Destinies Crime
Chapter 2 3
~Shantal~
Habang masaya kaming nagsasayawan ay biglang napalitan nang Sweet Music. Pagtingin ko kay Finley ay nakangiti na ito sa 'kin mukhang nagustuhan nga niya ang pagpalit ng music.
"May I have this dance, Sweetie?" Inilahad na ang kamay niya sa 'kin at tinanggap ko naman.
"Sure!" Nakangiti ko rin na tinanggap ang kamay nito.
Nagulat ako nang biglang lapitan niya ang baywang ko at inabot niya ako sa kan'ya. Sobrang lapit namin sa isa 't isa, alanganin naman akong nilagay ang mga kamay ko sa dibdib niya.
Sa gano'ng ayos namin ay parang magkayakap na kaming dalawa, nailang naman ako bigla dahil ang kapit nang Mukha niya sa 'kin.
"Sweetie, tumingin ka sa kin." At gano'n na nga ang nangyari, ngayon may nakatitig na kami sa isa't isa.
"Gustong-gusto ko talagang ganito na mas napagmamasdan kita sa malapitan, Sobrang ganda mo talaga, Sweetie," sabi nito sa 'kin. Bigla namang uminit ang mukha ko, paniguradong namumula na 'ko.
"Shock's! Lalaking 'to talaga!'
"'Wag mo nga akong tingnan nang gan'yan, puwede ba?" pakiusap ko naman dahil naiilang ako.
"At bakit? Gusto ko nga, eh!"
'Haaayasstt…Kahit kailan talaga!'
'Eh, 'Di 'wag mo nang sabihin. Tumitig ka lang hindi 'yong marami ka pang sinasabi!" inis kong sabi, siya naman ay tila aliw na aliw sa 'kin.
"I love you, Shantal." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Oo, palagi niya 'yang sinasabi sa 'kin pero ngayon na sobrang kapit namin ay sobrang bilis nang t***k ng puso ko.
'Oh my ghad! Anong nangyari sa puso ko?'
Sana ay hindi niya 'yon maramdaman o mahalata.
"Alam mo Sweetie, ang saya-saya ko ngayon!
Hindi ko akalain na, ganito, sobrang lapit mo na sa 'kin at hindi na tayo magkaaway, or should I say.
Hindi mo na ako inaaway," anito. Tama siya, hindi ko na rin siya gaanong nasusungitan.
At nagsasanay na rin naman ako sa kan'ya, sobrang bait niya rin naman at napaka-sweet.
Maalalahanin, at 'yon nga vocal rin, nasanay na lang din siguro ako sa kan'ya.
"Oh, eh, anong gusto mo? Sungitan kita?" biro ko.
"Hindi ah. Okay na nga tayo eh! Ba't ko gugustuhin pa 'yon?" nakanguso niyang sabi.
Nabigla ako dahil Niyakap na niya ako nang tuluyan. "Sweetie mamimiss kita," sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit? Aalis ka ba? Kung makamiss ka naman, eh, palagi naman tayong nagkikita," sagot ko naman.
"Pero kapag umalis ako, mamimiss o nga ba ako. Sweetie?" nagkabit balikat naman ako.
"Oum...hindi ko alam, siguro, o dipende." Hinati niya naman ang tatay kong buhok dahil biglang humangin.
"Kasi ako, kapag gano'n! Ako, mamimiss kita," sabi niya naman sa 'kin.
Lalong kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
'Bakit ganito na ang nagiging epekto niya sa 'kin?'
Hinawakan niya ako sa mukha kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya.
Tila kumikislap ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko.
Walang duda.
Mahal niya nga talaga ako.
Ngumiti ako sa kan'ya, hindi ko alam basta masaya ako habang kasama ko siya.
Nagpatuloy lang kaming sumayaw na parang kami lang dalawa.
Ngumiti ako sa kan'ya, hindi ko alam basta masaya ako habang kasama ko siya.
Nagpatuloy lang kaming sumayaw na parang kami lang dalawa.
Nagpatuloy lang ang kasiyahan hinayaan na namin sina Red at Jaica dahil mukhang busy rin ang dalawa.
Masaya ako para sa kaibigan ko kung nagkakamabutihan na nga silang dalawa, mabait naman si Red at tiwala ako do'n.
Nandito kami ngayon sa dalampasigan ni Finley, sobrang liwanag nang buwan kaya makikita mo rin ang paligid lalong-lalo na ang kagandahan nitong buwan sa gabi.
"Shantal, thank you ha?" Napalingon naman ako kay Finley kung bakit siya nagpapasalamat.
"Bakit naman? Para saan?" tanong ko.
"Kasi, okay tayo! I mean, maayos mo na akong kinakausap hindi tulad nang dati." Natawa naman ako.
Hindi niya talaga makalimutan 'yong pagsusungit ko sa kan'ya.
"Kalimutan mo na 'yon!
Ang mahalaga ngayon ay magkaibigan na tayo," sagot ko naman.
"At sana dumating na ang araw na, hindi lang kaibigan ang tingin mo sa 'kin," anito.
Hindi ako nakasagot.
'Ano ba dapat ang sasagot ko?'
Basta ang alam ko ay, masaya ako dahil magkasama kami at kumportable na 'ko sa kan'ya.
Ayaw ko naman madaliin ang nararamdaman ko kung hindi pa naman ako sigurado.
"Will see," sambit ko.
"Isang taong ka ba talagang hindi uuwi sa in'yo?" tanong naman ni Finley.
"Oo, 'yon ang sabi ko. Uuwi ako kapag tapos na ang isang taon kong hiniling sa kanila kaya matagal makulit siguro ay makakabalik dito kila Jaica.
Bakit mo naman naitanong?" Napakamot napakamot naman siya sa ulo niya.
"Wala lang! Ahmmn...puwede naman ang pumunta sa 'yo kung sakali 'di ba?" tanong niya.
'Hay naku! Matagal pa naman 'yon 'to talaga!'
"O naman, bakit hindi?" Ngiti kong sabi.
"Oo nga naman, baka nga girlfriend na niya no'n, eh!" Nailing na lang ako.
"Finley! Wala ka bang kapatid? Ako kasi mag-isa lang, eh!
Kaya walang iba na magpapakbo, o papalit sa kanila kun 'di ako," sabi ko sa kan'ya.
"Ako lang din naman ang nag-iisang Anak ng parents ko, eh. Pareho pala tayo!
Pero itong resort, sarili ko talaga 'to!
Gusto ko kasing mayro'n akong matatawag na sariling akin na hindi nakadepende sa pera ng parents ko.
At sa awa ng diyos,
maayos naman. Marami na akong branches," humanga naman ako do'n sa kan'ya.
Ang galing niya dahil nagawa niya 'yon at talagang successful na siya.
"Wow! Congrats ang galing mo!" puring bati ko sa kan'ya.
"Thank you! Oo nga eh, ikaw na lang ang kulang," sabi pa nito sa 'kin.
Parang may sumikdo sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon, natutuwa ang puso ko at inaamin kong kinikilig ako.
'Bakit ba siya gan'yan?'
"Sweetie payakap nga," sambit niya.
"Huh?"
Bigla niya akong niyakap at nang napakahigpit.
"Mamimiss kita."
'Ano ba ang sinasabi niya?'
Gumanti ang ng yakap sa kan'ya dahil parang nalungkot ako bigla.
'Bakit?'
"Sandali nga!" Kumalas ako kan'ya.
"Aalis ka ba? Bakit parang magpapaalam ka?" tanong ko, pero hindi niya naman ako sinagot.
Niyakap niya lang ako ulit.
"Ssshhhhhh! Hayaan mong ganito lang tayo.
Gusto kitang yakapin, pagbigyan mo na 'ko.
Please…"
Wala na akong nagawa kaya, hinayaan ko na lang.
Ayaw niya rin naman akong sagutin, hinayaan ko siyang yakapin ako.
Gusto ko ang pakiramdam nang ganito, pakiramdam ko safe ako sa kan'ya habang Nakakulong ako sa mga bisig niya.
Kahit pa may hindi magandang nangyari sa, pagitan namin no'ng nakaraan ay hindi ko maikakailang gusto ko ang pinapakita niyang pagkagusto sa 'kin.
'Magugustuhan ko na rin ba siya?'