay ni Sky sa anak niya ay inataki ito sa puso kung kaya't nasa ospital ito at malubha," patuloy lang akong nakikinig sa kuwento ni Mommy.
"Pero palabas lang pala 'yon ni Deniece. Dahil may sakit nga siya pero hindi sa puso, kun 'di sa pag-iisip.
May Bipolar Disorder siya, anak.
Hindi pinaalam ng Daddy ni Deniece kay Sky, bagkus ay kinonsinti niya pa ito."
"Paano nagawa ng Daddy ni Deniece 'yon? Mom?" tanong ko.
"Baliw ang anak niya, dapat ay sa mental hospital niya pinagamot si Deniece, at bakit pumayag ang ospital na i-confine do'n si Deniece?" sunod-sunod kong katanungan.
"Kaibigan ng Dad ni Deniece ang may-ari ng hospital anak kaya gano'n," patuloy ni Mommy.
"At nalaman namin lahat sa tulong ng kapatid ni Rhaine na doon nakaduty, at dun mismo ang nurse na nag-aasikaso ni Deniece." Nasapo ko ko ang noo ko. Pakiramdam ko ang sama-sama ko, pati ako ay isa sa dahilan kung bakit nagka gano'n si Sky.
Mali dahil ako naman talaga!
"M-mom bakit nagka gano'n a-ang m-mga m-mata n-ni, S-sky?"
"Nong araw na umalis ka ay pinilit ka niyang sundan..hinabol pa namin siya, eh.
Pero ayaw niyang papigil, naaksidente siya, may nakasalubong siyang sasakyan.
At dahil sa nabasag ang salamin ng sasakyan niya at napasukan ng bubog ang mga mata niya, anak."
Tuluyan na akong napahagulhol sa nalaman ko kay Mommy, walang ibang may kasalanan kun 'di ako!
Kasalanan ko! Kung sana hindi ako umalis! Kung sana pinagpaliwanag ko siya.
Nadala ako ng galit ko! Nagpabulag ako!
'I'm sorry Sky, patawarin mo 'ko
Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan.. Gusto ko siyang yakapin at iparamdam muli ang pagmamahal ko sa kan'yang hindi naman nawala kahit kailan.
Gagawin ko ng lahat mapatawad niya lang ako, at sana ay katulad ko ay hindi rin nawala ang pagmamahal niya sa 'kin.
'May karapatan ka pa ba sa pagmamahal niya Gabby? Deserved mo pa ba? Pagkatapos mo siyang iwan?'