~Shantal~
Ano ba naman 'tong lalaking 'to! Napaka vocal niya talaga, sasabihin niya kung ano ang nararamdaman niya sa 'yo at hindi siya nahihiya.
'Kaloka!'
Always niyang sinasabi na gusto niya ako! Nag-I LOVE YOU pa nga eh!
Jusko Marimar, ano ba dapat ang magiging reaksyon ko nito!
Bigla niya akong tinanong kung bakit nga ba ako nandito kila Jaica at kung hanggang kailan ako dito, kaya sinabi ko naman.
Wala pala siya no'ng time na tinanong kami nina Seth about kung taga saan talaga kami at no'ng ipinaliwanag ni Jaica ang tungkol sa 'kin, kung bakit ako nandito.
"Sabi mo 3 months ka nang nandito, mahigit na nga.
Ibig sabihin gano'n na ako katagal na nanliligaw sa 'yo, Sweetie.
Or kahit sabihing hindi ka pa pumayag pero heto pa din ako parang gano'n padin 'yon." Kinuha ko naman ang kamay niya para hindi ipaintindi ko sa kan'ya.
"Minamadali mo ba ako? Bakit? Kapag wala na ba ako dito kina Jaica ay titigil ka na?
Hanggang dito lang ba ang kaya mong puntahan, gawin para sa 'kin?
Bakasyonista lang naman kaba ako dito, at hindi talaga nito ang bahay ko, Finley," sa bi ko sa kan'ya na agad naman siyang nag-iwas nang tingin.
"I'm sorry," hinging pasensiya niya. Mukhang nakuha niya bigla kaya sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
"Pero, puwede nating kilalanin ang isa't isa habang nandito ako hindi ba?" Nakangiti kong sabi sa kan'ya.
"Matagal pa ang 7 months, marami pa'ng mangyayari sa mga araw at panahong 'yon.
Sumabay na lang tayo at hayaan na lang natin kung saan tayo dalhin.
Marunong naman tayong tumigil kung mali na ang direksyon eh!"
Hindi ko alam pero habang tumatagal ay nagiging komportable na rin ako sa kan'ya.
Makulit nga lang kaya madalas akong mainis, pero kapag sumimangot naman siya ay parang ayaw ko naman makitang gano'n.
'Hay Ewan!'
"At kung tama?" tanong niya.
"Eh, 'di maganda ang patutunguhan natin sa hanggang dulo," tugon ko naman.
'Parang may gusto siyang isagot ko, eh! May hinihintay siya!'
"Kaya ikaw, 'wag ka ngang nagmamadali d'yan, okay?
Baka mamaya niyan sa pagmamadali mo ay sa huli mo pagsisihan," dagdag ko ang seryoso naman din siyang nakinig sa akin kaya nagpatuloy na lang ako.
"Kunwari katulad niyan, nagmamadali kang ligawan ang babae at gusto mo siyang mapasagot agad.
Pero no'ng sinagot ka na at naging kayo ay do'n mo palang malalaman ang totoong ugali niya, e, 'di nagsisi ka ngayon?
Kaya mas maganda magkakilala na muna kayo sa isa't isa," saad ko at napatango naman siya, pero siya naman ang nagsalita kaya nakinig naman ako.
"Pero hindi naman dapat ay i-asa sa panahon eh, dahil wala naman talagang perfect timing.
Walang tamang panahon, o oras sa pag-ibig.
Dahil kung kailan tumigil ang t***k ng puso mo para sa taong 'yon, ay 'yon na talaga," sabi niya pa.
"Mero'n nga diyan, na, bigla na lang magiging isang araw. Hindi na pala niya mahal ang taong 'yon.
Mero'n din naman, na, katulad ngayon. Nag-uusap pa lang tayo pero biglang tumibok na pala ang puso mo para sa 'kin." Hinampas ko naman siya dahil ang hilig niyang usingit ang kalokohan niya.
"Puro ka na naman kalokohan!" Natatawa na lang ako sa pinaggagawa ng taong 'to!
"Pero 'di nga, Sweetie. 'Pag sa 'kin na tumibok 'yang puso mo sabihan mo 'ko agad, ha? Kasi ako.
Oo, matagal na siyang tumitibok kasi hindi naman ako buhay kung hindi siya tumitibok pero, ang sinasabi ko ay isa ka.
Kasama ka sa bawat pagtibok nito." Kinuha niya ang kamay ko, at itinapat 'yon sa puso niya.
"Sweetie, pakiramdaman mo ang sinasabi niya, pakinggan mo!
Shantal, Shantal, Shantal." Sabay bumulanghit ako nang tawa, malakas.
Titig na titig naman siya sa 'kin habang tawang-tawa ako.
'Bahala siya, basta natatawa talaga ako!'
"Infairness natawa ako sa Joke mo, ha!" Natatawa ko paring sabi sabi sa, kan'ya.
"What! Sweetie naman, hindi naman kasi ako nag-jokoke, eh!
Totoo kaya 'yon!" Maktol niya, parang bata.
Eh, sa natatawa pa rin ako, "Oo na! Naniniwala naman ako sa 'yo, no! Natawa lang talaga ako, promise." Humilig ako sa balikat niya.
"Thank you Finley, masaya talaga ako!"
Pasasalamat ko sa kan'ya dahil kahit papaano ay napasaya niya naman talaga ako.
Naramdaman kong humalik siya sa noo ko
at napangiti ako dahil do'n.
'Handa akong kilalanin ka pa, Finley.'
Maya-maya lang ay nagpatugtog na nang malakas, mukhang mag-u-umpisa na ang kasiyahan.
"Mukhang maraming na ang nagsasayawan ah," anito.
"Oo nga! Ang saya dito no? Sa 'min kasi hindi ganito, puro mga sosyal lang ang makikita mo kapag may mga occasion.
Mas gusto ko ang ganito, simple pero napakasaya nila," dagdag ko pa.
"Hayaan mo, Sweetie. Kapag nagpakasal na tayo, kung gusto mo ay ganitong buhay ay ayos lang sa 'kin." Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil ayan na naman siya.
Pangisi-ngisi pa, "At least tipid, hindi magastos!" At humalakhak ang loko.
Natawa na lang din ako. "Sumasayaw ka ba Finley? Sayawan mo nga 'ko," ani ko sa kan'ya.
"Sweetie, mahal ang talent fee ko! Bibigay mo ba ang kapalit kapag sinayawan kita?" hanon niya sa 'kin.
"Oo ba! Basta ba't kaya ko lang," sagot ko naman sa kan'ya.
"Okay! Kiss mo 'ko!"
'Sabi ko na nga ba, kalokohan na naman eh!'
"Oo ba!" sagot ko naman na ikinatuwa niya.
"Talaga payag ka?" Nakangiti niya tanong.
"Oo! Basta last mo na!" sabi ko naman sa kan'ya.
'Bagsak ang balikat nang loko!'
"Sweetie naman! Nagbibiro lang, eh! Ito na nga, sasayaw na, oh!" Sinabayan niya ng sayaw ang music na Budots Remix.
Muli na naman akong natawa dahil ang cute niyang sumayaw, pati ako ay nakisayaw na din at sinabayan na siya.
Marami na ang napatingin sa 'ming dalawa at nagpalakpakan.
Pati sina Jaica at Red.
Si Red naman ay kinuhanan kami ng Video.
Malamang, ipapakita na niya 'yon kina Seth at Giovan.
Sayang lang at wala sila rito.
'Haaayasstt…ang saya!'
Inaya na ring sumayaw ni Jaica sa Red, kaya tumayo na rin ito at sumayaw na rin.
Napapailing na lang ito dahil sa hiya, sa kanilang apat kasi ay si Red ang pinaka seryoso.
Hindi katulad nina Set, Giovan, at Finley na puro may kalokohan.
"Yeah Red! Igiling mo pa!" sigaw naman ni Finley, nagmamayabang pa ang loko.
"Ganito oh!" Tinuran pa niya sumayaw si Red na akala mo naman napakagaling, eh, isa rin namang matigas ang katawan niya.
"Whoooohhh! Party-party!" sigaw nman ni Jaica.
Mas lalong lumala dahil nag-umpisa nang magladlad si Raven.
"Go Ghurl! Giling mo pa!" Biglan nitong nilapitan si Red at sinayawan, pinaikutan niya ito at gumiling-giling sa harap nito.
Natawa naman kami sa reaksiyon niya dahil halatang ayaw niya, si Jaica naman ay mas lalo pa siyang inaasar.
"Brow! Help me!" hinging saklolo nito kay Finley na mas lalo lang siyang pinagtawanan.
"Fu*k! Get off your hands on me!" asik niya kay Raven.
Kagat labi lang ang isa sabay kindat pa.
'Pilya din 'tong si Bakla, eh!'