Chapter 40

1039 Words
~Shantal~ Nandito kami ngayon sa Ospital dahil si sinamahan ko si Finley na kumunsulta sa doctor niya upang ipaalam na nagbalik na ang alaala nito. Naiwan lamang ako dito sa labas dahil kukuhanan pa siya ng ilang test, ilang sandali ay lumabas na silang muli. "Okay Doc, thank you so much. I informed you asap if there's something wrong, we have to go for now," paalam ni Finley sa doctor niya. "No problem, I'll send you the results when it's done. You may go," tugon naman nito at nagkamayan pa silang dalawa. "Kumusta?" tanong ko. "Well, he said that I'm fine already but he needs to make sure when the results of my test are released. He will send it to me later, let's go?" Tumango naman ako. "Where do you want to go, Sweetie?" ngunit wala naman akong gustong puntahan. Pakiramdam ko ay pagod pa rin ako. "Hmmmn.. Nothing, can we go back? I want to rest pakiramdam ko ay pagod na pagod kasi ako, eh," nahihiya kong sabi sa kan'ya. Naisipan ko na lng din pala na umuwi. "Sweetie," tawag ko rito at nakangiti niya akong nilingon. "I loved to hear your voice when you called me, Sweetie. Let's eat?" alam ko na ang ugali niya. Mamaya na lang siguro kapag tapos na kami kumain, iba ang saya nito at kitang-kita ang kinang sa mga mata niya. Hindi rin nito binibitawan ang kamay ko na akala mo ay aalis ako. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagawang lokohin ni Bianca noon kung ganitong napaka-maalaga niya naman. Makulit nga lang ito madalas pero gano'n naman talaga siya dimula pa lang. Akala ko ay hindi ko siya magagawang mahalin, ngunit no'ng malaman kong may nangyari rito at nakalimutan ako bigla ay do'n ko napagtantong mahal ko na rin pala siya. Akala ko ay tuluyan na niya ako makakalimutan. "Ano ang gusto mo'ng kainin?" tanong nito nang makaupo na kami. "Ikaw na lang ang bahala, hindi pa naman ako gutom," ani ko. "Hmmn...okay, you want some sweet?" "Sige, 'yon na lang." Tinawag nito ang waiter upang umorder pero hawak pa rin nito ang kamay ko. 'Ibang klase.' "Shantal?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Jelo, school mates namin ni Jaica. "Ikaw nga! Akala ko ay namalik mata lang ako. Kumusta na?" tanong nito bigla namang tumikhom ang kasama ko. "Oh hi, I'm good Jelo. By the way I'm with my boyfriend, Finley. Sweetie... He's Jelo my school and batch mates," pakilala ko rito. "Hi Brow, nice to meet you." Inilahad ni Jelo ang kanang kamay upang makipag-kamay kay Finley at tinanggap naman nito. "Nice to meet you, too." "Sayang, akala ko pa naman ay may pag-asa pa 'ko sa 'yo. 'Yon pala ay nahuli na 'ko. Sa bagay, hindi pa naman kayo kasal kaya puwede pa," sabi ng loko. Nakita ko naman nagtangis ang bagang ni Finley kaya sinamaan ko ng tingin si Jelo. 'Loko 'to! Pinagtripan na pa si Finley, iba pa naman mag selos ang isang 'to.' "Hay naku Jelo, baka gusto mo'ng isumbong kita ka Trixie. Saglit ka lang nawala nangangaliwa ka na naman," sabi ko naman ngunit tinawanan lang ako nito. "Just kidding, Brow. Okay, I have to go. See next time sexy." Kimindat pa 'to bago umalis na talagang inaasar si Finley. Paglingon ko ay madilim ang mukha nito at nakasalubong ang mga kilay. "Sweetie...anong mukha 'yan? 'Wag mo'ng sabihing naniniwala ka sa mokong na 'yon?" "You don't know how I want to punch that bastard, Sweetie. Nagpipigil lang ako," sabi na nga ba't napipikon na siya kanina. "Nang-aasar lang 'yon! Hindi tsaka kahit na manligaw siya sa 'kin, basted pa rin 'yon," dagdag ko pa. Parang bata naman napanguso ito. "Talaga? Eh, bakit parang sobrang close niyong dalawa?" "Gano'n lang talaga 'yon. Alam mo naman na marami rin kaming naging kaibigan ni Jaica, at isa na si Jelo do'n kaya gano'n lang talaga 'yon. 'Wag mo na ngang isipin si Jelo." Bumuntong-hininga naman siya. "Nagseselos lang ako, Sweetie. Gusto ko sa akin ka lang close." Tinampal ko siya. "Tumigil ka nga para kang bata. Oh, ayan na ang order natin, kumain ka na nga lang," saway ko sa kan'ya. "Iba na ang gusto kong kainin Sweetie." "Huh? Ano naman?" Ngunit nang makita ako ang nakakalokong ngisi nito sa 'kin ay agad na namilog ang mga mata ko. 'Ang manyak niya.' ''Finley!" asik ko kan'ya na kinatawa nito. Kinintalan a ako nito ng halik sa labi. Sakto naman nilapag na ng waiter ang mga in-order namin. "Kumain na tayo, baka gutom lang 'yan." Naiiling kong sabi sa kan'ya, pero kapag siya ang inasar pikon naman. Tahimik kaming kumain na dalawa at siya ang mukhang gutom. Ang gana niya kumain akala mo naman hindi nakakain kanina. Pangiti-ngiti pa siya at sinusubuan pa 'ko. Nang matapis na kaming kumain ay umalis na kami agad sa restaurant. Hawak niya pa rin ang kamay ko, hindi talaga bumibitaw. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse at agad na umikot sa kabila. Kinabir ko na rin ang sit bealt ko. "Sweetie, uuwi na 'ko kina Jaica. Dalawi na lang kita ulit kung gusto mo." Kinuha nitong muli ang kamay ko at hinalikan. "Okay lang, kung ako lang ay gusto kong kasama lang kita palagi, eh." Hinaplos ko naman ang mukha niya. "Ano ka ba! Hindi pa nga ako nakauwi, akala mo naman ang layo ko. 'Wag ka na malungkot. Hmmn?" Ako naman ang humalik sa labi niya. Smack lang sana 'yon ngunit hinabol niya pang muli. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Tinugunan ko ang mga halik niya sa 'kin, sino ba naman ang makakatanggi sa galing niyang humalik na animo'y mawawala ka sa sarili mo. Hindi ko namalayang yumapos na ako sa leeg niya. Ang dila niya ay ginalungad ang loob ng bunganga ko at ang panaka-nakang pakagat-kagat nito sa labi ko. Gigil na naman siya. Siya na rin ang bumitaw sa halik niya. "Sweetie, alam mo ba'ng wala pa'ng binyag 'tong sasakyan ko?" tanong niya kaya nangunot naman ako. "Huh? A-anong– b-bakit?" "Binyagan na natin." "Ano ba–" Hindi na ako nakapag-salita nang sunggabab niya akong muli. 'Seriously dito? Bibinyagan raw namin.' Doon ko na nakuha ang sinabi niya. Napaka niyatalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD