Red
Habang pauwi kami ay tahimik lang si Giovan na pawang may iniisip. Si Seth naman ay abala sa celphone nito at pangiti-ngiti pa.
Tumikhim naman ako kunwari kaya napatingin si Giovan sa 'kin. Naisip ko lang 'yong babae do'n kanina, maganda ba Brow?" Nagsalubong naman agad ang kilay niya sa sinabi ko.
"Saan do'n?" kunwaring maang niya pa.
"Sino pa? E 'di 'yong Alex," sabit ko sa pangalan ng babae.
"Tss...'yon? Aba'y malay ko," walang gana nitong sagot sa 'kin na halata naman umiiwas dahil hindi ito tumitingin sa 'kin.
"Seth, ikaw ano sa palagay mo? Maganda ba 'yong Alex?" tanong ko, at nang tumingin naman siya sa 'kin ay nakuha niya naman ang ibig kung sabihin.
"Hmmn... Oo maganda siya, kahit na parang lalaki ang kilos no'n at pananamit ay masasabi kong maganda. Maputi rin siya..grabe ang astig nga eh," mangha pa ri g sabi ni Seth na mukhang inalala niya pa itong muli.
"Bakit Giovan? 'Wag mong sabihin na hindi ka nagagandahan? Titig na titig ka nga do'n kanina kaya alam kong namemorya mo ang mukha non," panunud'yo pa ni Seth rito.
"Pakialam ko do'n...hindi ko naman gaano nakita ang mukha niya dahil do'n ako sa mga kalaban niya nakatingin.