Chapter 39

1008 Words
~Finley~ Ang saya ko dahil magkatabi kaming natulog at magkayakap sa buong magdamag. Hindi na ako umisa pa dahil alam kong masakit pa ang kan'ya kaya pagagalingin ko muna. Nakuntento na lamang ako sa paghalik at yakap sa kan'ya at masaya kong tinutugunan niya naman 'yon. Matinding pagpipigil din ang ginawa ko para lang hindi ko siya magalawa muli. Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko kaya napabalikwas ako sa higaan. Agad akong lumabas upang hanapin siya at do'n ko nga siya nakita sa kusina nagluluto. "Good morning, Sweetie." Lumapit ako at hinalikan siya sa noo at sunod ay sa labi. "Good morning, malapit na 'tong maluto kaya umupo ka na muna d'yan. Wait, timplahan kita ng kape." At pinagmas ko lamang siyang kumikilos. Kahit sumasakit na ang puson ko ay ayos lang, nand'yan si Mariang palad. Napailing na lamang ako sa naiisip. Ang sarap niyang pagmasdan. "Tuloy ba tayo sa check up mo?" tanong nito. "Yeah! Mamayang hapon pa ang schedule ko kay Doctor Marquez," tugon ko naman. "Okay, kumain na muna tayo! Wala naman akong gagawin kaya gusto ko na lang na matulog. Mamaya uuwi na 'ko kina Jaica, ayos ka lang naman 'di ba?" parang gusto kong sabihing hindi. "Ayaw ko pa sanang umuwi ka Sweetie, malungkot kaya, ang mag-isa dito," pag-iinarte ko sa kan'ya. "Hay naku! Tumigil ka diyan! Uuwi na 'ko baka ano pa ang isipin ni Tita Janice," aniya. "Ano pa ba ang iisipin nila? Eh, totoo naman nakuha mo na ang dangal ko." Namilog naman agad ang mga mata niya sa sinabi ko. "Woi! Kapal mo! Ano 'yon? Ako pa ang gumapang sa 'yo?" Inirapan pa ako nito kaya napahalakhak naman ako. "Biro lang Sweetie, ikaw naman. Pero promise, malungkot ang mag-isa dito. Pero kung ayaw mo talaga ay hindi naman kita pipilitin, it's fine!" Nakita ko namang natigilan siya, maya-maya lang ay nilapag na niya ang kape na tinimpla niya para sa 'kin sa harap ko. Nagulat akong yumakap siya sa 'kin. '''Wag ka nang malungkot, gusto mo ba sa umaga ay samahan na lang kita dito basta kinagabihan ay uuwi ako kina Jaica?" "Talaga?" Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya 'yon. "Opo, kasi baka maglupasay ang bata dito. Batang isip," natatawa nitong sabi. "Thank you, Sweetie. Mahal mo talaga ako! Hindi mo 'ko matiis." Napangiwi naman siya. "Halika nga dito." Hinila ko siya at nasa kandungan ko naman na siya. "Ganito tayong kakain, mas gusto ko 'to!" sabi ko sa kan'ya. "Baliw ka! Sandali nga, hindi pa nga ako nakapaghain eh. Bitaw nga muna!" aniya kaya bumitaw naman ako. "Basta pagtapos mo'ng maghain ay dito ka na ulit sa 'kin." Lihim akong napangiti habang humihigop ng kape dahil umirap na naman siya sa 'kin pero ginagawa niya pa rin naman ang sinaaabi ko. Hindi niya rin naman ako matiis. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo mula no'ng malunod ka kahapon?" tanong nito sa 'kin. "Okay, lang ako. 'Wag ka nang mag-alala. wala naman na, akong iniindang iba." "Mabuti naman kung gano'n, kumain na tayo," aya nito kaya hinila ko na siya ulit sa kandungan ko. "Ikaw talaga! Paano tayo nito kakain kung ganito?" "Okay lang 'yan, subuan mo 'ko at ako naman ang magsusubo sa 'yo." Sinubuan ko na nga siya. "See? 'Di ba mas masarap kumain kapag ako ang nagsubo sa 'yo?" "Tss.. Oo na po! Kumain na nga tayo baka gutom mo lang 'yan." Patuloy ko pa siyang sinubuan at gano'n din siya sa 'kin. Masaya kaming kumaing dalawa, at busog na busog ako. Nakakatuwa dahil hindi naman siya nagreklamo lahat ng gusto ko ay pinagbigyan niya. Nang matapos kaming kumain ay siya na rin ang naghugas ng pinggan. Lahat ginawa niya na, para mag-asawa na kami sa tingin ko. Kaya habang hindi pa siya tapis ay tumukong na ako. "Oh, bakit nandito ka? Do'n ka na, hayaan mo na 'ko dito kunti lang naman 'to eh," ayaw niyang tulungan ko siya pero ako ay gusto ko. "Para mabilis kang matapos at do'n na tayo sa kuwarto, matulog na lang tayo ulit." "Sigurado ka ba na matutulog lang?" Napangisi naman siya. "Syempre magpapaantok para makatulog, Sweetie," maang-maangan niya pa. Ang galing talaga ng isang 'to basta sa kalokohan niya eh! Kunwari, akala mo kung sinong matino. Pero sa isip niya king ano-ano na ang tumakbo. Magugulat ka lang sa kung ano gagawin niya. Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan namin ay nagtungo na nga kami sa kuwarto niya. Sumampa na siya agad sa kama at nahiga hinintay niya naman ako sumunod sa kan'ya. "Sweetie, halika na. Yayakapin kita para makatulog ka aga." Inayos niya na agad ang higaan na tinutukoy nito at 'yon ay sa mga braso niya. Lumapit naman na ako sa kan'ya at nahiga sa braso niya. Niyakap niya ako ako at hinalakihan sa noo. Pati ang buhok ko ay hinaplos-haplos niya, at do'n ako unti-unting na rin ako nakaramdam antok hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. "Sweet dreams, Sweetie. I love you," dinig ko pa bago ako tuluyang nakatulog. Nang magising ako ay wala nang muli si Finley sa tabi ko . 'Nasaan na naman kaya 'yon? Nando'n lang siya sa sala nanunuod ng balita, hindi niya namalayang nasa likod niya ako kaya yumakap ako sa kan'ya. "Sweetie," sambit ko med'yo antok pa ako. "Oh, gising ka na papa. kumusta ang tulog mo Sweerie?" malambing na tanong nito sa akin. "Masarap sa pakiramdam, pero Sweetie gabi na," saad ko sinasabi ko pa namang uwi na ako kamina. Pero bakit hindi mo ako ginising? Hmmn?" "Kaya nga napabangon ako agad nang wala ka na sa tabi ko eh. Nanunuod ka rin pala ng na balita, akala ko talaga display mo lang 'yang Tv mo eh!" aniya na natatawa. Oo nga no? Hindi ko na ito napapa-andar, kaya nagtaka,ako sa 'yo, bakit hindi pa kita? Kung gusto mo talagang unuwi ngayon ay ihahatid na kita," aniko sa kan'ya. "Woi, hindi pa ako kumain, wait lang magluluto lang ako dito ka lang." Pero napabalik ako nang hilahin ako pabalik sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD