Chapter 24

1037 Words
~Shantal~ Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Jaica dahil marami ang mga ligpitin at kailangan pa namin maglinis. Madaling araw na rin natapos ang kasiyahan sa party ni tita Janice kagabi. Alas tres ng madaling araw na rin nakauwi sina Finley at Red. Napangiti ako nang maalala ko ang mga pinaggagawa namin kagabi, ang pagsayaw ni Finley. Nakakatawa dahil ang tigas ng katawan niya kapag sumasayaw. Pero do'n lang kami sa dalampasigan nagpalipas ng oras. Nagkuwetuhan lang kami nang kung anu-ano at panay lang ang patawa niya. Magdamag lang kaming masaya, siguro ngayong oras ay tulog pa rin ang mga 'yon! At malamang hindi pa 'yon makakapunta dito. Buong maghapon lang kami nagligpit ni Jaica, mabuti at tinulungan pa rin kami ng mga kapit bahay. Ang saya pa dahil may mga natira pa ring pagkain kung kaya't nagbuddle fight kaming lahat kaninang tanghali. Sayang wala dito si Finley. 'Ano ba 'yan! Bakit ko ba siya iniisip!' Kinagabihan plakda kami ni Jaica, ngayon lang namin naramdaman ang pagod kaya maaga na kaming nagpahinga. "Best, good night. Pahinga na 'ko! Parang binugbog 'ang katawan ko, eh," Paalam ni Jaica at nauna na siyang umakyat sa kuwarto niya. "Sige best, matulog ka na. Good night!" Umakyat na rin ako sa kuwarto ko. Pabagsak akong nahiga sa kama at pumikit saglit. Naalala ko 'yong cellphone ko kaya tiningnan ko ito. Ngunit wala man lang message mula sa kan'ya, hindi rin siya tumawag. 'Wait! Mamimiss ko ba siya?' Nagdadalawang isip ako kung magme-message ba ako sa kan'ya, o hindi. Pero 'wag na lang, baka magchat din 'yon! Mabilis lang akong nakatulog dahil sa pagod at kinabukasan ay med'yo tanghali na ako nagising. Wala naman kaming ibang gagawin ni Jaica ngayon eh. Chineck ko ang cellphone ko ngunit wala paring message talaga. 'Hmmp! Bahala ka nga! 'di 'wag!' "Morning," bati ko kina Jaica at tita. "Good morning, best. Musta ang tulog mo? Ayos na ba? Ako, parang okay naman na. Sarap, nakapag-pahinga na!" Nag-inat-inat pa ito ng katawan niya. "Oh siya! Magsi-upo na kayo at mag-almusal na," ani naman ni tita kaya kumain na rin kami ni Jaica "Himalal! Hindi nagawi si Finley ngayon," biglang naalala ni tita si Finley. "Baka busy lang po sa Resort niya, tsaka wala naman siyang gagawin dito. Do'n may trabaho siya," sabi ko naman. Pero ang totoo ay nagtataka narin ako. "Hmmn...siguro nga best, susulpot na lang 'yon! Parang kabute 'yon eh!" dagdag pa ni Jaica. Pero lumipas ang limang araw ay wala talagang Finley na nagparamdam. Napapaisip tuloy ako. Tumabi naman si Jaica sa 'kin. "Best, hindi pa rin bumabalik si Finley no? Bakit kaya?" tanong nito. "Ewan ko, hindi ko rin alam best. Hindi na rin siya nagchat at tawag, ano na kayang nangyari do'n?" sambit ko. "Minessage mo na ba?" tanong ni Jaica "Oo, kinumusta ko pero hindi nagreply, eh. Bakit kaya?" Pero baka nga nagsawa na siya, naisip niyang itigil na lamang ang panliligaw sa 'kin at may nakilala na siyang iba. 'Puwede naman 'yon eh!' So, tama lang siguro ang desisyon kong hindi ako nagmadali. 'Mabuti na lang!' Dahil kung nagkataon ay masasaktan lang ako. Pero bakit parang may kirot sa puso ko? May part sa 'kin na hindi naniniwalang hindi niya magagawa 'yon? 'Umaasa na ba ako?' Pero dama kong totoo ang mga pinadama niya sa 'kin eh. Totoo ang mga sinabi sa pangako niya sa 'kin. Dito sa puso ko ramdam ko, eh! 'Finley, anong nangyayari?' Nag-aalala ako sa kan'ya sa totoo lang, maayos kami no'ng gabing nandito siya eh. Wala kaming problema, masaya naman kami. Pero naalala ko 'yong parang magpapaalam siya, pero hindi niya namang sinabi na aalis siya. Ang sabi niya lang ay mamimiss niya ako! 'Haaayyysssst! Ang labo naman.' Kahit magparamdam man lang sana siya ay okay na sa 'kin na kahit hindi na muna siya pumunta basta ba'y okay siya, eh! Sinubukan ko nang makita kay Jaica na tanong kay Red kung kumusta si Finley, ang kaso ay hindi pa naman din nagrereply. Hihintayin ko na munang lumipas ang isang linggo, kapag wala pa rin ay sasad'yain ko siya sa resort niya eh! Kainis 'yong gano'n, ah! Pagkatapos kong siyang pagbigyan ay igo-ghost ka bigla, ayos 'yan! May kalalagyan saya kung sakali. Bigla kong naalala ang ginawa at sinabi niya sa 'kin sa dalampasigan no'ng gabing nandito siya. Flashback "Sweetie payakap nga!" "Huh? Bigla niya akong niyakap at nang napakahigpit. "Mamimiss kita." 'Ano ba ang sinasabi niya?' Gumanti ang ng yakap sa kan'ya dahil parang nalungkot ako bigla. 'Bakit?' "Sandali nga!" Kumalas ako kan'ya. "Aalis ka ba? Bakit parang magpapaalam ka?" tanong ko, pero hindi niya naman ako sinagot. Niyakap niya lang ako ulit. "Ssshhhhhh! Hayaan mong ganito lang tayo. Gusto kitang yakapin, pagbigyan mo na 'ko. Please…" End of Flashback Bakit pakiramdam ko do'n ay may pinapahiwatig siya? 'Tss! Nakakabuang mag-isip, kung wala namang dahilan na mawawala bigla ang tao, bigla na lang hindi nagparamdam sa 'yo.' Kainis! Maghihintay ako sa linggo kapag wala pa din ay pupuntahan ko siya sa resort niya. At dapat may rason siya sa 'kin kung bakit hindi siya nagrereply sa 'kin at hindi nagpaparamdam tulad nang dati. 'Gago! Pinaglalaruan niya na 'ko?' Malaman-laman ko lang talaga na niloko niya ko, humanda talaga siya sa 'kin. Kung kailang alam kong may nararamdaman na 'ko sa kan'ya, ay saka pa siya mawawala. Naku! Gegerahin ko siya pagbalik niya. 'Pa-fall tapos ngayon nang ghost. Oh my God!' Kaloka! Finley! Kapag nalaman kong niloko niya lang ako, makikita niya talaga kung sino si Shantal Santillan. 'Punyawa siya!' Kaya ayaw ko rin talaga maniwala basta-basta sa mga mabulaklak nasalita eh! Madalas kasi do'n ay SCAM, kapal nang mukha. Akala mo naman kinakaguwapo nila lalo kapag na kapag may nabibilog silang babae. Nangigigil ako! 'Sweetie pang nalalaman! Jusme! Wala rin pala isang salita.' Umiling-iling ako! 'Teka! Bakit ba ang Bitter ko dito?' Para akong tanga na nagsasalita dito mag-isa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Naiinis na nag-aalala din ako sa kan'ya. Sana naman ay okay lang siya dahol kinakabahan ako. Hindi naman siya ganito sa 'kin before, sa isang araw nga ay nakakailang tawag pa siya sa 'kin eh! 'Finley, magaramdam ka lang kahit isang beses ay okay na.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD