Chapter 21

1162 Words
'Kaso hindi puwede.' "Naku! Wala akong masabi sa in'yong lahat kun 'di maraming salamat. Lalong-lalo na sa Anak kong si Jaica at sa parang Anak ko na ring si Shantal. Hindi ko talaga akalaing may pa-surprise kayong lahat sa 'kin. Salamat sa mga pumunta at nagtulong-tulong para dito. God blessed everyone," pasasalamat ni tita sa lahat. "Okay, ano pa hinihintay natin! Kainan na at nang maumpisahan na ang Party-party!" Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Jaica. Ang lahat ay naging abala na sa kan'ya-kan'yang kuha nang makakain. Si Jaica naman ay nilapitan na si Red. At siyempre ang Sweetie ko ay lumapit na rin sa 'kin. "Anong gusto mong kainin? Kukuha na kita," nag-prisinta na siya. Natuwa naman ako dahil inaasikaso niya ako. "Samahan na lang kita Sweetie, sabay na tayo," tugon ko naman. "Sigurado ka ba? Baka mahirapan ka lang, ako na lang," pero hindi ako pumayag kaya wala na din naman siyang nagawa. Sabay kaming kumuha nang pagkain, Nauna akong natapos kung kaya't hinatid ko na muna ang pagkain ko at babalikan ko siyang muli. "Sweetie, akin na ako na magdadala." Binigay niya naman sa 'kin ang ang pinggan niya. "Okay, let's eat." Kaya kumain na kami kami. Maghiwalay kaming dala kina Red at Jaica, kasama kasi nito si tita Janice at kaibigan nito ang mommy ni Raven. Okay lang naman sa 'kin 'yon dahil masosolo ko ang Sweetie ko. "Finley tikman mo 'to." Sinubo niya sa 'kin ang kanin, pero pamalagkit siya at kulay dilaw. "Masarap ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Yeah! Malinamnam siya, ano tawag diyan, Sweetie?" tanong ko naman muli. "Ah.. Arroz Valencia ang tawag nito, paborito ko 'to, eh," aniya. Kaya pala pinatikim niya sa 'kin. "Really? E, 'di paborito ko na rin 'yan." Natawa naman siya. "Sira! Kumain ka na nga!" Muli kaming nagkatinginan at pareho kaming natawa. Ang sarap nang ganito, hindi na siya nagsusungit sa 'kin. Nang matapos kaming kumain ay inaya ko na muna siya do'n dahil marami pang tao ang nagdadatingan. "Sweetie, do'n na muna tayo sa hindi gaanong masikip. Okay lang ba?" Pumayag naman siya at nagpapatiuna, sumunod na lamang ako sa kan'ya. Kumuha ako ng dalawang upuan para may maupuan kami. "Thank you," hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya na aalis ako o hindi. Pero mas minabuti ko na lamang na hindi sabihin sa kan'ya, baka isipin niya na masiyado ko na siyang inaabala. "Nabusog ka na an ba?" siya na ang bumasag ng katahimikan naming dalawa. "Oo naman, sobra!" Tipid naman siyang ngumiti. Bigla may naisip naman akong tanong sa kan'ya. "Sweetie," tawag ko. "Hmmn…?" Lumingon siya sa 'kin. "Bakit ka nga pala nandito? At hanggang kailan ka dito?" tanong ko. "Ah…'yon ba? Nagpaalam kasi ako sa parents ko na bago nila i-turn over sa 'kin ang Family Business namin ay gusto kong magpahinga na muna at gawin ko ang gusto kong gawin," sabi niya sa 'kin at nakinig na lamang ako. "Pareho kaming fresh graduate ni Jaica, last 3 months lang. Akala mo 'yon! Naka 3 months na pala ako dito, 7 months na lang, at back to reality na ulit," sabi niya kaya nangamba naman ako na baka hindi ko na siya makita pang muli kung hindi ko siya mapapasagot. "Huh? Tapos uuwi ka na, hindi na kita makikita? Paano naman ako no'n, Sweetie?" Maktol ko pa. "Anong paano ka? Siyempre, ikaw pa rin 'yan! Anong ba ang nangyayari kapag umuwi ako? Eh, dapat naman talaga ako umuwi dahil do'n ang totoong bahay na ko! Buhay ko!" Nalungkot naman ako sa sinabi niya. "So, kailan magiging ako ang bahay at buhay mo, kung gano'n?" tanong ko sa kan'ya. Bakit ba pagdating sa kan'ya ang hina-hina ko. "Finley!" tanging sambit niya. 'Akala niya na nagbibiro akong nalungkot lang, totoo na 'to!' "Sabi mo 3 months ka nang nandito, mahigit na nga. Ibig sabihin, gano'n na ako katagal na nanliligaw sa 'yo, Sweetie. Or kahit sabihing hindi ka pa pumayag pero heto pa din ako parang gano'n padin 'yon." Kinuha niya, ang kamay ko dahil do'n. "Minamadali mo ba ako? Bakit? Kapag wala na ba ako dito kina Jaica ay titigil ka na? Hanggang dito lang ba ang kaya mong puntahan, gawin para sa 'kin? Bakasyonista lang naman ako dito, at hindi talaga dito ang bahay ko, Finley," bigla naman akong nakaramdam ng hiya. 'Tama siya, hindi nga naman talaga siya taga rito. Bakit ang tanga ko sa part na 'yon!' "I'm sorry," tanging tugon ko. "Pero, puwede nating kilalanin ang isa't isa habang nandito ako hindi ba?" Nakangiti niyang sabi. "Matagal pa ang 7 months, marami pa'ng mangyayari sa mga araw at panahong 'yon. Sumabay na lang tayo at hayaan na lang natin kung saan tayo dalhin. Marunong naman tayong tumigil kung mali na ang direksyon eh!" makahulugan niyang sabi.. "At kung tama?" tanong ko. "Eh, 'di maganda ang patutunguhan natin hanggang sa dulo," aniya. "Kaya ikaw, 'wag ka ngang nagmamadali d'yan, okay? Baka mamaya niyan, sa pagmamadali mo ay sa huli mo pagsisihan," muli na lang ako nakinig sa kan'ya. Naaaliw ako. "Kunwari katulad niyan, nagmamadali kang ligawan ang babae at gusto mo siyang mapaasagot agad. Pero no'ng sinagot ka na at naging kayo ay do'n mo palang malalaman ang totoong ugali niya, e, 'di nagsisi ka ngayon? Kaya mas maganda magkakilala na muna kayo sa isa't isa," may tama naman siya do'n. "Pero hindi naman dapat ay i-asa sa panahon eh, dahil wala naman talagang perfect timing. Walang tamang panahon, o oras sa pag-ibig. Dahil kung kailan tumigil ang t***k ng puso mo para sa taong 'yon, ay 'yon na talaga. OUT OF LOVE, kumbaga," sabi ko naman. "Mero'n nga diyan, na, bigla na lang magiging isang araw. Hindi na pala niya mahal ang taong 'yon! Mero'n din naman, na, katulad ngayon. Nag-uusap palang tayo pero biglang tumibok na pala ang puso mo para sa 'kin." Hinampas niya na naman ako. "Puro ka na naman kalokohan!" Natawa naman ako. "Pero 'di nga, Sweetie. 'Pag sa 'kin na tumibok 'yang puso mo sabihan mo 'ko agad, ha? Kasi ako. Oo, matagal na siyang tumitibok kasi hindi naman ako buhay kung hindi siya tumitibok. Pero, ang sinasabi ko ay isa ka, kasama ka sa bawat pagtibok nito." Kinuha ko ang kamay niya at itinapat 'yon sa puso ko. "Sweetie, pakiramdaman mo ang sinasabi niya, pakinggan mo! Shantal, Shantal, Shantal." Sabay tumawa siya nang malakas. Namangha ako dahil ngayon ko lang siyang nakita na gano'n tumawa. 'Ayos na Finley! Nahuli ko rin ang kiliti niya!' "Infairness natawa ako sa Joke mo, ha!" Natatawa pa niyang sabi. "What! Sweetie naman, hindi naman kasi ako nag-jokoke, eh! Totoo kaya 'yon!" Maktol ko pa. Natatawa pa rin siya, "Oo na! Naniniwala naman ako sa 'yo, no! Natawa lang talaga ako, promise." Bigla siyang humilig sa balikat ko. "Thank you Finley, masaya talaga ako!" Napangiti naman ako kahit papaano ay mapasaya ko siya. Hinalikan ko siya sa noo at pansamantala kaming nanahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD